CHAPTER 6

59 5 0
                                    

CHAPTER 6

~ALETHEIA POV~
KINABUKASAN, nagising ako dahil sa ingay alasingko palang ng umaga ah pero bakit gando na kailangay. Sumilip ako sa kumot na nakatalukbong sa aking buong katawan.

Nakita ko si Hezekiah at yung isang lalaki at mukhang nag tatalo sila ito siguro yung boyfriend niya dahil ayokong maka istorbo nakinig nalang ako ng pinag aawayan nila.

"Diba sinabi kona sayo tumakas na tayo pwede naman tayong umalis dito e' ikaw lang ang may ayaw!" sigaw ng lalaki kay Hezekiah.

"Love ang goal natin dito is hanapin sila Mama at Papa" maayos na salita ni Hezekiah.

"Hindi ako komportable rito Kiah, malay mo kung ano pa gawin sa atin nang mga tao rito!" sigaw naman nung Lalaki.

Sino ba itong lalaking ito at kung makapag salita parang masasama kaming tao grabe naman mag talk si Kuya.

"Brice, hindi naman lahat ng tao rito masasama saka nakalimutan muna rito rin tayo nararapat dahil hindi naman tayo totoong mga tao" nakangising saad ni Hezekiah.

"Tsk kahit na mas nasanay kasi ako sa mundong ginagalawan natin noon e" biglang huminahon ang boses nung Brice.

"Don't worry Love, safe tayo rito" napangiti si Hezekiah, at yumakap sa nobyo.

Parang walang nangyaring seryosong sagutan ah kung makayakap wagas.

"Omgg!! ALETHEIA!" sigaw ni Annasandra.

Bwisit napaka OA kung sumigaw akala mo walang natutulog.

"Hoy Theia, alam kong kanina kapa gising bumangon kana!" muli niyang sigaw.

"Ang ingay mo!" lumabas na ako sa Kumot. "Kita mong natutulog pa yung dalawa rito!" sigaw ko kay Anna.

"Ehem ehem!" si Brice.

Awkward kaming nagkatinginan ni Annasandra, napakamot nalang ako nang ulo muli akong tumingin kay Hezekiah, nandoon parin ang pagkayakap niya sa Nobyo.

"H—hi" tinaas ko ang aking palad at muling nagtalukbong ng kumot.

"H-hehe boyfriend mo Hezekiah?" tanong ni Annasandra.

Napatawa ng mahina si Hezekiah. "Yes" sagot niya.

Tinanggal ni Annasandra, yung kumot  na nakatalukbong sa akin nakatakip ako ng aking mukha dahil sa sobrang hiya.

"Para kang tanga Theia, tanggalin mo nga 'yan!" utos sa akin ni Annasandra.

Tinangal ko yung kamay kona nakatakip sa mukha ko at napatawa nalang ako sa kahihiyan.

Ayoko nanga isama ito nawawala yung pagiging seryoso ko e.

"Narinig mo yung away namin?" tanong ni Brice, sa akin.

"Oo, FYI lang hah hindi kami masasama rito mabubuting tao kami!" sigaw ko.

"Weh?" agad na akong napatingin kay Annasandra.

"Hayss oo na maraming masasamang tao rito!" niyakap kona lang ang aking Unan.

"Tignan mona Love" saad ni Brice sa Nobya.

"K-kuya" singit ni Angela, bagong gising ah pero teka Kuya?.

"Bakit late kayo nagising nakakahiya sa mga bisita hindi na kayo nag asikaso!" pinagalitan ni Brice si Angela.

"Huy Rhea, gising!" si Angela.

Napabalikwas ng gising si Rhea, agad siyang tumingin sa magkasintahan.

"Darating si Niel, mag handa kayo" saad ni Brice.

"Hah!" agad na nagsitayuan sila Angela at Rhea, na animo'y nag mamadali para mag linis.

Si Rhea nag hugas ng plato at si Angela naman ay nag pupunas ng bookshelf. Hinatak ako ni Annasandra, papalapit sakanya kumapit siya sa aking braso at sinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

Nakita kong palapit sa amin si Brice, ginalaw ko ang aking balikat upang mapatingin din si Annasandra, sakanya.

"Kayo sila Aletheia Alleje Salazar at Annasandra Xiang" saad niya kaya naman ay nagkatinginan kami ni Annasandra, at sabay din kaming tumingin sakanya.

"O-oo" sagot ko.

"Ikaw Aletheia, kaya kayo nalate  ng uwi sa labas kasi nilibing niyo pa yung Kuya mong pinatay?" nagulat ako sa sinabi niya.

Teka pano niya nalaman iyon?."paano mo nalaman 'yung mga 'yon?" tanong ko.

"Bagong dating lang ako rito kahapon at hindi naman kita nakita kahapon ngayon lang tayo nag kita" muli akong nagtaka.

"Paano?" nagtatakang tanong ko.

"Isa akong fortune teller" sagot niya sa tanong ko.

"Sino pumatay sa Kuya at Lola ko?" muli kong tanong.

"Theia, ano kaba" bulong sa akin ni Annasandra.

"Iisa lang ang pumatay sa Kuya at sa Lola mo" nagulat ako sa sagot niya.

"Hah!" gulat ko.

"Makapangyarihan siya Aletheia, mahihirapan kang kalabanin siya liban nalang kung gagawa tayo team upang kalabanin siya dahil katulad mo siya rin ang pumatay sa magulang ko" saad ni Brice.

Sino kaya siya, kung sino man siya sisiguraduhin kong mapapatay at matatalo ko siya hindi ako papayag na  parang wala nalang yung nangyari kila Kuya at Lola.

PURPLEMOON 💜

BECOME A DEMON(DEMON SERIES#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon