CHAPTER 11

36 5 0
                                    

CHAPTER 11

~ANNASANDRA POV~
MAY PAPARATING, pinagmasdan ko lang itong lalaking ito na kanina pa parang may hinahanap panay siya ikot.

Ganda rin ng suot niya kaso mukhang pang-burol niya iyan susuotin.

Nag hahanap lang ako ng tyempo kung paano ko siya mahuhuli, ito na malapit na.

Ikot pa...

Ikot pa...

Ayan na....

Gamit ang aking kadena na may lason ay inilusot ko ito sa kanyang leeg unti unti ng nanghihina ang lalaki patuloy lang siya sa pag-piglas pero yung katawan niya ay nanghihina na.

Hindi kona papakawalan ito hanggang sa ito na ang pinaka aantay ko nawawalan na siya ng hininga.

Ito na..

Ito na..

Finally, napatay na rin kita gamit ang aking baong mahika binudburan ko ng mahika ang kanyang katawan at unti unti na itong nagiging abo.

"Nice ang galing mo roon ah" puro sa akin ni Archi.

"Tsskk sadyang marunong lang ako" sagot ko.

Siguro nagulat si Aletheia, sa ginawa kong i'yon e' paano hindi naman niya alam na may kakayahan din ako sa pakikipaglaban lagi kaya ako sinasanay ni Mama.

Muli akong nag tago sa pwesto namin  at muling nag antay kung meron bang paparating na kalaban.

Habang nag aabang ako ay nakita kong pumasok ang isang babae takot na takot ito at halata sa mukha nito na parang may tinataguan.

Lalabasin kona sana ito kaso biglang tumirik ang mga dugo nito napapikit nalang ako sa nakita ko, tangina! Natapunan pa nang dugo.

Agad ko itong pinunasan, tskk tangina naman hindi kona man ito dugo pero bakit parang napadami ata yung pag tilansik sa akin.

"Kadiri naman" bulong ni Archi.

"Kaya nga e'" bulong ko rin.

Biglang may pumasok na kalalakihan tatlo sila at dalawa lang kami tatlo silang may dalang patalim at lahat ito ay maypahid nang mga dugo.

"Anna, tabi ako na ang bahala dyaan" nagpalit kami ng pwesto ni Archi.

Siya ang namuno sa pagpatay doon sa tatlo.

"Tatlong oras nalang" bulong ko kay Archi.

Sumilip ako sa tatlong lalaki,, wala na silang buhay.

Napatingin ako kay Archi, nakangisi pa siya.

"Galing mo doon ah" puri ko sakanya.

"Basic lang naman" pagmamayabang niya.

"Sige na palit na tayo ng pwesto" pagmamakaawa ko.

Nagpalit na kami ng pwesto ako ulit ay nag abang sa unahan at siya naman ulit sa bandang may bintana.

"Ba't ang tagal pumasok nung iba? So boring" reklamo ko.

"May mahika kapa?" Tanong niya.

"Marami pa bakit?" Sagot ko.

"Gamit kanga ng mahika damihan mo itong bala ng pana ko" saad niya.

"Sige"

Inilabas ko ang aking mahika at binudburan ko ito dumami ulit ang bala ng kanyang pana.

"Thank you" nakangiting saad niya.

"Welcome"

Dahil malapit na ang oras napag isipan na naming lumabas sa tinataguan namin. Dahan dahan kaming lumakad ng lumakad.

Ng may biglang may humila sa akin pati rin si Archi, ay hinila nila. Sila Brice at Niel, ito ah.

"Magtago lang kayo" bulong sa akin ni Brice.

"Kalaban ka namin ah" bulong ko naman.

"Kaibigan ka naman ng girlfriend ko at parang kaibigan narin ang turing ko sayo" napangiti ako.

Walking Green flag, galing talaga pumili ni Hezekiah.

"Thank you ah" pagpapasalamat ko.

"Kilala kita ah" saad nung Niel, kay Archi.

"Hah?" Saad naman ni Archi sakanya.

"Archi Kikasaki?" Nakakunot noong saad ni Niel, kay Archi.

"Pano mo nalaman ang pangalan ko?" Nagtataka naman saad ni Archi.

"Buhay kapa nga" nagtatakang saad ni Niel.

"B-buhay naman talaga ako"

"Aghh nevermind" pagtigil ni Niel.

Mga ilang minuto kami nag tago rito hanggang sa hindi na kami nakapag pigil kaya lumabas na kami.

Dahan dahan kaming lumabas si Niel at Brice, ang nasa unahan namin at kami naman ay nasa likuran nilang dalawa.

"1... 2 .... 3... Annasandra at Archi, yuko!" Napayuko kami napatingin kami sa ding ding sa gilid namin.

May bala ng pana na tumusok dito may gustong pumatay sa amin shit.

"Annasandra, akin na 'yung lipstick mo na may Lasers ako ang papatay dyaan" agad kong binigay yung lipstick kong may Laser.

Sa taas namin doon niya tinama yung laser at hindi siya nagkamali dahil may tumarak na dugo roon.

"Ang galing pano mo nalaman 'yun?" Tanong ni Archi.

"Isa akong manghuhula diba alam mo na 'yan" sagot ni Brice, napakunot naman ng noo si Archi.

Sinenyasan ni Niel, si Brice, teka may alam ba sila na hindi alam ni Archi?.

PURPLEMOON💜

BECOME A DEMON(DEMON SERIES#2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon