CHAPTER 7
~ALETHEIA POV~
NANDITO parin kami nakaupo sa kama mahigpit na nakahawak sa akin si Anna, halatang kinakabahan sa mga rebelasyong isinasaad ni Brice."Alam kong ito na ang araw nang pagkikita ninyo" saad niya.
"Nino?" Tanong ko.
"Nang taong mamahalin mo" saad niya. Agad naman kaming nagkatinginan ni Annasandra. "Kaso may problema eh hindi kayo mag kakatuluyan" kinunot ko ang aking mga kilay.
"Bakit naman e... Sino na yung makakatuluyan ko?" Tanong ko.
"Ayokong sabihin baka ma spoiler" napangisi siya.
Umalis na siya malapit sa amin at muling lumapit kay Hezekiah.
"Niel, pasok!" Sigaw niya mula sa labas ng pinto.
Nag bukas ang pinto at pumasok ang isang payat na lalaki pero may itsura siya maputi rin at hindi siya pormado dahil naka sandong itim at pants na itim lang siya.
"Brice, Hezekiah, Rhea, at Angela, sumama kayo sa akin sa Palasyo may paparating na competition at may chance ang ilan sa atin ang makapasok sa Lucky 10 kaya mag si gayak na kayo at sasali tayong lahat" saad nung Niel. Muli kaming nagkatinginan ni Annasandra.
"Teka saan gaganapin?" Tanong ni Annasandra kay Niel.
Napatingin siya sa amin at bigla ko nalang akong na alala yung lalaking nanonood sa amin habang nag sasanay kami ni Kuya nung alas dose ng madaling araw.
Parang siya dahil yung lalaking 'yun payat kaso yung kita lamang sakanya ay ang kanyang brown na mga mata na katulad din ng kay Niel.
Kami naman nagkatitigan ni Niel, tinitignan niya ako na parang kilala niya ako, marahil siya ang pumatay kay Kuya?.
"Sa Palasyo at mamayang alas-tres na gaganapin" sagot ni Niel sa tanong ni Annasandra.
"Aletheia, sali kaya tayo" bulong sa akin ni Annasandra.
"Gusto ko nga rin e" bulong ko rin.
"Umuwi muna kaya tayo tapos punta nalang tayo sa palasyo mamaya" muli niyang bulong.
"Sige.." Bulong ko rin.
"Amm Hezekiah at Brice, umuwi na kami ah salamat sa pag papatuloy" pagpapaalam ni Annasandra.
"Sige Annasandra at Aletheia, ingat kayo ah" saad ni Hezekiah.
Ngingitian lang naman siya inayos namin yung mga kumot at pinahigaan namin pagkatapos ay inayos namin ang aming sarili.
Kumaway kami sa kanila at tuluyan ng nagpaalam, sumakay nalang kami sa transportasyon, papuntang nayon.
"May natitira kapang pera?" Tanong ko.
"Meron pa" sagot niya. "ikaw?".
"Syempre ako pa" binigay ko sakanya yung natitirang pera ko.
"'Yun oh" mahina siyang napatawa.
Napangiti nalang ako at mahina siyang hinampas sa braso.
Hindi na kami kumibo at sumilip nalang ako sa bintana ng sasakyan ang ganda pala ng tanawin dito ibang iba sa nayon namin.
MAYA-MAYA lang ay naka uwi na kami sa aming Lugar agad kaming nagpaalam sa isa't isa umuwi muna ako sa bahay upang ayusin ang aking mga gamit na dadalhin sa competition.
Wala namang masama kung susubukan namin sumali wala namang mawawala saka ito yung gusto ni Kuya para sa akin dadalhin ko yung sniper ni Mama at ito yung gagamitin ko.
Pagkatapos kong ilagay ang aking mga gamit sa aking bag, pero bago ako lumabas ng bahay ay naligo muna ako at inayos ko muna ang aking sarili.
At pagkatapos kong mag ligo at mag ayos ay namahinga muna ako saglit nagbasa muna ako ng libro gaya ng ginagawa ko noon.
Ito lagi yung hobby ko magbasa ng libro kaso kulang kulang yung libro ko, kaya nga gusto ko rin sumali sa competition dahil ayon sa nakausap namin sa sasakyan ay libre raw lahat nang pangangailangan namin.
Iniimagine ko na agad pag ako nasama ay magkakaroon na ako ng mga libro na gustong-gusto ko.
Tinignan ko yung orasan at nakita kong malapit nang mag ala-una kaya naman ay kaagad na akong pumunta sa bahay nila Annasandra.
"Annasandra!" Tawa ko sakanya.
Konting gamit lamang ang dala ko, damit ko, mga libro, mga accessory at yung pinakamahalaga ay ang aking Armas kahit anong armas naman ang pwede.
Lumabas ng pinto si Annasandra, bago siya lumapit sa akin ay niyakap muna niya ang kanyang ina na si Tita Sandra.
"Ingat kayo Aletheia ah wag ninyong papabayaan ang sarili ninyo" paalala sa amin ni Tita.
Ang sweet niya talaga parang anak narin kasi ang turing niya sa akin.
"Aletheia, tara na baka mahuli pa tayo malayo pa naman 'yun" saad ni Annasandra.
"Gagamitin kona ang aking mahika, nagdala ako ng marami baka sakaling mapahamak ako ay maari ko'ng magamit ito" saad ko.
"Wag kana sa akin hihingi ah"
"Hindi na talaga"
Sabay namin ginamit ang aming mahika upang mag laho kaya naman ay mabilis kaming nakarating sa mismong labas ng palasyo marami na nga ang tao siguro ay mahihirapan kaming makapasok.
"Ang daming tao" malungkot na saad ko.
"Ok lang 'yan hanap nalang tayo ng way para makapasok" saad naman ni Annasandra.
"Sasali rin ba kayo?" Saad nung babaeng nakausap namin sa sasakyan kanina.
"Oo ikaw sasali karin ba?" Tanong ko rito.
"Oo btw I'm Archi Kikasaki" pagpapakilala niya.
"And Hi I'm Gianna Lucero" sambit naman niya ng isang kasama.
PURPLEMOON 💜
BINABASA MO ANG
BECOME A DEMON(DEMON SERIES#2)
ActionAletheia Alleje Salazar, the Sniper girl,kauna unahang babaeng nag paibig sa Prince na nagngangalang Prince.Kieler Serivenia ang kaisa isang anak ni Reyna.kilofa Seligman Serivenia, si Kieler ang nag turo kay Aletheia, kung paano makipag laban at si...