CHAPTER 22
~ALETHEIA POV~
TUMAWAG sa amin si Kailiff, kasama nito sila Knyve at Brice, nanginginig silang pumasok sa dorm ni Hezekiah."Mag si'handa kayo mapapalaban tayo" utos sa amin ni Kailiff.
"Hah?" Nakakunot noong tanong namin.
"Nilulusob tayo ng Black society" saad ni Kailiff.
Agad namin nilabas ang mga armas namin at agad na kaming pumunta sa palasyo ngunit bago pa kami makapasok sa loob ay napalaban na kami grabe ang daming kalaban.
Naubos namin lahat ng kawal nang Black society at agad na kaming pumasok sa loob ng palasyo agad kaming pumunta sa silid ng mga armas at kinuha ang mga iilang mga gamit. At sinunod naman naming pinuntahan ang silid ng mga kayamanan at nilock ito ng maiigi.
"Lock ninyong maigi" utos ni Kailiff.
Isinara namin ang lahat ng pinto at ibinigay kay Kailiff, yung susi papunta na sana kami sa trono ng Reyna ng may biglang humarang ulit sa amin mga kawal nilabanan namin itong lahat at pinagpapatay at ng maubos na ang lahat agad naman kaming dumiretsyo sa trono ng Reyna at nakita namin ang isang babaeng nakatayo doon.
"Mga ranggo" saad ng babae nakangisi ito sa amin.
"U-urianna?" Utal na saad ni Gianna.
"Kailiff at Gianna, nandito pala kayo" agad kaming napatingin kila Kailiff at Gianna, nakatingin lamang ito kay Urianna.
"Nasaan ang Reyna" seryosong saad ni Knyve.
"Knyve, gusto mobang sumunod kay Kieler," saad nito agad kaming natigilan.
"Ano ginawa mo kay Kieler!" Pagsugod na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Knyve.
"Secret tignan niyo nalang sa kwarto niya" saad nito.
"Hayop ka talaga!" Sigaw ni Kailiff.
Kinakabahan na ako anong nangyari kay Kieler, nababahala na ako sa kalagayan niya hanggang ngayon ay nalilito parin ako at nangangamba pano kung nasa panganib siya?.
"Bakit hindi niyo puntahan sa kwarto niya" ngumisi siya.
"Ano ginawa mo sakanya" nanggigilid ang aking mga luha.
"Ikaw ba 'yung kasintahan niya" tuwang tuwa na saad ni Urianna.
Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Kieler, ramdam kong sinusundan nila ako pagpasok ko palang ng kwarto nagulat na agad ako sa nakita ko puro dugo at nakita ko siya wala ng buhay.
Agad ko siyang nilapitan at niyakap ko siya ng mahigpit humagulgol ako ng iyak halos magwala na ako ng makita ko siyang wala ng buhay.
"Kieler, mahal na mahal kita pati ba naman ikaw iiwan ako" napahawak ako sa pisngi niyang punong puno ng dugo.
Lumapit sa akin si Annasandra, at niyakap ako nito. "Aletheia..." Mangiyak ngiyak na saad ni Annasandra, yumakap ako sakanya at nilabas ko sa kanyang bisig, saksi niya ang lahat nang hinanakit ko sa buhay siya talaga yung kaibigan na patuloy kong lalapitan.
"Kieler, b-bakit ang aga mo akong iniwan..." Mangiyak ngiyak na saad din ni Kailiff.
"Kieler..." Malungkot na saad ni Knyve.
"Salamat bro naging mabuti kang prinsipe H-hindi kita makakalimutan" malungkot din na saad ni Brice.
"Kieler... Thank you kuya sa pagproprotekta mo sa akin h-hinding hindi kita makakalimutan" umiiyak na saad ni Gianna.
"Prince Kieler, promise hindi namin pababayaan si Aletheia, aalagaan namin siya at proprotektahan paalam... " saad ni Hezekiah.
"Prince Kieler, babalik ka maghihintay parin kami sa i'yong pagbabalik" saad naman ni Archi.
"May sulat na iniwan si Kieler" kinuha ito sa bulsa ni Kailiff, at agad na ibinigay sa akin.
“Ako nalang wag na wag lang si Aletheia”
—Kieler Serivenia.
KIELER SERIVENIA
Death:MAY 11
Time:7:23 pmPURPLEMOON💜
BINABASA MO ANG
BECOME A DEMON(DEMON SERIES#2)
AksiAletheia Alleje Salazar, the Sniper girl,kauna unahang babaeng nag paibig sa Prince na nagngangalang Prince.Kieler Serivenia ang kaisa isang anak ni Reyna.kilofa Seligman Serivenia, si Kieler ang nag turo kay Aletheia, kung paano makipag laban at si...