Chapter 8

75 9 0
                                    

Chapter 8

After nila kumain, nagyaya si Kai na magpuntang park sa tabi ng hotel para makapaglaro ang anak, pumayag si Maricris. Kai is now wearing a disguise, dahil ayaw niyang makilala siya at pagkaguluhan sa park. Hinayaan ng dalawa na makipaghalubilo si IU sa ibang batang naroroon.

Nakaantambay lang sila sa bench.

"So, pwede na ba tayo mag-usap dito?" ani Kai. "Honestly, marami ang bumabagabag sa'kin. At hindi ko alam kung ano'ng dapat unahin na tanong."

"Sisimulan ko sa anak natin." napangiti si Maricris. Kinuha ang phone at pinakita kay Kai ang gallery. "IU was born on February 28, her name is Miracle IU, Miracle kasi akala ng doctor, hindi siya buhay. 20 minutes ay 'di siya umiiyak, but after that, IU suddenly cried and thanked God for that. Dapat IU lang name niya, I and her, kasi kaming dalawa na lang ang magkasama sa ibang bansa. I honestly didn't plan to tell you, kasi masaya ka na ngayon. You achieved something na... hindi ko akalain na maaabot mo. And I thought pamilyado ka na, or maybe in love with someone else. Kaya tinago ko si IU."

Hindi agad nakaimik do'n si Kai, tinignan niya nang maigi ang mga picture ni IU noong baby pa lang 'to.

"She's so cute... and tiny before."

"Hm-mm, hindi alam ni Mama, o kahit na sino sa pamilya ko ang tungkol sa kanya. I kept it hidden, at balak siyang dalhin sa birthday ni Mama sa makalawa."

"Huh? Paano... paano mo 'yon tinago?"

"Hindi ko rin alam kung paano, basta I lied, natuto ako. And guess what? After ko ipanganak si IU, abuelo died."

Nagulat lalo si Kai sa narinig. Nagpatuloy magsalita si Maricris.

"Kinaya ko, kahit na gusto kong umuwi. I kept IU hidden, I'm so guilty na... hindi ako nakapunta sa libing ni Lolo, pero... wala, eh... kakapanganak ko pa lang niyon kay IU, sa pagtatago ko na rin about sa kanya."

Wala sa sariling niyakap ni Kai si Maricris. "You're strong... You're brave to keep her hidden until now. Pero hindi ka na mag-iisa, sasama ako sa makalawa."

"Pero may trabaho ka niyon."

"Manager ko na bahala ro'n, kakausapin ko 'yon. Isa pa, kung ipapakilala mo si IU sa mama mo, mas maganda na 'yong ipakilala mo na rin ako bilang ama ng bata. Para double shock sa kanya. Kung hindi niya pa rin ako matanggap, sana si IU tanggap niya."

"Iyon din ang dasal ko, masakit pa rin para sa'kin kapag 'di matanggap ni Mama pero if ever na ayaw niya kay IU... o sa'yo ulit, I will keep moving forward. At least alam niya ang tungkol sa inyong dalawa."

Napatawa si Kai. "So, mag-ano na tayo ngayon? Hindi na tayo pwede bumalik sa childhood friend."

Nagtaas ng isang kilay si Maricris. "At ano'ng gusto mong ipahiwatig?"

"Date with me, be my girl. O mas maganda atang pakasalan mo ako, for the sake of IU."

"Okay lang sa'yo kahit 'di natin love ang isa't-isa tapos papasok tayo sa isang relasyon?"

"Okay lang sa'kin, you can learn how to love me throughout the process of getting relationship with me. We can work these things out, for the sake of IU."

Hindi nagsalita si Maricris, pinag-isipian muna nang mabuti. Nagsalita ulit si Kai.

"And live with me, kukuha akong penthouse rito, o gusto mo ba sa probinsiya? Basta walang babalik sa America. Think about it carefully, Maricris. Hindi ka na nag-iisa ngayon, kasama mo na ako. At wala akong plano na bumalik sa rati, magaya sa rati." Hinawakan ni Kai ang kamay ni Maricris at pinatayo. "We're now family, Maricris. Ikaw, ako, si IU... kaya sana pag-isipan mo nang mabuti 'tong alok ko sa'yo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Paragon Woman's Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon