CHAPTER 3

19 10 1
                                    

SHERRON

Matapos kong maligo at kumain bumalik ako sa kama at umupo, nakita kong naglalaro naman si Kanna ng games while sinusuyo sya ni Luke. They're not in relationship ha? They're just bestttttfriennnddd, pero mukhang mag jowa.

"Sherry how's your head?" Tanong ni Stain sakin.

"Um... Okay naman, thank you" sagot ko sa kanya and he gave me a glass of milk.

"Hoy anong gatas yan?!" Tanong ni Luke at napatingin sila samin.

"Bear Brand? Why?" Sagot ni Stain at napatango tango sila.

"Guys anong show meron sa TV?" Tanong ni Kanna at napatingin sila sa TV.

"Why not e open natin?" Tanong ni Kim.

"Sure why not? Baka may makuha tayong info." Sabi pa ni Jarred.

"Ohhhhh lemmeeee open the TV!!!" Masiglang sabi ni Kanna.

"Letsss guess kung anong palabas ang meron! " Sabi pa ni Jarred at game na game silang lahat.

" Okayyyyy ako ang bangka!!!! "Sigaw ni Kanna.

" Ladies and Gentlemen the show of the night is....... "Announce ni Kanna.

" Horror film! "- sagot ni Kim.

" Lovestory! "Sagot ni Luke.

" News I think. "Sabi ni Stain.

" Comedy?" Sabi naman ni Su.

" Uh-something we didn't expect? Idk basta ganun? "Tanong naman ni Jarred.

" Get ready!!! As I open the switch in 3—2—1!!!! " Sambit ni Kanna sabay on ng TV at volume ng biglang may lumabas na R18 movie at may malakas na moan na syang dahilan bat napatalon si Kanna palayo sa TV.

"Blurred." Reklamo ni Kim at binatukan ko naman sya. Agad naman inoff ni Stain ang TV.

"Made in Japan kas—" putol na sabi ni Su ng binatukan ko rin sya.

"Does ... That mean I won?" Tanong ni Jarred at napatingin kami sa kanya.

"Kanna okay kalang? Halos humiwalay ata kaluluwa mo sa katawan mo." Patawang sabi ni Luke.

"Gago ka ba?! Magugulat talaga ako nun e halos mamamatay na yung babae sa TV!!!" Reklamo nya at natawa sila.

"Kain nalang tayo." Pang aaya ko at may inilabas naman silang mga pagkain.

"Libre foods so kumuha kami ng marami." Ani ni Kim.

"Ang bilis ng panahon..." Sabi ni Kanna samin na syang dahilan ng kalungkutan namin. Parang ambilis nga.

"Parang kailan lang sinabi ni Rica gusto nyang maabot ang glass roof naabot nya nga. Ang bilis ng pangarap nya." Dagdag pa nya at napatawa ako... NG MAG ISA shutanginang humor to.

"Ah—I mean ano kasi..." Utal kong sabi at napahakhak si Kanna.

"Ikaw lang talaga nakakaintindi sakin eh! Nalulungkot namN tayo pero... kung iisipin mo pangarap nya yun at ayun ng natupad nya. "Tawang tawa na sabi nya na sinabayan ko naman.

" Ambilis naman ng karma, parang kailan lang parang papatayin nya si Sherry ngayon patay na sya. "Dagdag pa ni Su Tianxi. Diko alam bat ako natatawa e dapat malungkot kami eh. Yun ba ay dahil sa nababaliw na kami? Huy wag naman!

" Karma is bitch nga! "Sabi pa ni Luke. Ng biglang nag on ang TV.

"Huy gago anong nangyayare sa TV? E di nga nakasaksak!" Sambit ni Luke. Nagsimula namang bumuo ang takot na nararamdaman namin. At nakita namin sa TV ang isang pigura ng tao ngunit nakasuot ito ng black hood.

MIND GAMES (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon