Chapter 2

72 8 0
                                    

Chapter 2

Inayos ni Maricris ang sarili bago lumabas ng silid. Nagpunta agad siya sa lanai at nando'n na ang kanyang abuelo't abuela kasama ang kanyang magulang. May pinag-uusapan ang mga 'to, kaya balak ni Maricris na umalis at mamaya kakausapin ang kanyang Ina pero narinig niya ang sinabi ng kanyang abuelo.

"Hindi naman sa nangingialam ako pero Rochelle, malaki na ang apo kong si Maricris, she can decide what she wants to do in her life. Alam kong panganay, at nag-aalala kayo para sa kinabukasan niya pero sobra na 'yong pagpipilit niyo na dapat si Darwin ang makatuluyan niya."

"Papa, si Darwin ang mas bagay sa kanya, wala akong nakikitang ibang lalaki na pwede kay Maricris. Ayaw kong magaya siya sa iba na nasira ang buhay dahil sa maling decision at sa maling tao ang pinili."

"Rochelle may puso ang apo ko. Kahit ngayon lang, pagbigyan mo sa gusto niyang gawin. Hindi na siya normal gaya ng iba, hanggang ngayon, wala pa siyang iniibig. Hindi na 'yon tama."

"At ano'ng gusto mong gawin ko, papa? Mahulog siya sa tabi-tabing lalaki? Sirain ang future niya? No! We raised her to the point na she's a good model for her sisters! Pwede niyang matutunan mahalin si Darwin, that man is perfect for her. And I don't see the point kung bakit kayo ay tutol din."

"Iba na ang panahon ngayon." ang kanyang ama na ang nagsalita. "Maricris is kind and respected woman in this barangay, Ro. Kahit ako'y tutol din pero I want her to have a good future, kaso eh, 'di mo ba napapansin ang lungkot sa mata ng ating anak? She's trying again to follow what we want for her. I think papa is right. Oras na para hayaan na maging normal si Maricris, wala siyang kaibigan dahil sa paghihigpit mo. Wala pang trabaho dahil magiging tagapagmana ng lupain natin sa San Benito. Gustong bumukod pero hinarangan mo, Maricris is now a woman, not a child."

"Wow, hindi lang ako ang humarang! Ikaw din, Christopher, kaya h'wag kang magmalinis ngayon!"

"Hindi ako nagmamalinis pero-"

"Enough!" ang kanyang abuela. "Nasaksihan ko kung paano lumaking ayos si Maricris pero siya ang panganay, she should do what's best for her. And we know what's best for her. Darwin is suited for her, wala ng iba pa."

Natahimik ang tatlo sa sinabi ng matandang babae. Maricris bit her lower lip, lumabas sa pinagtataguan at tinignan ang apat.

"Hindi ko kikitain si Darwin." anito.

Her mother smirked, tumayo mula sa pagkakaupo. "And why? Mayaman ang pamilya ni Darwin, may lupain sa San Isidro, anak ng kagawad, tapos sa UST bilang Nutritionist, maginoo at maraming humahanga. Kaya bakit 'di mo kikitain 'yon?"

"Hindi ako masaya sa ideyang 'yan, ma." tinignan ni Maricris sa mga mata ang ina. "I'm sorry if I disappoint you and abuela but I'm not really happy, I don't want to meet him."

"Just try, Maricris. Nag-usap na kami ni Kagawad Alvarez, and he also wants you for his son. Pwede mong kilalanin 'yong lalaki, 'di naman 'yon mahirap." pagpupumilit ng kanyang Ina sa kanya.

"Your mother is right." her abuela said. "It's also for your own sake. Panganay ka, kaya dapat sundin mo ang gusto namin para sa'yo, 'yon ang mas nakakabuti. Meet Darwin tonight and don't disappoint us, 'di ka pinalaki ng iyong mga magulang na gano'n, Maria Criselda. Tapos na ang usapan." tumayo ang abuela at umalis na ng lania, gano'n din ang kanyang Ina.

Yumuko si Maricris at mabigat na naman ang dibdib. She used her voice but that's not enough.

Darating pa ba ang araw na magagawa niya ang gusto niya?

Darating pa ba ang araw na magiging malaya siya?

"May point naman ang iyong abuela and your mama, Maricris. Isipin mo na para sa'yo 'yon, para sa kinabukasan mo. Your mother is just afraid to see you with some man who's not having a good education and not giving you a life we wanted for you." her father spoke. Tumayo 'to at tinapik siya sa kanyang balikat.. "Go and meet Darwin tonight, wear proper clothes at kilalanin muna 'yon." umalis na rin 'to ng lanai.

The Paragon Woman's Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon