Chapter 29

49 3 0
                                    

Makalipas ang limang araw, matapos magpa-alam ni Louis kay Daddy na ligawan ako. Kinabukasan naman nun ay hindi na siya umaalis or sabihin na nating dito siya laging pumupunta sa mansion na akala mo dito siya nakatira. Sa limang araw na yun, lagi kong nakikita, nakakasama at higit sa lahat hindi na siya umuuwi sa sarili niyang bahay.

Kung uuwi man siya, babalik din siya at para bang kukuha lang ng kanyang mga damit. Pati, paghatid sakin sa school na dapat ay si Ford ang gumagawa ay siya na rin. Kaya tuloy si Ford ay nakatunganga lang sa isang tabi. Pero ang sabi naman ni Ford ay mas okay daw yun para ang sariling kaligtasan naing dalawa lang siya nakatutok.

At sa limang araw na yun ay maraming anong naging masayang oras kasama siya. Pagtapos ng class ko ay hindi ako uuwi sa mansion ng hindi nakangiti ang aking labi. Naging habit ko na ng lagi siyang kasama. Sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras, at sa lahat ng araw, lagi ko siyang kasama.

Nandito lang naman kaming dalawa sa sasakyan at alam kong sa mansion nama siya mananatili. At sinabihan pala ako ni Mommy bago ako pumasok sa school na sa mansion na daw kami mag-dinner. Kadalasan kasi ay nasa labas kami kumakain ni Louis.

"Let have a dinner on the mansion. Mom say it earlier." Pagpapa-alala ko sa sinabi ni Mommy sakin.

"Sure." Simple lang niyang sagot.

"Paano pala ang law firm?" Bigla kong tanong sa kanyan.

Mabilis niya lang ako nilingon saglit at balik tingin sa kalsada. Akala ko hindi niya sasagutin yung tanong ko dahil hindi naman siya nagsalita ng ilang minuto.

"I'm the boss." Kumindat pa siya na para bang sinabi nitong wag akong mag-alala.

Bahagya akong natawa dahil sa kanyang sinabi. Hindi naman nagtagal ay kaagad kaming nakarating sa mansion, bumukas ng kusa ang gate at pumasok ang aking sinasakyan.

Ipinarada ni Louis ang sasakyan sa may parking area ng mansion. Hindi pa man ako nakababa ng sasayan ay siya naman pagbukas ng pintuang malapit sakin. Bumungad sakin ang mukha ni Louis, ang bilis naman niya atang nakalabas at hindi ko man lang napansin yun.

"Ang bilis mo naman ata." Natataaa kong sabi sa kanya.

"Fast, like a flash." Sabay kindat.

Kanina pa siya kindat ng kindat. Pinaikutan ko na lang siya ng aking dalawang mata at bumaba ako ng sasakyan, pero bago ko gawin yun ay nilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan.

At dahil nga hindi ako pakipot ngayon ay hindi ako nag-alangang tanggapin yun na kaagad namang kinangiti ng kanyang mapulang labi. Nang tuluyan akong makababa, maghigpit niyang pinagsikop ang aking mga daliri.

Magkasabay kaming naglakad papunta sa main door ng mansion. Hindi ko na kailangan pang buksan yun, dahil ang mga maid sa mansion na gumagawa nun. Diretso lang kaming dalawa ni Louis at hindi ko parin inaalis ang pagkasikop ang aming mga daliri.

"Good evening ma'am and sir." Rinig kong bait ng mga maid tuwing nasasalubong kaming dalawa ni Louis.

"Hindi kaba uuwi ngayon?" Kalauna'y tanong ko sa kanya.

Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Ayaw mo ba akong makita?" May pa-awa effect pa niyang tanong.

Wala akong masabi sa nakikita ko ngayon, hindi ko nga alam kung matatawa ba ako sa kanya o maawa. Kaya ang ginagawa ko na lang ay pinaikutan ko siya ng aking mata.

"I'm just asking." Parehong kilay ko ang itinaas ko sa kanya.

"Ayaw mo ata sakin." Biglang lumungkot ang kanyang mukha, sabay yuko ng kanyang ulo.

Amaya Series #3: The Attorney's OfferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon