ANDREA was seating quietly in front of a large, triangular shaped conference table. Nakikinig lang siya sa mga board of directors na kanina pa naghahayag ng kanilang mga opinion at suggestions patungkol sa crisis na kinakaharap ngayon ng hospital.
Ang lolo Alexander naman niya ay tahimik lang din na nakikinig sa mga ito. Pero hindi rin nagtagal ang pananahimik nito at nagsalita na rin.
“This hospital remains as it is no matter what.”
Natahimik ang lahat ng mga board members sa pinalidad ng boses ng kaniyang abuelo. Lalo na sina Dr. Villa at Dra. Seraspi na kanina pa iginigiit ang kagustuhang ibalik ang DRMC sa dating estado nito.
Nasa Italy ang abuelo kasama ni lola Annaliese para magbakasyon. Nakasanayan na kasi ng mga ito na tuwing wedding anniversary ng mga ito ay umuuwi talaga ang lolo Alexander niya sa bansa kung saan ito ipinanganak.
Pero dahil tinawagan ito ni Dra. Seraspi tungkol sa problema ng hospital kaya heto ito ngayon sa harap nila. Hindi man lang pinalipas ng isang araw mula ng makauwi at agad din na nagpatawag ng board meeting.
“Sa amin lang naman, Doctor Del Rio, na baka ang dahilan ng laging pagkansela ng CEO ng Montreal Pharmaceuticals ay dahil gusto nila na ang kanilang gusto ang masusunod.” Ani Dra. Seraspi. Hindi pa rin sumusuko sa kagustuhan nito at ni Dr. Villa.
“Mr. Montreal doesn’t exactly cancel our meeting, doktora. He just postponed the meeting for some important matters.” Hindi na rin niya napigilan na magsalita.
Nakausap din niya ang secretary ni Mr. Montreal. Talagang pina-postponed na muna ng boss nito ang appointment niya rito.
“Given, Dra. Del Rio. But how can you assure that you will convince the CEO with your proposals and terms?” Dr. Villa asked her.
Hindi siya agad nakasagot. Wala nga siyang assurance na mapapayag niya si Mr. Montreal sa kaniyang proposal. O kung tatawagan pa ba siya ng mga ito ulit.
“I understand all your concern about the hospital medicines’ demand but to end that idea, na gawing business ulit itong hospital, hindi iyon ang solusyon na nakikita ko hangga’t hindi pa natin nagagawa ang best natin para matugunan ang kakulangan ng mga gamot dito.” Sabi ni lolo ng hindi na siya nagsalita pa.
Nakita naman niya na napatango-tango ang ibang mga board members, sumasang-ayon ang mga ito maliban na lang kina Dr. Villa at Dra. Seraspi.
“And yes, there’s no assurance that Dra. Del Rio will convince the CEO of Montreal Pharmaceuticals with our proposals and our own term, but we need to try our luck. And if that luck doesn’t go well, then that’s the time I will decide for the betterment of this hospital.”
Nang matapos ang meeting ay nagpaiwan na muna siya sa conference room. Gusto niyang makausap ang abuelo at makahingi na rin ng paumanhin dahil naistorbo ang bakasyon nito kasama si lola Annaliese.
“I’m sorry, Lo,”
“For what? For not telling me the problem?” malumanay man ang boses nito pero naroon pa rin ang pormalidad.
Halatang hindi talaga nito nagustuhan na hindi niya sinabi rito ang problema na kinakaharap ngayon ng hospital.
“Yes po. Ayaw ko lang naman na masira ang bakasyon niyo ni lola Annaliese.”
Lolo heavily sighed. “Come here,” tawag nito sa kaniya.
Nakataas na ang dalawang braso nito para yakapin siya. Nangingiting agad naman siyang napatayo at pumaloob sa mga braso ng abuelo. Marahang tinapik nito ang likod niya.
BINABASA MO ANG
Broken Sweetheart(Del Rio Siblings 3)
Fiksi UmumAndrea Mikaela S. Del Rio WARNING: (R-18+). This story contains strong language and scenes of explicit violence. Also, this is a work of fiction. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental. TEASER: Dra...