Lynn's POV
MALAKI ang ngiti ko habang nakatingin sa salamin, nakabit na kasi yung hikaw ko salamat kay law at doon sa gamit nyang di ko alam kung ano ang tawag basta napadali ang pagkabit ng hikaw ko at saglit lang yung sakit na naramdaman ko.
Bakas pa rin sa mukha ni Law ang inis kesyo daw ang lame ng rason ko na nagpakabit den ng hikaw kasi ako na lang yung walang pierceng sa Section Ruby. Ewan ko sa taong to parang gustong manapak na ewan at napapansin ko den na todo layo si Rex sa mga tukmol.
Takot ata
Hindi parin ako masyadong nakakaget-over doon sa hinala nila na.... Nvm. Mas inaalala ko yung pinto kasi sira na wala ng pag-asang ikabit pa at nabutas den ito sa gitna resulta ng pang-sipa nga ni Law dito, baka kasi magalit si Sir at tsaka baka nakawin ang mga gamit dito like yung walis tambo, dust pan at iba pang gamit namin
"Ang ganda ng hikaw mo ling ah! Sure kabang singkwenta pesos lang ang bili mo dyan?" Tanong ni Cyrus habang nakatingin sa hikaw ko.
"Oo naman noh! At tsaka hindi ako bumibili ng masyadong mamahalin"
"Pero ling kasi yung earing mo is..."
"Familliar" Sulpot ni batas sa gilid naka-topless
"Talaga? Baka nakita mo lang sa pinagbilhan ko kaya familiar?" Tanong ko sa kanya pero ang tingin nasa abs
"I don't go to cheap stores just to look for an earing, woman" Diin nyang sabi
"Mukha mo cheap" Bulong ko pero nadinig nya kaya nag-peace sign nalang ako
Rex's POV
LITERAL na nawala ang angas ko ng sinabi nalang ni Sir na ngayon na pala ang poster making contest eh hindi pa ako handa!
Totoo naman na profesional artist ang mga magulang ko pero hindi ko ata namana ang talento nila at tsaka akala ko mag-su-submit lang ng drawing eh sa school pala mismo magdra-drawing.
Si Mommy sana ang guguhit para sakin eh!
Andito ako nakaupo at naka harap sa mga drawing materials habang ang ilan ay nagkandaduga na sa pagda-drawing, malapit na ang time pero wala parin akong nasisimulan!
Patay ako kay Ling-Ling nito!
Huminga ako ng malalim at nag-isip ng idra-drawing hanggang sa naisip ko ang sinabi ni Sir
"Obviously dahil Nutrition Month ngayon ay tungkol sa mga masustansyang pagkain ang tema,magdr-drawing lang kayo ng talong,apple basta yung mga healthy"
Napangisi ako at kinuha ang lapis at magsimulang mag-drawing
HAHAHAHA
Lynn's POV
NASA auditorium ang lahat ng students nagaabang sa resulta ng contest, halos ang atensyon ng lahat ay nasa malaking screen sa stage kung saan makikita ang mga representative ng bawat Section na gumuguhit maliban nalang kay lesteng Rex na nakatunga-nga lang
Lagot to sakin mamaya!
Ang mga kalaban nya ay busy sa pagda-drawing pero sya parang wala lang! Na para bang walang contest na nangyayari, lumingon-lingon pa sya sa mga kalaban nya na tila ba hindi alam ang nangyayari sa paligid.
YOU ARE READING
The Province Girl In Section Ruby
Teen FictionLynn Lesly Ocampo,a probinsyana girl who always been confused at the mystery of her family,will do anything to solve it even if she have to be the only girl on the most hated section... How far can she take if the so-called 'Law' didn't want her the...