TSB-10

25 2 0
                                    

Pag dating ng tanghali ay dumating na nga ang mga byenan niya. Kasama nito ang isa pa nitong anak na babae.

Medjo hindi niya ito kasundo dahil iniiwasan niya talaga ito. Naiilang kasi siya sa mga tingin ng babae. Buti na lang rin ay hindi rin siya nito kinakausap. Pero ramdam niya ang mga titig nito sa kanya palagi.

Kung noon ay si Peter ang unang bumabati sa mga ito. Ngayon ay walang Peter na nag aabang sa kanila para bumati.

Mali atang hindi niya ito sinabihan. Akala naman kasi niya alam ng lalaki na dadating ang parents niya. Well problema na niya yun.

Napakunot ang noo ng matandang lalaki. Bakas sa mukha ang pagka serysoso." Where's Peter?."

Nagsi yuko naman sila kasama na dun si Misha. Siya na rin ang sumagot sa tanong nito.

"Nasa taas po Dad ayaw lumabas."sagot niya at inangat ang tingin sa matanda.

Kita niya sa peripheral vision niya ang pag taas ng kilay ng mag-ina.' Manang-mana talaga sa pinag manahan'. Nasabi na lamang ni Misha sa isip. Gusto niyang irapan ang mga ito kung pwede nga lang talaga.

"Tsk nagsawa na ata ang paborito mong anak na mambabae dad." tawang mapakla Paula.

Ang panganay na anak ng mga Miranda. Ito rin ang nag h-handle ng ibang nilang negosyo. Na nasa ibang bansa kaya minsan lang ito makauwi sa pinas.

"Paula shot your mouth." sabay na saway ng mag-asawa.

"Duhh it's true, palibhasa kasi kinukonsenti niyo." mataray na wika nito." Call me when it's time for lunch." rumampa itong umalis.

Hindi nakatakas sa paningin ni Misha ang pasimpleng pag tingin ng babae sa kanya. Pakiramdam niya nanindig ang balahibo niya. Ngumisi ba naman ito sa kanya.

"We'll just change a bit, so pakihanda na lang ng lunch." Mrs miranda said.

Huminto ito sa harapan niya." And you call Peter, Hindi mo ata ininform na darating kami. Atsaka bakit wala dito ang apo ko." Mataray na dadag nito.

Gustong umirap ni Misha kaso pinigilan niya. Baka pahiyain pa siya nito." Sige po, Clyse is sleeping kaya wala siya rito. Gigisingin ko na lang." pilit na ngumiti siya na sinuklian lang naman ng irap ng matanda.

Hinatid nila ng tingin ang mag asawa hanggang sa makapasok ito sa silid na nakalaan para sa mga ito.

Doon lang umirap si Misha sa ere." Di naman niya ikinaganda ang pag tataray niya." usal ni Misha na ikinatawa naman ng mga kasambahay.

"Tama ka dyan ma'am."

"Truth."

"Oo nga e."

Sabay na wika ng mga ito na ikinatawa ni Misha. Si nanay Beth naman ay sinaway sila. Baka daw marinig sila ng mag-asawa.

"Magsi kilos na kayo ayaw niyo naman sigurong makatanggap ng sermon ano. Kaya hala kilos na." pag mamando ni Nanay Beth sa mga ito.

Nagsi kilos naman ang mga ito habang si Misha naman ay umakyat sa taas. Para gisingin ang anak niya at eh inform ang magaling na lalaki. Na hindi ata nito alam na darating ang mga magulang niya.

Pumunta muna siya sa kwarto ng anak niya. Nadatnan niya itong gising na at nakabihis na rin. May ngiti sa labi niya itonv nilapitan at hinalikan sa noo.

"Wow big girl na talaga ang baby ko."

Humagikhik lang ang bata bago sumagot sa ina." Of course mommy, big girl na po talaga ako."

"But for mommy you're still my baby." kiniliti niya ito.

"Mommy no! stop tickling me magugusot yung dress ko po."

Trapped in Someone's BodyWhere stories live. Discover now