Chapter 3
"Kuya..." tawag ko kay kuya, busy pa rin sa pagbabasa.
"hmm?" Tanong niya, hindi man lang lumingon sa akin.
"Ano pong binabasa mo?"
"Newspaper..."
"Galing magbasa ng kuya ko ah, paturo naman, 'di ko kasi magets yung binabasa kong article e," pangungulit ko pa.
"You can do that on your own, malaki kana."
"Ei, sa magaling ka kasing magbasa Kuya, tsaka masipag rin," pangungulit ko pa sa kanya, 'wag lang talaga ako nitong susuntukin.
"Huwag mo akong ginugulo diyan, Dannie..." Sabi ni Kuya at tiningnan ako pero umiwas lang din agad, one second glance lang ganoon.
"Ei, magpapaturo lang naman kuya e-"
"Shut up." He cut me off. Shit, galit na haha.
"Sige, turuan mo muna akong magbasa ng pabaliktad ahihi," sabi ko sabay hagikhik, agad naman akong binalingan ni kuya, buti naman, kanina pa ako 'di binabalingan e, ano naman dun sa one second glance niya gagi.
Umiwas lang ulit ng tingin si Kuya at uminom sa tasa, pero 'yung tasa...
Saakin 'yon, shit malalaman ni Kuya 'yong sekreto ko sa pagtitimpla.
"Hala kuy-" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko, bigla ng nabuga ni Kuya 'yong iniinom niya at umubo-ubo.
"The fuck, Dannie. Gusto mo ba magka-diabetes?" Tanong ni Kuya, umuubo-ubo pa rin.
"Nasobrahan lang po..." Sabi ko sabay kamot sa batok ko.
"Gaano karami bang asukal ang nilagay mo rito?" Reklamo pa ni Kuya.
Napangisi lang ako, "Dalawa may kalahating kutsara po,"
Tiningnan lang ako ni Kuya ng matalim at 'yong nasa likod ko. Well, wala namang ibang tao roon, si broskie niya lang naman.
Ginawa nun? Nge, kasalanan.
Pekeng umubo si Raven, kinakabahan. "Akyat na muna ako sa taas..." At dahan-dahan ng naglakad papuntang hagdan.
Confirmed. May takot talaga 'to kay Kuya.
"Malamang, bakit makaka-akyat ka ba sa baba?" Sori, pilosopo lang, ehe.
"Punyeta, pilosopo." Ginawaran niya lang ako ng matalim na tingin.
"Thank you so very very much!" Nakangiting sabi ko, 'yong ngiting nang-aasar.
"Baliw kana beh, pamental na kita..." Nanlalaki ang matang sabi niya.
"Ei, 'yan kasi 'di nakikinig sa guro, sabi pag may nagsabi sayong pilosopo magpasalamat ka kasi ka-level mo raw yong mga philosopher, gayahin mo kasi ako, tamang kinig lang kapag may discussions..." Ngumiti pa ako ng peke sa kanya.
"The fuck, naririnig mo ba ang sarili mo, Dannie? Tse, niwala ka naman." Natalim pa ang tingin na sabi niya at parang 'di pa makapaniwala sa akin.
"Malamang may tainga," pamimilosopo ko pa sa kanya, nice mag philosophy nalang kaya ako?
"Punyeta talaga," naiinis na niyang sabi, gusto na akong sabunutan. Haha, parang shuta.
"Hahahaha," parang scripted na tawa ko, nope literal na scripted!
"Sino kaya 'yong palaging napapalabas ng teacher kasi ang inga-" Pantatraydor naman niya sa'kin, sarap birahin.
"Puta Raven, 'wag mo akong tanungin ng walang kwentang tanong, masasayang oras ko, time is gold..." I cut him off.
YOU ARE READING
Chasing The Spotlights (College Series #1)
RomanceCOLLEGE SERIES #1 Reign Dannie Feliciano is a humorous, strange and a strong girl. She was a law student and a fan at the same time. Lumaki siya na walang nagp-pressure sa kanya sa kung ano ang dapat niyang gawin, sa kung saan siya dapat magaling. ...