Chapter 3

0 0 0
                                    

All I can hear my heartbeat.

It is shouting despair and pain.

Why the heck am I like this?

Agad akong tumalikod para itago ang pagmumukha ko sa kanya. Hirap akong punasan ang mga luha sapagkat hawak-hawak ko ang mga pinamili kong pagkain.

Myghad, Sandra! What's gotten into you?!

"Hey! Your wallet!" Sigaw niya pa.

Napapikit naman ako nang mariin. Tama nga pala. Yung pitaka ko ay nalaglag. May luha pa sa aking mga mata at di pa iyon napupunasan.

Bumalik ako roon ngunit paatras. "Ano yan?" nagtatakang tanong pa niya. "Pakilagay nalang sa bulsa ko." saad ko naman pagtukoy sa bulsang nakalagay sa likod ng pantalon ko.

"H-ha?" Napakunot naman ako ng noo nang maramdamang nag-aalangan itong gawin yung sinabi ko.

Agad akong namula nang mapagtanto ko ang balak kong ipagawa. Wala namang malisya iyon para sa akin ngunit napaisip akong nakakahiya nga pala iyon dahil una sa lahat ay hindi kami magkakilala.

Hinarap ko siya nang nakayuko at inabot sa kanya ang pagkain. Matagal bago niya na-gets ang ninanais ko. Tinanggap niya naman yun di kalaunan.

An anchor tattoo huh?

Maliit lang ang tattoong iyon na halos di mo mapapansing tattoo pala. I wonder what's the meaning of that?

Dali-dali ko namang pinunasan ang mga luha ko saka hinarap siya.

Hindi nga talaga maipagkakailang pogi siya.

Kinuha ko naman ang wallet sa kanya. Medyo hirap siya nun dahil hawak niya pa ang mga pagkain ko pero naging maayos naman ang naging transaction namin.

"Salamat." maikling sambit ko saka kinuha na ang mga gamit ko at iniwan na siya doon.

Hindi mawala sa akin ang pagtataka at katanungan dahil hindi naman ako ganoon sa mga nakakasalamuha ko. Ang lumuha nang bigla.

Honestly speaking, since nagkawisyo ako, I never cried in front of others.

I don't want them to see me in my weak state. Nakakahiya iyon para sa akin.

"Ang tagal mo naman! Akala ko matatagalan ka pa. Nasa 100 na sila oh." Reklamo pa ni Nikki nang makabalik ako sa kinauupuan namin.


Inabot ko naman sa kanya ang mga pagkain at agad na nagningning ang kanyang mga mata. "Wow, libre mo?" aniya habang sarap na sarap sa pagkain.

"Utang mo yan. 15 days to pay. 12% interest." Pagbibiro ko pa sa kanya. Ngumuso naman ito kaya natawa ako nang mahina.

Mabuti nalang at nandito si Nikki para may kakilala ako at nakakausap na malapit sa akin. Kung wala pa ay baka namatay na ako sa boredom.

Tinawag na ang mga numbers namin kaya naman ay nagproceed na kami sa may counter nila at nagbayad. May mga iilan pa silang sinabing aasikasuhin namin para tuluyan na ngang ma aprubahan ang pag transfer namin dito.


Sinunod namin iyon kaya bumalik na kami sa registrar at ibinigay ang mga natitirang requirements.

"Sa wakas at natapos rin!" ani Nikki na tila pagod na pagod.

Actually hindi pa talaga kami natapos. Kasalukuyang pinapunta kami ngayon sa OSAS sa di malamang dahilan. I don't know what's the meaning of that abbreviation pero yan yung sabi e. Para siyang nagcacater sa mga students na barumbado or something.

Moonlight Sonata Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon