CHAPTER 15

36 4 0
                                    

CHAPTER 15

~ALETHEIA POV~
KAMI NA ang sasalang natapos na ang lahat ay kaunti nalang kaming natira. Todo naman ang paghawak sa akin ni Knyve, halatang ingat na ingat ako ah.

"Wag kang masyadong lalayo sa akin baka mapahamak ka" pabulong na paalala niya.

"Sige" tugon ko.

Tumango nalang siya. Lumakad kami ng kaunti at may mga nakasalubong kaming maraming sundalo, kaya naman agad kong nilabas ang aking shoot gun.

"Maghanda kana marami ito" bulong sa akin ni Knyve.

"Ang dami nila" reklamo ko.

Agad naman nagsiguran ang mga kawal nag umpisa na akong magpaputok ng baril samantang si Knyve naman ay nakikipag labas gamit ang spada at meron din siyang baril sa kanyang bulsa sa likod niya.

Unti-unti na naming nauubos ang mga kawal konti na ngalang ang natira kaya naman ay hindi kona ito pinalampas at inubos kona silang lahat.

"Galing mo ron ah" bati sa akin ni Knyve.

"Small things" Nakangiting saad ko kaya naman ay unti unti ko nang tinapos ang lahat ng kawal.

Sa ilang oras naming pakikipag ay naubos na namin lahat ng kaaway. Lumapit sa akin si Knyve, at biglaan akong niyakap nagulat ako sa ginawa niya ngayon lang may gumawa sa akin nito saka hindi ako sanay.

"A-ahh K-knyve" utal na saad ko. Kaagad naman siyang napabitaw ng yakap.

"S-sorry" panghihingi niya ng paumanhin.

"Sorry rin hindi kasi ako sanay"saad ko.

"Knyve Nichodemus at Aletheia Alleje Salazar, nakapasok kayong dalawa sa Rank 10 kaya naman ay maari na kayong makapasok sa Palasyo at kitain niyo ng sabay sabay ang reyna" saad nung host sa sobrang tuwa namin ay napatalon kami sa tuwa, kaya agad akong napayakap kay Knyve, at halata sa expression nito na nagulat siya sa aking ginawa.

"Aletheia, pasok na tayo sa palasyo" awkward na saad ni Knyve. Kaya naman napabitaw ako sakanya ng yakap.

"Hehe tara na" sa sobrang excited ko hinawakan ko siya sa braso at hinila ko siya papasok sa palasyo nakita ko ang kanyang reaksyon tuwang tuwa siya sa ginawa ko. Kaya naman ay maslalo kong binilisan pag takbo.

I immediately followed the arrows along the paths we were passing through, Until we reached the place where the queen was seated on her throne and the rest of our companions were already seated, I was able to catch their attention because I was holding Knyve.

"Kayo ba ang ika sampo sa mga nakakapasa sa paligsahan?" Tanong nung Reyna.

"Opo kami po" sagot ko.

"Maari na kayong umupo para masabi kona sainyo kung anong resulta ng inyong pagsali sa competition na ito" utos ng reyna, kaya naman pareho na kaming naupo alternate ang pwesto ng lalaki at babae sa kaliwang upuan nandoon ang mga babae at sa kanan namin kaming mga babae katabi ko si Annasandra, yumakap siya sa akin.

Tumingin naman ang iba kong mga kasama nakita ko ang kanilang ngiti para sa aking tagumpay, well pati rin naman ako proud sa pagkapanalo nila.

"Marami ang bawal sa pagiging ranggo" umpisa ng reyna.

Kaya naman magsitahimik na kami. "Bawal ang duwag, bawal ang matagal kumilos, bawal ang mag away, at dapat ay palagi kayong mag sasanay,"saad ni Reyna, maya maya lang ay may nilabas siyang papel.

"Babanggitin kona ang mga pagkakasunod-sunod ng mga ranggo."

Rank 1-Kieler Serivenia
Rank 2-Kailiff Baltazar
Rank 3-Aletheia Alleje Salazar
Rank 4-Annasandra Xiang
Rank 5-Knyve Nichodemus
Rank 6-Brice Leonel Lequin
Rank 7-Hezekiah Anvelliane
Rank 8-Gianna Lucero
Rank 9-Archi Kikasaki
Rank 10-Niel Virgo Yountville

Laking gulat namin lahat sa mga resulta, woah grabe ang taas naman ng rank na narating ko.

"Tumayo ang tatawagin ko.... Aletheia, Knyve at Archi" kaagad naman kaming nagsitayuang tatlo. "Kayong tatlo ay magbabantay ng nasasakupan ng palasyo tuwing sabi kailangan pag sapit ng Alas-sais ay nasa loob na sila ng bahay at pagmay naabutan kayong nasalabas pa ng ganong oras ay wag na kayong magdalawang isip na patayin" paliwanag sa amin ni Reyna.

"Noted po" saad naming tatlo.

"Ayoko ng ganyang Wika, ang nais ko ay masusunod po mahal na Reyna Kilofa, baka kasi hindi niyo pa ako kilala" sa akin tumingin ang reyna Kilofa.

"Masusunod po mahal na reyna" saad naming tatlo, sumenyas na sa amin ang mahal na reyna kaya umupo na kami.

"Kailiff at Hezekiah, kayo naman ang mamahala sa mga mahika gamit ang mga libro gusto ko ring sumulat kayo ng tungkol sa mga mahika" saad ni Reyna Kilofa.

"Masusunod po mahal na Reyna" saad nila Kailiff at Hezekiah.

"Gianna at Brice" tumayo naman silang tatlo. "Kayo ang magiging assistant ko sa palasyo at lahat ng mga baguhan dito sa mundo natin ay kayo ang mag aasikaso.

"Masusunod po mahal na Reyna" saad naman nilang dalawa.

"Niel" tawag ng Reyna Kilofa,"ikaw naman ang magbabantay sa lagusan gusto ko ring maging alerto ka sa mga papasok"saad ni Reyna Kilofa.

"Masusunod po mahal na Reyna" saad naman ni Niel.

"Annasandra at Kieler, kayo naman ang bahala sa mga kawal at armas kayo narin ang tutulong sa mga ibang ranggo upang magsanay" saad ni Reyna.

"Opo masusunod po mahal na Reyna" sabay na saad nila.

"At ayaw ko naman na magkakasama kayo sa iisang dorm dapat Tig-iisa kayong mga ranggo pero maari naman ninyong bisitahin ang isa't isa".

PURPLEMOON💜

BECOME A DEMON(DEMON SERIES#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon