Chapter 5

13 1 0
                                    

“Good morning, Doc. Pinapatawag po kayo ng lolo niyo sa kaniyang opisina.”

Agad na bungad ng sekretarya ni Andrea, pagkapasok niya sa kaniyang clinic.

Napatingin siya sa kaniyang pambisig na relo. Its 10:30 in the morning. Alam ng lolo niya na male-late siya ng kaunti sa pagpasok ng hospital dahil sa meeting niya sa CEO ng Montreal Pharmaceutical na hindi na naman natuloy.

Kumuyom ang kamao niya at nalukot ang noo. Masama pa rin ang loob niya sa nangyaring pagkansela na naman ni Mr. Montreal sa meeting nila. That was the second time.

Damn, him!

“Okay lang po ba kayo, Doktora?”

Muli siyang napatingin kay Lirah. Kita niya sa mukha nito ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya. Siguro dahil sa nakikita nitong hindi maipinta ang hitsura niya.

Tumango lang siya at pumasok sa isa pang silid kung saan niya kinakausap ang kaniyang mga pasyente. Inilapag niya ang bag sa kaniyang upuan.

Kinuha niya ang kaniyang phone saka lumabas ulit ng clinic para puntahan ang Abuelo sa opisina nito.

“Good morning, Doc,” bati ng mga nurse sa nadaanan niyang nurse station.

“Good morning,” she coldly greeted them back.

Saglit lang din niya ang mga itong sinulyapan saka nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa east wing kung saan ang opisina ng kaniyang lolo Alexander.

Pagdating niya sa tapat ng pinto ng opisina ay kumatok muna siya ng tatlong beses. Walang sumagot kaya muli siyang kumatok pero wala pa rin, kaya sinubukan na niyang pihitin ang pinto. Nang hindi iyon naka-lock ay pinihit na niya pabukas.

Agad kumunot ang noo niya nang maabutan niya itong nakatayo habang nakaharap sa floor to ceiling window malapit sa executive desk nito. Hindi ba nito naririnig ang pagkatok niya?

Naglakad siya palapit dito at mukhang ang lalim talaga ng iniisip nito dahil hindi man lang ito lumingon. Duda rin siya kung aware ito na may nakapasok ng ibang tao sa opisina nito.

“Lo,” marahan niyang tawag dito.

Hindi ito natinag kaya nakumpirma niya ang hinala niyang hindi ito aware sa pagpasok niya.

Muli niya itong tinawag at medyo nilakasan na rin niya ang boses. Saka lang ito pumihit paharap sa kaniya.

Nakita pa niya sa mukha nito ang bahagyang gulat nang makita siya. Pero agad din naman itong nakabawi.

“Addie, kanina pa ba?” tanong nito sa kaniya.

Umiling siya. Lumapit siya rito at humalik sa pisngi nito saka nagmano.

“Hindi naman gano’n katagal, Lo,” aniya, habang matamang tinititigan ang abuelo. “May problema po ba kayo, Lo?” hindi na niya napigilang itanong.

Tumaas ang mga kilay nito. “What made you think, I have a problem, Apo?” balik naman nitong tanong sa kaniya.

“Tila kay lalim kasi ng iniisip niyo. Hindi niyo nga namalayan na pumasok ako. Ilang ulit din kitang tinawag pero parang wala kang narinig.”

“Pasensya na at medyo malalim lang ang iniisip ko. Maupo ka.”

Iminuwestra nito ang upuan na nasa harap ng table nito.

Agad naman siyang sumunod at naupo sa upuang itinuro nito.

“Bakit niyo po ako ipinatawag, lolo?” tanong niya nang pareho na silang nakaupo.

Broken Sweetheart(Del Rio Siblings 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon