Chapter 1
"Dannie," hindi ko napansin na pumasok pala si papa sa kwarto ko.
Busy kasi ako kakaisip ng kung ano-ano habang naka-upo sa kama. Lutang ako kaya 'di ko na napansin.
"Yes po?" I responded.
"Uh, aalis kami papuntang U.S. sa susunod na araw. You want to go with us?"
"Ayaw ko po," naboboring lang naman ako. Iiwan lang naman nila kami sa hotel ni Deign tapos puro asar pa, kabwisit.
"Why?" Umupo si papa sa may tabi ko.
"Tinatamad po kasi ako," well, totoo naman!
"Are you sure?"
"Yes po,"
"Okay, mag-aayos na muna ako ng gamit na dadalhin namin." Then, tumayo na siya.
"Sige po, uh papa, pwede po ako mag apartment?" May paawa effect pa ako don.
"U-huh,"
"Dali na po, may malapit naman sa school, kahit kapag isang araw bago magpasukan na ako maglipat," pinagdikit ko na 'yong dalawang palad ko.
"I'll think about it." Sinabi nalang ni papa at lumabas na ng kwarto ko.
Sana naman pumayag si papa, lagi naman silang wala rito sa bahay kaya lonely rin kami. Palagi ring wala si Deign rito, laging kasama mga barkada niya kaya naiiwan talaga ako. Nag-aaya naman mga friends ko pero minsanan lang kasi busy rin sila, kahit bakasyon na. Well, they had their own life.
Pero kung ayaw ni papa na mag-apartment ako, edi magc-condo nalang ako, mas mahal haha!
"Dannie, doon ka muna kina Kyle," papa said while we were eating dinner. It makes me confused, ngayon lang nila naisip 'to ah.
"Ha? Bakit po?"
"Wala. Iiwan ka muna namin doon." Mama said before sipping on her glass of water.
"Hay, sige po. Ilang araw lang naman po 'di ba?" Ayaw kong magtagal doon 'no.
"Yes, be good."
"Syempre naman po, good girl kaya ako. Basta papa, 'yong sinabi ko kanina ah." Pagpapaalala ko, baka mamaya malimutan pa niya.
"Pfftt, good girl? Nant-trip kaba?" Tumatawang sabi ni Deign.
"Bad trip ka ah, tumigil ka." Napaka-epal!
"Okay. Pagbalik namin, aayusin ko ang lilipatan mo."
"Yes, papa. Thank youu!" Nag-finger heart pa ako kay papa.
"Okay lang sayo ang apartment? Ayaw mong mag-condo?"
"Mas mahal po doon, okay na po ako sa apartment."
So, magtatagal pa ako don, hindi nalang ilang araw, baka umabot pa ng isang linggo, matatagalan pa 'yon lalo't aalis pa sila papa. Grabe naman 'to oh.
Okay lang naman din sakin.
Kaso kabwisit lang talaga yung isang lalaki dun, nag-exist siguro 'yun dito sa mundo para lang bwisitin ang buhay ko. Parang si Deign lang e. May three weeks pa naman bago magsimula ang school year, puta ambilis.
Kakatapos palang ng school year ah, two months palang ang nakakalipas tapos ngayon magsisimula na naman. Di pa nga ako nakaka move-on dun sa isa kong classmate na may putok tapos magsisimula na naman yung school.
Wala silang awa sa aming mga studyante. One year ang pasok sa kada school year tapos ang bakasyon two to three months lang? Ang unfair masyado.
Dapat kung one year ang school one year and a half din ang bakasyon. Kung 'di lang talaga required na mag-aral, siguro hindi nalang talaga ako pumapasok.
YOU ARE READING
Chasing The Spotlights (College Series #1)
RomanceCOLLEGE SERIES #1 Reign Dannie Feliciano is a humorous, strange and a strong girl. She was a law student and a fan at the same time. Lumaki siya na walang nagp-pressure sa kanya sa kung ano ang dapat niyang gawin, sa kung saan siya dapat magaling. ...