TSB-6

25 2 0
                                    

Everything went fine matapos ang masayang naganap sa silid kung saan natutulog si Clythe. Lumalabas na rin siya minsan lalo na kapag pinipilit siya ng bata. Lagi kasi siya nitong niyaya na maglaro.

Clythe felt relieved this past few days dahil wala ang ginang. Hindi sasakit ang tenga niya sa kakadaldal nito. Hindi pa rin niya kasi nakikita ang Ama ng lalaki pati na ang kapatid nito.

Sa isip niya ay sana hindi na sila pumunta pa sa bahay pero alam naman niyang impossible iyon. Hindi pa rin siya sanay sa katawan ng lalaki lalo na kapag sa umaga.

Yung dalawa naman niyang kapatid ay hindi pa nag papakita sa kanya simula ng asarin siya ng dalawa. But Clythe knew na humahanap sila ng sagot kung bakit siya na trap sa katawan ng lalaki.

Mag isang nakaupo si Clythe sa kubo at nakatingin sa swimming pool. Doon niya napiling tumambay dahil mahangin at wala ring istorbo. Hindi niya alam kung gising naba ang mag-ina. Maaga kasi siyang nagising at dumiretso na nga siya doon.

Nakasuot siya ng black sweat pants na pinaresan niya ng maluwag na t-shirt. Bagay naman sa katawan ng lalaki at isa pa lahat ng sinusuot niya ay bago.

"Cly!!!!."

Nagulat si Clythe sa sigaw ng bata kaya tinignan niya kung saan ng galing ang boses nito. Doon pala sa may pintuan at ngayon nga ay patakbo itong lumapit sa kanya.

"Hey don't run baka madapa ka." sita niya sa bata. Kakasabi pa nga lang niya ay nadapa na ito.

Kaya patakbo niya itong nilapitan." I told you." tinulungan niya itong tumayo." Are you hurt."

Kita ni Clythe na paiyak na ang bata kaso pinipigilan lang ito." N-no I-im stro------ wahhhh Cly my knee hurts." at umiyak na nga ito.

"Hey don't cry, let me blow it para mawala yung sakit." pag aalo niya rito atsaka nito inihipan ang kunting galos nito sa tuhod.

Tumigil na rin sa pag iyak ang bata na ikinahinga niya ng maluwag.

"Cly buhat please."

Natawa si Clythe dahil nakapuot pa talaga ito. Walang sabi na kinarga niya ito at nag lakad papunta sa kubo kung saan siya nakaupo kanina.

Pinaupo niya ang bata sa mesa habang siya naman sa upuan. Bali magkaharap  sila.

"Cly bad ka, why didn't you wake me up kanina. Pag punta ko sa room mo you're not there na." masungit na wika ng bata sabay cross arms nito.

Clythe pinch the kid two cheek's atsaka nito pinisil ang ilong." I don't want to wake you up at isa pa baka magalit si mommy mo."

"Amp she will not naman e." tampong wika nito sabay mahinang pinitik ng maliit nitong daliri ang noo ni Clythe.

"Why so cute baby." kiniliti niya ito na ikinatili ng bata.

"Cly! no it tickles." hagikhik nito.

"Nah ah kiss muna." asar ni Clythe sa bata habang tumatawa.

Rinig mula sa kusina ang tawa ng bata na ikinatingin ng mga kasambahay sa dalawa. Habang si Misha naman ay kanina pa nakatingin sa dalawa. Mula nung tumakbo palabas ang anak ng makita niya ang daddy nito sa kubo.

Gusto niyang lapitan ang bata nung matumba ito ngunit nakita niya ang lalaki na patakbong lumapit dito. Kaya hindi na siya tumuloy.

Hindi niya namalayan na nakangiti na siya habang pinagmamasdan ang dalawa habang nag kukulitan. Ang saya ng puso niyang nakatingin sa mga ito.

"He really changed." usal niya.

"Oo nga ma'am no nakakapinabago."

Napatalon si Misha sa gulat." Linda jusko ka ginulat mo naman ako."

Trapped in Someone's BodyWhere stories live. Discover now