Chapter 4

3 0 0
                                    

His head tilted in confusion. ”Isn't it impolite to greet your professor like that Ms.?”

“Dela Vega. I'm sorry sir.” I said shyly.

Yung poging nakabanggaan ko ay isang professor naman pala namin! Kainis naman. Akala ko love story na, yun pala isang malaking nightmare!

Humanap ako ng isang bakanteng upuan at iyon ay nasa pinakalikuran. Tinignan kong mabuti yung upuan dahil baka salbahe pa ang mga kablockmates ko at nilagyan ng kung ano or sira naman pala.

Masyado yata akong naging judgemental sa mga kablockmates ko dahil maayos naman ito. Kakanood ko yata ito ng mga dramas.

“What is it Ms. Dela Vega? Aren't you gonna sit?”  Napabalikwas ako nang marinig ang boses ng gurong iyon. Napakaganda. It sounds like a sonata lingering in my ears.

Hoy Sandra! Umayos ka!

Di ko na sinagot yung epal na yun saka umupo. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at naka aircon ito. Malinis ang walls ngunit yung desk ay may mga sulat na kung anu-ano katulad nalang ng Magiging CPA ka!” “Bakit ko ba ito pinasok?” “One Piece Edward Newgates” “2019 I was here” at marami pang iba.

Sa una kong eskwelahan ay napakalinis, walang sulat ang mga mesa at hiwahiwalay ang upuan. Napakaluwag pa! Samantalang dito ay, tig aapat sa mesa at may mga sulat pa. Pero di naman na iyon importante.

“I am Mr. Zypher Dale and I hope lahat ng nasa klase ko ay nacut-off ang Law 111 and Law 211.” Panimula ng guro.

So there is that weird grading system of them huh?

Ang sabi ng program head namin, kinakailangan daw di bababa sa 85 ang grado namin kundi mauulit namin yung subject na iyon. Kung sa iilan ay madali lang ito abutin, pero nagkakamali sila. Parang may elimination round sila e. Matetake mo nang paulit-ulit yung sub pag di mo naipasa, no limit kumbaga pero di na sya maganda. Yung gastos, yung panahon, lahat nasasayang kapag nagpaulit-ulit.

Hays. Sana macut-off ko ang lahat.

Di na ako nakinig sa mga dinidiscuss niya dahil introductions lang naman at next week pa magsisimula ang totoong klase and mag rerecitation daw kami agad. Tsk. I hate that.

Mabuti nalang at twice a week ko lang makikita yung teacher na yun kundi buong week ata ako madedrain sa dami ng ipaparecite niya.

Nang matapos ang klase ay tila ba naubos ang buong lakas ko. Inaantok ako nang sobra.

Nang makasakay ako sa sasakyan ko ay dumeretso na ako sa bahay dahil sa sobrang pagod. I don't know but it seems like I'm feeling so tired lately. Yung tipong di mo naman nagagamit yung buong energy mo pero parang sobra kang napagod.

Nang makauwi ako ay nadatnan ko si Mommy sa may sala, nakaupo at hawak ang pop corn. She's watching Chinese drama again, mugto pa ang kanyang mga mata.

“What happened to you mom?” I ask. Napalingon ito sa akin at nagningning naman ang kanyang mga mata nang makita ako. “Kining akong salida, maka cry kaayo.” sambit pa niya. So she says, nakakaiyak daw ang kanyang palabas.

I like how my mom speaks bisaya na may halong english. Parang bislish. Ano daw?

“Kumusta man ang school?” Tanong niya pa. I shrugged my shoulder. “Oks lang, sleep muna me.” sabi ko pa saka dumeretso na sa kwarto. Mabilis akong nagbihis at ibinagsak na ang sarili sa malambot kong kama.

“Do you like this?” He asked and showed me his paintings.

It's me. The painting he's holding is me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moonlight Sonata Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon