Forty Seven

123 5 0
                                    

Forty Seven

Kinuha sa akin ni Lennox ang towel na nakasukbit sa aking leeg habang nag-jogging. We were both panting as we rested for a while. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at pinunasan ako sa aking noo at leeg habang binubuksan ang baong tubig.

It's been almost 2 weeks since the incident, unti-unti nang naghihilom ang sugat sa aking likod but we were still here in this familiar place in Masbate. Puro punong kahoy ang nakikita namin sa daan. I stopped jogging when a familiar sound of choppers landed not far away from us. Tumingin ako kay Lennox ng nagtataka.

"Uuwi ba sila Mommy ngayon?" tanong ko sa kaniya na agad niyang inilingan.

"They didn't inform me that they will be coming here, akala ko sa weekend pa?" wala sa sariling tanong ko. Mabilis ang hakbang ko palapit sa chopper na unti-unti ng humihinto ang makina. Sasalubungin ko na sana sila Mommy nang manliit ang mata ko dahil si Rykey ang niluwa noon.

Pareho kaming natigilan ni Lennox sa paghakbang at hinintay na lamang siya na makalapit.

"Keisha, I've been calling you. I heard you've been shot. Kamusta naman? Magaling ka na?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin. Hinawakan niya pa ako sa aking balikat upang tingnan kung saan ako tinamaan ng bala.

"I'm fine Ryk. Bakit ka ba nandito?" Iritableng tanong ko sa kanya.

"Kakamustahin ka, pf course. Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko rito." Pinaningkitan ko siya ng mata. I feel like his searching for sonething dahil gumagala ang mga mata niya.

"I'm still resting, bumalik ka na ng Manila. Uuwi na rin naman ako doon." Sagot ko at tinalikuran na siya. Kinuha ko kay Lennox ang towel na hawak niya at ngumiti. I remember that Ryker didnt know that he's my boyfriend or baka alam na niya.

Hinarap ko ulit si Ryker at nakakalokong ngumiti sa kaniya. "By the way, I'd like you to meet my boyfriend."

Hinila ko si Lennox at kunapit sa kaniya. "This is Lennox Javier Dela Vega, my boyfriend." Namuo ang ngiti ni Lennox dahil sa sinabi ko samantalang naguguluhan naman ang mukha ni Ryker sa harap ko.

"So if you are planning to introduce me to one of your friends. Huwag mo ng tangkain." Panunuya ko sa kan'ya. Unti-unting gumapang ang kamay ko sa kamay ni Lennox at nauna ng umalis doon. Naiwan si Ryker na naguguluhan at may malaking tanong sa isip.

"Okay lang kay Tito?" Pasigaw na tanong niya sa akin.

"Yeah." Sinulyapan ko siya sandali at kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya na may kasamang lungkot. Napansin 'rin ni Lennox 'yon.

"What's with his mood?" Tanong ni Lennox nang mapansin ang pinapakitang reaksyon ni Ryker sa amin. Nagkibit balikat ako at may pakiramdam sa dahilan pero hindi ko na lamang isinatinig.

Bumalik kami sa basement habang nakasunod si Ryker sa amin. Nagpaalam muna akong maliligo bago tumuloy sa umagahan, ganoon rin ang ginawa ni Lennox, we leave Ryker in our dining.

Makaraan ng ilang minutong pagaayos, lumabas na 'rin ako ng kwarto. Mabilis naging attentive ang aking dalawang bodyguard sa labas ng kwarto ng lumabas ako, I smirked.

Mabilis kong dinaluhan si Ryker na mariin ang titig sa gilid ko. I trace his line of vision at kay Jhanna napapadpad ito. I pursed my lips to shrugged it off.

"How's the company?" Tanong ko sa kan'ya at naupo sa kabisera. Parang hangin lang ako sa harap niya, hindi man lang ako sinagot. Masyadong focus ang mga mata niya sa likuran ko.

"Ryker?" Nilingon ko si Jhanna at kitang-kita ko ang pagkabalisa niya sa titig ng aking pinsan.

There's something off to them. Para silang matagal ng nagkakilala at ngayon lang ulit nagkita.

Hidden Heiress - Del Via Clan SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon