Chapter 2

7 0 0
                                    

I was looking at him while he's playing in a white sand. He looked so gorgeous and I couldn't stop myself from smiling.

He's glanced at me and smiled. He raised his hands as if he's asking for mine.

As I about to reach him, his hands suddenly turned to smoke and his smiles are slowly fading.

I tried to call his name but he's gone.

Where is he?

I kept calling but no one came.

Tears are starting to fall.

I need him.

“Sandra...”

“Hmm..”

Kinusot ko ang mata ko nang may maramdaman akong malabot na haplos sa mukha ko at marahang pagtawag.

It was my mom looking worried.

“Binabangungot ka nanaman. Halos gabi-gabi nalang ah?” pagpuna niya pa. Napaupo ako at hinawakan siya sa kamay niya assuring that I'm okay.

“Pagod lang po siguro. Don't worry, I'm fine.” I said then smiled.  Hays. Lagi nalang nauulit ang mga panaginip ko. Palaging siya.

Masaya siya sa mga iyon habang pinagmamasdan ko siya. How I wish I could see him again. It's been a month but the pain is still inside me.

How could you go to a place that no one can ever visits you?

Lumabas si Mom at naiwan na akong mag-isa sa kwarto.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang 10pm palang. Isang oras lang ata yung tulog ko e.

Dahil nawala ang antok ko ay minabuti kong buksan ang laptop ko at naglaro nalang ng Dragon City. Hays, ang liit palang ng mga dragons ko e. Di ko pa nauupgrade ang iba dahil halos nawalan ako ng panahon para laruin ito.

Ilang oras akong nakatunganga sa laptop ko kakalaro. Nag rank pa nga ako at ilang beses din natalo ang dragons ko. Nakakainis naman.

Sinira ko na nga nang tuluyan ang laptop ko at napagdesisyunan na ang matulog dahil maaga pa ako bukas para asikasuhin ang pag transfer ko.

Sa Notre Dame University daw ako mag-aaral. I wonder what that school looks like.

**

“Hoy Alexandria! Gumising kana po señorita at may pupuntahan ka pa!” Inis akong napaupo at kinusot ang mga mata ko.

Ang aga pa e. Nambubulabog na ng tao.  Hay nako. It was Nikki. Anak siya ng kasambahay namin na halos naging best friend ko na rin.

Dito na sila tumira sa amin mula nang makulong ang kanyang ama dahil napagbintangan ito na nagbebenta ng droga. Hindi pa napapatunayan na inosente siya dahil hirap silang lumaban sa korte.

Hindi ko alam ang buong detalye dahil baka iisipin nilang pakealamera ako at nanghihimasok sa buhay ng iba.

“Oo na! Nikki Minaj!” pagtuya ko pa dahilan lara sumimangot sya. Kagaya ko ay lilipat din sya sa paaralan ko. Sagot naman nila Mom and Dad ang tuition niya. Education ang kinuha niyang kurso kaya hindi kami pwedeng magkaklase unless sa General subs pero tapos na namin iyon.

Nakabihis na sya at tila ako nalang ang hinihintay. “Bilisan mo naman kumilos Sandratot. Kanina pa ako naghihintay e.” Aniya habang nakaupo pa rin sa gilid ng kama ko at ngumuso.

“Sino ba kasing nagsabi sayo na maaga tayo? Tsk. We can go there anytime. No pressure.” Saad ko at sinamaan niya lang ako ng tingin na animo'y hindi sangayon sa sinabi ko.

Moonlight Sonata Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon