"handa na ako, sasagutin ko na sya"
naiinis ako sa aking sarili dahil ngayon ko lang napagtanto sa haba ng tatlong taon niyang pag pupursige.
hindi ko maintidihan kung kailan o saan ito nagmula, basta ang tangi kong alam ay mahal na kita — minamahal na kita.
"ayaw ko na, niligawan lang kita para makalimutan sya"
ang sakit
"hindi ko pala kaya, kung hindi sya ay wag na lang"
bumigat ang puso ko sa bawat salitang kanyang binibigkas. napag tanto ko na ang lahat, ayaw nya na, sumuko na sya, bakit? nakakatawa kasi itinanong ko pa talaga, simple, hindi ako ang gusto nya. Isa lang akong laro para sa kanya, isa pala akong pampalipas oras sa kanyang mga mata.
masakit, pero naging masaya ako kasama ka.
YOU ARE READING
kalayaan
Puisisalitang sinisigaw ng aking utak, dito na lamang itatatak compilation of my unsaid thoughts/feelings)