Chapter 8
"Hoy dannie, iniisip mo diyan? Kanina ka pa tulala ha." Biglang tanong ni Rai sa akin na ikinagulat ko naman. May iniisip yung tao e!
"Wala lang Rai, iniisip ko lang 'yong debate kanina ni Roujh, ang galing niya hindi ba?" I let a heavy sigh. "Ano kayang hindi mo kayang gawin?"
"Yong pagpapakasal sayo," sabat naman ni Eya. "Huwag ka nang mangarap Dannie, ang mga taong kagaya niya mga weird mag-isip 'yan, hindi mo sila maintindihan. Ang magugustuhan niya ang katulad niya rin."
"Pero malay mo naman ay magustuhan rin niya ako? Ako ang magbabago ng paniniwala ng mga taong malabong gustuhin ang mga katulad lang natin." Determinado ko ng sabi.
Ano namang masama doon? Labag ba sa batas ang magkagusto sa matatalino at matataas na tao? Hindi naman ha. Kasalanan 'to ni Kupido at pinana niya pa ako kay Roujh.
Nagulat nalang kaming tatlo ng biglang sipain ng kung sino ang mesa sa harapan namin. Para namang tanga. Si Khaixer 'yon, kasama ang mga kaibigan niya at pumwesto naman yung mga kaibigan niya medyo malayo sa amin, sunod-sunod sila roon, parang ano lang yung magc-confess yung isang tao at nasa kanila 'yung sasabihin ng magc-confess. Para silang mga bodyguard ni Khai, nako.
"Bakit Khai?" Tanong ko.
Lumapit lang ang isa sa mga kaibigan niya at inabutan ako ng bulaklak. Kinuha ko naman iyon at inamoy. Infairness, ang bango ah.
"Thank you ah."
"Wala lang 'yan, ang totoo, simple lang naman 'yan e," parang nahihiyang sabi ni Khai at umupo sa tabi ko. "Dannie, samantalahin na natin, gawin na natin habang may oras pa tayo, dahil kapag hindi pa natin ginawa ngayon, baka hindi na magkaroon ng pagkakataon. Dannie, gusto kita-"
"Tama, aamin na ako kay Roujh. Habang may oras pa, sasabihin ko na sa kanyang crush ko siya," I stood up, ang galing ni Khai, tinutulungan niya ako kay Roujh. "Thank you Khai!"
Tumakbo na kaagad ako sa classroom para umamin kay Roujh pero hindi ko rin agad natuloy dahil bigla akong nahiya.
Ano ba namang iniisip mo Dannie at basta-basta ka nalang aamin? Baliw kana ba? Para namang gugustuhin ka naman niya kaagad. Dumiretso nalang ako sa upuan ng dahan-dahan, nahihiya dahil sa bigla-bigla kong pag-iisip ng pag-amin sa kanya.
"Dannie, ang lungkot-lungkot mo na naman. Bakit hindi kapa kasi umamin?"
Naglalakad kami ngayon palabas ng school. Uwian na kasi. At hanggang ngayon, nasa isip ko pa rin 'yong confession ko sana kanina. Siguro kong nagawa ko nga 'yon, siguro nagpakain na ako sa lupa sa kahihiyan. Halata naman kasing ayaw sakin ni Roujh, sa treatment niya palang e, alam na alam na.
"Baliw ba kayo? Nakakahiya kaya, nasa public place..." Reklamo ko.
"Edi sa private place kayo," pamimilisopo ni Eya.
"Paano ko naman gagawin 'yon?" Nanlilisik na ang mata ko.
"Hayaan mo, tutulungan ka namin, andito na ang raieya para tulungan ka." Napaka-cheesy talaga nitong dalawa.
"Haha, anong plano niyo?"
"Alam ko na, e kung magpa-announce ka kaya sa broadcast sa school ng feelings mo kay Roujh?" Suggestion ni Rai.
"Nababaliw ka na ba Rai? Nakakahiya na nga umamin sa loob ng classroom tapos ipag-aannounce mo pa sa buong school?" Sigaw na tanong ko sa kanya, tinawanan lang din niya ako.
"Ako may naisip na, punuin mo ng papel sa locker ni Roujh na puro confession mo ang nakasulat," proud na proud na sabi ni Eya. "Tapos, kapag tumagal like three weeks ganoon, tumigil ka na, pustahan maghahanap 'yan at hahanapin niyan 'yong secret admirer niya kasi gusto na rin niya."
YOU ARE READING
Chasing The Spotlights (College Series #1)
RomanceCOLLEGE SERIES #1 Reign Dannie Feliciano is a humorous, strange and a strong girl. She was a law student and a fan at the same time. Lumaki siya na walang nagp-pressure sa kanya sa kung ano ang dapat niyang gawin, sa kung saan siya dapat magaling. ...