TSB-5

41 4 0
                                    

"Is your Mommy always that grumpy baby?." Clythe asked the kid while she's eating.

Hindi alam ni Clythe kung bat ang gaan ng loob niya sa bata. Pero siguro ay dahil malapit siya sa mga bata. Kahit naman kasi tagasundo sila ng masasamang kaluluwa ng mga kapatid niya ay minsan nag papanggap silang tatlo na tao.

Tumutulong sila sa mga batang walang magulang. Yung mga batang inabandona or yung nasa mga orphanage na mga bata.

Nakapang halumbabang tumingin ang bata kay Clythe."It's my first time to witness mommy acted like that po e. Kasi she's always sad acted scared naman when she's talking to my daddy." may lungkot na wika ng bata.

"Huh?why naman sad and scared si mommy mo?." gulat na tanong ni Clythe.

Pero may alam na talaga siya kung bakit. Sa mga nakita pa lang niya sigurado siyang isa yun sa mga dahilan kung bakit malungkot at natatakot ang babae.

Yumuko si Clyse bago malungkot na ngumiti at tinignan si Clythe." I don't know po stranger. I'm just a kid so wala akong alam. Maybe when I'm big alam ko na."

Kung kanina ay malungkot ito ngayon naman ay naging bibo na magsalita na ikinatawa ni Clythe. Ginulo niya ang buhok ng bata atska inayos ang mga pinagkainan niya.

Bata pa lang ay parang matanda na mag isip. Saad ni Clythe sa isip niya at napailing na lang.

Pumunta silang dalawa sa sa terrace para doon maglaro. Ni hindi nga alam ni Clythe kung anong gustong laruin ng bata. Kita mula sa Terrace ang hindi kalakihang swimming pool. Sa di kalayuan nun ay may parang bahay kubo bubong lang meron kaya kitang kita yung nakapalibot na upuan at may lamesa sa gitna.

All in all masyadong magara ang bahay ng lalaki. Sigurado siyang mayaman ito. Sa klase pa lang ng bahay ang meron ito.

Umupo si Clythe sa upuan na nakalagay sa Terrace. May dalawang upuan kasi roon na magkaharap. Umupo naman ang bata sa isang upuan at curious siyang tinignan.

"Is their a problem, Clyse." tanong niya sa bata.

"Your not my daddy diba?" paseryosong tanong nito. Ngunit mas lalo lang itong naging cute sa paningin ni Clythe. Na naging resulta ng pag ngiti niya.

"Well i don't know how to explain it to you. Kasi you're still a baby pa, but yes I'm not your daddy." medjo mahirap na wika ni clythe.

Hindi niya kasi alam kung pano ipapaliwanag sa bata. Ito lang naman kasi ang nakapansin sa kalagayan niya. At isa pa masyado pa itong bata kaya baka ganun lang talaga ito.

Pakiramdam niya rin kasi hindi ito malapit sa ama. Naalala niya kasi ang sinabi ng babae na Misha pala ang pangalan. Na hindi daw pinapansin ng lalaki ang bata.

"Right, I'm just a baby, but I'm a genius baby you see. Una palang alam ko nang hindi ikaw si daddy. Kasi my daddy is bad he always hurt my mommy." salubong ang kilay ng bata.

Mas lalo itong nagiging kamukha ng ina. Parehas na parehas talaga sila ng mukha. Parang pinag biyak na bunga.

"Yeah i know, you think like an adult na nga e. Come here baby let's go sa loob. I'll show you something." aya niya sa bata.

Excited naman na lumapit ang bata sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Pumasok sila sa loob ng kwarto at nag tungo sa malaking salamin. Nasa tabi ito ng pintuan, isa itong human size mirror.

"Ahm stranger why are we in front of the mirror." naguguluhang wika ng bata. Nag make face pa ito atsaka ngumiti rin sa salamin.

"I'll show you kung sino ako. Just look at me in the mirror baby. Look at my reflection closely." paliwanag ni Clythe sa bata.

Trapped in Someone's BodyWhere stories live. Discover now