TSB-13

94 7 1
                                    


Walang imik ang dalawa habang nasa sasakyan. Maliban na lang sa bata na excited na dumaldal kung saan nito gustong gumala.

Para silang nakikipag ramdaman sa isat isa. Lalo na si Clythe na hindi mapakali. Deritso lang ang tingin niya sa daan at sa gps ng kotse.

Nasa likod nakaupo ang bata habang nasa passenger seat naman ang ina nito.

Hindi pa nga masyadong kumakalma ang sistema ni Clythe sa mga nangyari kanina. Tapos nadag-dagan pa habang nasa byahe sila.

Kanina pa kasi siya tinitignan ni Misha. At hindi niya alam kung ano na naman ang problema nito sa kanya.

Pakiramdam ni Clythe ay hinuhusgahan siya ng babae. Dahil sa mga tingin nito sa kanya.

"Ehem! need something?."

Tanong ni Clythe kay Misha naiilang na kasi siya sa mga tingin nito sa kanya.

Para namang natauhan si Misha ng mag salita si Clythe. Umayos siya ng upo at umiwas ng tingin.

"W-wala ahm.... I ju---- nevermind."

Utal na sagot ni Misha hindi niya masabi sa lalaki kung ano ang nasa isip niya. Gusto niyang mag tanong rito tungkol sa mga bagay na nakita niya. Ngunit pigilan niya ang sarili baka kung ano na naman kasi ang sabihin ng lalaki.

Naguguluhan na siya sa mga nangyayari at sa mga nakita niya. Samahan pang yung anak niya iba ang tawag sa lalaki.

Ganun rin naman ang lalaki na palaging tinatangging hindi siya si Peter. Napapailing siya at napapahilot sa sentido. Nahihirapan talaga siyang paniwalaan ang lahat.

"Mommy are you okay?." may pag aalalang tanong ng bata.

Tinignan naman saglit ni Clythe si Misha bago ituon ulit ang tingin sa daan. Pansin niyang parang masakit ang ulo nito. Dahil sa pag masahe nito ng sentido.

Nilingon ni Misha ang anak at ngumiti ng tipid rito bago sumagot.

"I'm fine baby."

Tumango tango na lang ang bata sa sinagot ng ina nito.

Wala ng umimik pa sa kanila hanggang makarating sa Mall. Doon kasi gustong pumunta ng bata na pinag bigyan naman ng dalawa.

"Yay!!! I'm excited to play na Cly."

Kita ni Clythe at Misha ang saya sa mukha ng bata ng ikinangiti nila ng sabay. Atsaka nagkatinginan na pareho ring nag iwas ng tingin.

Ramdam ni Misha ang pag iinit ng dalawang pisngi niya. Habang si Clythe naman ay nag iinit yung mga tenga.

Hindi niya maintindihan kung bat ganun na lang ang naging reaction niya. Nang makita ang magandang ngiti ng babae.

"Me too baby." sagot ni Clythe sa bata bago ito binaba.

Buhat-buhat niya kasi ito ng pumasok sila sa Mall. Pinag titinginan pa nga sila ng mga tao na medjo ikinailang niya. Hindi niya kasi mawari kung bat silang pinag titinginan ng mga ito.

Tumakbo agad ang bata ng maibaba ito ni Clythe. Pumasok agad ito sa timezone.

"Clyse careful baka madapa ka." saway ni Misha sa anak at sinunadan ito.

Alam niyang excited ang anak dahil ngayon na lang ulit ito nakagala. Kaya may ngiti sa kanyang mga labi ang pinag mamasdan itong tuwang tuwa. Habang nililibot ang tingin sa mga arcade games.

Nilingon ni Misha si Clythe na nasa likuran niya lamang. Hindi niya alam na sobrang lapit pala nito sa kanya kaya gulat siyang napaatras.

Nagulat rin si Clythe sa pag atras ni Misha at akala nitong matutumba ito. Kaya walang malay na hinawakan nito ang bewang ng babae at hinapit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Trapped in Someone's BodyWhere stories live. Discover now