TSB-7

32 2 0
                                    

"Mommy stop murdering your food po kawawa naman yung hotdog."

Napatigil sa Misha sa pag tusok-tusok ng hotdog na nasa pinggan niya dahil sa tinuran ng anak. Kanina niya pa kasi iyon tinutusok tusok habang nakatingin sa lalaki na parang wala lang na kumakain ng umagahan nito.

Pagkatapos kasi ng bangayan nila ay pinakalma muna niya ang sarili bago sundan ang dalawa. Naabutan niya ang mga ito sa hapag kainan habang kumakain kaya nakisabay na rin siya.

"Nawalan ng gana si Mommy baby, may masamang damo kasi dito." pilit na ngiti nito.

"What's masamang damo? like bad grass po ba meron bang ganun." inosenting wika ng bata sabay kagat ng hotdog.

"Something like that baby kaya be careful okay." pag papatama nito sa lalaki.

Tumango tango lang ang bata habang si Clythe naman ay napapailing na lang. Alam niyang pinaparinggan siya ng babae.

Mabilis na tinapos ni Clythe ang pagkain niya para makaakyat na siya sa silid. At isa pa ramdam niya ang masamang tingin ng babae.

Inangat niya ang tingin niya at tinaasan niya ito ng kilay. Hindi rin naman ito nagpatalo sa kanya dahil sinagot siya ng irap nito.

Akala ba niya uurungan ko siya neknek niya. I might gonna take advantage of your amnesia as$hole para naman makabawi man lang ako. Wika ni Misha sa isip habang iniirapan niya ang lalaki.

Hindi kasi niya magawang sagot-sagotin o irapan man lang ito kung ito yung dating peter. At hindi pa nagka amnesia kaya lubuslubosin na niya.

Nang maubos ni Clythe ang pagkain niya ay tumayo na siya para maka akyat na sa taas. Naaalibadbaran kasi siya sa pang iirap ng babae.

Ginaya naman siya ng bata na ikinatingin ng dalawa rito." I'm done na rin, let's go na Cly." bibong wika nito at humawak pa sa kamay ni Clythe.

"Clyse no, you need to take a bath na." pigil ni  Misha sa bata. Pinandilatan niya rin ang lalaki na nag sasabing subukan mo lang kunsentihin yan look.

Napailing na lang si Clythe, bat ba siya nasa pagitan ng mag inang to." Baby later kana pumunta sa room ko okay."

"But----."

"Clyse wag na matigas ang ulo anak." Misha said at nilapitan ang anak atsaka ito kinarga.

"Okay po." nakapout na sabi nito atska kumapit sa leeg ng ina.

Inirapan niya muna ang lalaki bago niya ito nilampasan. Naiinis at nagagalit pa rin talaga siya rito at hindi na talaga mawawala iyon.

Umakyat na rin si Clythe para makaligo na rin siya. Tatawagin niya rin ang dalawa niyang kapatid para makibalita tungkol sa kalagayan niya.

Habang naliligo siya ay maraming pumapasok na senaryo sa utak niya. Pano na lang kung habang buhay na siyang ma-trapped sa katawan ng lalaki. Parang hindi niya ata kaya iyon, hindi niya matatanggap ang bagay na iyon.

She looked herself in the mirror, nakikita niya ang mukha ng lalaki. Di naman maipag kakailang may hitsura ito kaya siguro maraming babae ang g4go. May bigote ng tumutubo sa mukha ng lalaki kaso hindi naman siya marunong mag shave nun baka masugatan pa.

Kaya hinayaan na lamang niya ito. Tumitig siya sa salamin at dun nga nakita niya ang sarili. Sa ganda nyang taglay ay bakit sa katawan ng lalaki pa siya na trapped.

Napabuntong hininga na lang siya at nag pasya ng lumabas sa Cr para makapag bihis.

Hindi niya alam na nakapasok na ang mag-ina sa silid niya. Kaya naman nagulat siya at napasigaw.

Trapped in Someone's BodyWhere stories live. Discover now