Chapter 1

585 23 4
                                    

"DOC, bumalik na po ang heart rate ng pasyente."

Saka lang nakahinga ng maluwang si Andrea Mikaela nang marinig iyon sa isa sa mga nurse na nag-assist sa kaniya sa loob ng operating room.

She's currently operating the patient, para alisin ang brain tumor nito nang bigla na lang huminto ang heart rate nito. Kaya kinakailangan nila muna itong i-revived at pabalikin sa normal ang tibok ng puso nito bago niya ipagpapatuloy ang operasyon dito. And thank God, the woman's heart rate came back.

Hindi lang din naman siya ang nakahinga ng maluwag, pati na rin ang mga kasama niyang nasa loob ng operating room. After a couple of an hour, the operation was done, and it was successful.

"Thank you so much, Dra. Del Rio," puno ng pasasalamat na sabi ni Mr. Gregorio Villanueva nang sabihin niya rito na successful ang operasyon ng asawa nitong si Mrs. Evangeline Villanueva.

"She will be transferred at the recovery room, kung magtuloy-tuloy ang response ng kalusugan niya."

"Thank you so much, Doc." ani ng babaeng anak nito, na kasamang naghihintay rito sa labas ng operating room.

She just nodded her head at them, at kaagad ng nagpaalam. Masaya siyang may nailigtas na naman siyang buhay ng isang pasyente sa tiyak na kamatayan. And hopefully, tuloy-tuloy na ang paggaling ni Mrs. Villanueva.

This is not the first time she operated a patient with brain tumor. Pero kahit na pangatlo na si Mrs. Villanueva sa inu-operahan niya sa utak sa loob ng isang taon bilang isang neurosurgeon, naroon pa rin ang takot niya na baka-

Agad niyang ipinilig ang ulo at binura sa isip niya ang nangyari noon. Pinapangako rin naman niya na hindi na niya hahayaan pa na maulit iyon. Na may mamamatay ulit sa kamay niya. Not under her watch.

Nang makapasok siya sa loob ng kanyang opisina ay nahahapong kaagad siyang sumalampak sa kanyang swivel chair. Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa sandalan ng kaniyang upuan at pumikit.

Hindi biro ang naramdaman niyang takot kanina. Akala niya hindi na niya maibalik ang pasyente at hindi niya ito mailigtas.

Mrs. Evangeline Villanueva had a stage 3 brain tumor. At bihira iyon para sa isang pasyente na makaligtas pa lalo na at may edad na rin ang ginang. Pero mukhang malakas yata si Mrs. Villanueva sa may Likha.

Wala sa sariling napangiti na lang siya at tahimik na umusal ng pasasalamat sa Kanya.

Napadilat siya ng mga mata nang marinig niyang tumunog ang cell phone niya na nasa ibabaw ng kanyang desk. Dinampot niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Dhie's Calling...

Kaagad siyang napangiti nang makita niyang ang kanyang ama ang tumatawag.

"Yes, Dhie," nakangiti at masiglang sagot niya.

Mas lumawak ang ngiti niya nang marinig niya ang boses ng kanyang ina sa kabilang linya.

"How was the operation? Was it successful?" tanong nito kaagad sa kaniya.

Napangiti na naman siya. Alam kasi nito na may o-operahan siyang pasyente ngayong araw.

Hindi man nito sinasabi sa kanya pero alam niyang palagi itong nagdarasal para sa kaligtasan ng mga pasyenteng hinahawakan niya.

She was in her first year as a resident doctor at Del Rio Medical Center when her first patient died on her hands. Hindi man siya ang nag-opera but still, she was part on that operation.

Broken Sweetheart(Del Rio Siblings 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon