Thirteen

148 8 0
                                    

Thirteen

Our Christmas and new year break ended faster. Halos walang araw na hindi ako nakikihalubilo sa samut-saring mga bisita nila Dad sa bahay.

Mom also starting her preparation for my grand debut from its motif down to the little things she wants like my accessories.

January 2 when I exhaustedly lay down on my very familiar bed. Kakarating lang namin at bukas na ulit ang start ng klase. Halos wala akong ginawa kung hindi batiin lahat ng mga bisita ni Dad sa Manila, except of course on what happened to Lennox Birthday.

Buong bakasyon siyang nagme-message sa akin at kahit nagrereply naman ako. Pakiramdam ko kulang na kulang ang oras para sa lahat ng greetings sa bisita at text niya and at the end of it—halos hindi 'rin ako nakakapag-reply ng maayos.

Tinanghali ako ng gising kinabukasan dahilan nang pagkaka-late namin ng pasok. Halos magkanda-dapa-dapa ako paakyat ng basement.

"Dahan-dahan lang Keisha, baka madapa ka!" Sigaw ni Yen nang mapansing natakbo na ako. Hinihingal akong sinuot ang helmet ni Reyla at sumampa.

"Lets go! I'm late."sabi ko. Like the usual, kami ang nauna sa kanila at naka-antabay naman ang dalawa sa aming likod.

"There's someone who's been following us?" Kaagad kumunot ang noo ko dahil sa narinig kay Reyla. May kausap siya sa earpiece.

"Keisha, hold firmly!" Anito at mas lalong pinabilis ang pagpapatakbo. Napatingin ako sa likuran at halos maiwan na namin sila Yen dahil sa bilis ng takbo namin.

Nakarating kami sa school. Nagmamadaling kinalas ni Reyla ang helmet sa akin at pina-una na ako sa pag-akyat.

"Dont ever leave your room. Pupuntahan ko lang sila." Tumango kaagad ako sa sinabi niya at kinausap na niya ang nasa earpiece.

"Where are you? Ha?!" She action me to go inside kaya 'yun na ang ginawa ko. Tuliro akong umakyat sa building, wala ng tao ang buong hallway dahil nagsisimula na ang klase. 3rd subject na ngayong araw.

Kinuha ko ang phone ko sa aking bag at inignora ang text ni Lennox. I proceed to text Lia.

Napahinto ako sa paglalakad at nagtipa para sa kanya.

"Are you okay? Text me kung okay lang kayo?"

I waited for 5 seconds before I walk again. Nasa tapat na ako ng classroom at nasa discussion na ang guro. Kaagad napukaw ang atensyon ng iba kong kaklase dahil sa pagdating ko. Ko-konti lang kami ngayon, marahil kaka-galing palang sa bakasyon ang iba at hindi pa nakakauwi o tinatamad pang pumasok.

I bow to my teacher as respect.

"I'm sorry for being late Mam." Magalang kong sambit. She nodded and resumed again her discussion. However when I walk towards my seat, napansin kong wala si Lennox doon.

Kumunot ang noo kong hinanap siya sa buong klase but he's not here! Nasaan na ba 'yun?

Dahan-dahan kong nilapag ang bag at kinuha ang phone. I open his text.

Lennox: Where are you?

Lennox: Papasok ka ba?

Lennox: Tapos na ang first subject.

Lennox: Nandito ako sa gate, hihintayin kita.

Kaninang umaga lang ito lahat. Napasinghap ako at nagtipa kaagad.

Ako: I'm in our room. Come here!

I waited for almost 10 seconds pero wala siyang reply. Ilang beses akong sumilip sa phone ko at nagbabakasakaling nakapag-reply na siya pero wala padin hanggang ngayon.

Hidden Heiress - Del Via Clan SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon