Chapter 3

85 10 0
                                    

Chapter 3

"Paano naman tayo pupuntang kabilang barangay eh wala kang motor, wala tayong sasakyan. Isa pa, hindi ako pwedeng gabihin."

"Hay, naku, Maricris, na sakit ang ulo ko sa'yo."

Bumuga ng hangin si Kai at agad hinila papuntang court si Maricris.

"Uso ang manghiram ng motor, trust me, marami ang magpapahiram sa'kin."

Huminto sila sa court at may tinawag si Kai, grupo ng mga lalaki. Mga katropa ni Kai, 'yon nga lang mas matanda siya sa mga 'to.

"Makikihiram akong motor, Kiriw! Ibabalik ko rin agad!"

"Sige, bud! Pakiingatan na lang!"

"Salamat!" bumaling ang tingin ni Kai sa babae at ngumisi. "Oh, 'di ba? May motor na tayo."

"Pero bawal naman ako gabihin."

"Ano ba, Maricris? Tama na muna 'yang pagsunod mo sa nakasanayan mo, okay? Malaki ka na ta's bawal kang gabihin? Tsk. Tsk. Explore the world, you know. Enjoy the night."

"Pero Kai-"

"Trust me, kasama mo ako rito. Kung pagalitan ka, sasamahan kita. Basta maexperience mo lang 'to. Mga fifteen years old nga inaabot ng gabi sa daan, ikaw pa kayang nasa twenty-six na, 'di ba?"

Sumakay na si Kai sa motor at pinaandar 'yon, nakangising nakatingin sa kanila ang grupo nina Kiriw. Kinain agad ng konsensya si Maricris dahil sasama siya sa kababata at 'di sinipot si Darwin. But she knows Kai, pag nagpumilit 'to, talagang desidido ang lalaki.

Bahala na.

"Sakay na, binibini. Ihahatid kita sa langit." ani Kai na nagpabalik sa kanya sa wisyo.

She blinked thrice. "Huh?"

"Sakay na kako."

Sumakay na rin si Maricris pero 'di pabukaka dahil nakadress lamang siya.

"Hands on my waist, Maricris. Kailangan mahigpit ang kapit dahil kung hindi mahuhulog ka, at 'di kita masasalo."

"Okay lang."

"Huh? Okay lang na mahulog ka? Very wrong. Dapat hindi mo hinahayaan mahulog ang sarili mo tapos walang sasalo sa'yo."

"Ano ba dapat?" yumakap siya kay Kai at naghintay ng isasagot ng lalaki.

Kai smirked, and pinaandar na ang motor nang dahan-dahan. "Kung mahuhulog ka dapat may sasalo sa'yo, para 'di masakit."

"Based on experience?" Maricris slightly smiled.

"Yup, and thanks to someone." sabay sipol ni Kai.

Nawala ang ngiti sa labi ni Maricris dahil sa narinig. Bumilis na rin ang pagpapandar ni Kai ng motor dahilan para ang buhok niya ay maging gulo-gulo.

"Kai, take it slow! Please!" natakot si Maricris dahil wala pa man din silang helmet. Sa probinsiya, uso ang ganito, you can drive a motor without using a helmet, maliban kung ikaw ay papuntang Lipa at Manila. She even hugged Kai tightly. Kai enjoying it, 'di man kita ni Maricris ay halata sa mukha ng lalaki na tuwang-tuwa siya sa nangyayari.

"Kai!"

After a few minutes, Kai slowly drives the motor. Nagpunta sila sa Santo Toribio, pag dating do'n ay dinumog ng mga tao ang peryahan. Hindi bumibitaw si Maricris sa pagkakahawak kay Kai kahit na ang ilang hibla ng buhok ay nasa mukha niya. Yumuko na lang siya at sinandal ang ulo sa balikat nito.

"H'wag na tayo rito, okay lang? Magpunta na tayong kubo, at magkwentuhan."

"Okay. But please, drive slowly."

The Paragon Woman's Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon