Freen's POV
Friday na pala, makakapag pahinga na rin ako sa mga schoolwork.
Hi! I'm Freen Sarocha Chakimha, a not-so-normal grade 11 STEM-1A student at Partridge University in Quezon Province.
Hindi kami sobrang mayaman, sakto lang. Kasama ko sa buhay ang aking Mimi, na sobrang supportive sa mga decisions ko sa buhay, kahit na medyo strikto siya. Pero kahit na nasa'kin na ang halos lahat ay may kulang parin... Ito ang aking Dada, namatay kase siya noong bata pa lamang ako dahil sa sakit niya na hindi na naagapan.
Becky's POV
Friday is the most exciting day of the week for a student like me.
Hi! I'm Rebecca Patricia Armstrong, also known as Becky, a grade 11 STEM-1A student at Partridge University in Quezon Province.
Hindi ako mayaman, but my parents are. Ibinibigay nila lahat ng gustuhin namin ni Kuya Richie, bukod lang sa kalayaan. Napaka strikto kase nila, maraming bawal. Mahabang pakiusapan ang kailangan naming gawin ni Kuya para lang payagan kaming gawin ang gusto namin. Pero mabait naman sila at mapagmahal.
Author's POV
"That's all for today; goodbye and thank you, class." Sabi ng Professor habang inaayos ang mga gamit nito sa lamesa.
"Good bye, Professor." Sabay sabay na sabi ng mga estudyante. Tumango ang professor at lumabas na ng classroom.Freen's POV
"Hayst salamat, wala ng pasok bukas. Yehey!" Sabi ni Baitoey.
"True, nakakapagod kaya. Hirap mag aral, tss." Pag rereklamo naman ni Noey.
"Akala mo naman talaga nag aaral eh, pweh!" Sabi ko ng pabiro.
"Grabe ka naman Boss, ang sama mo ah. Iyak ako dito huhu." Sabi ni Noey, habang umaarte na umiiyak."Arat cafeteria tayo." Pag-aya ni Nam.
"G, libre ko na." Sabi ni Noey sabay thumbs up.
"Nice, sige tara." Sabi naman ni Baitoey, habang hanggang tenga ang ngiti kase libre. "Kayo nalang muna guys, susunduin ko pa si Heng sa ground floor." Saad ko na ikinagulat nila."Bakit? Date?" Tanong nila.
"Tangeks hindi, mag eenroll daw siya dito. STEM den ata strand niya, 1st week palang naman ng 1st semester kaya pwede pa mag enroll." Pagpapaliwanag ko.Kauuwe lang kase ni Heng galing Thailand kahapon, hindi ko siya nasundo dahil may pasok. Kaya sabi niya ay samahan ko nalang daw siya mag-enroll.
"Sige, bye Freeny. Kita nalang tayo sa gate mamaya." Sabi ni Nam, at tumango ako.
"Bye Boss." Pag papaalam naman ni Noey.
"Sige. Bye! Huwag kayong mag-papaka busog ah, may pupuntahan tayo." Bilin ko, halata ang gulat at tuwa sa muka nila. Bago pa man sila maka imik ay tumakbo na'ko paalis.After ng Physics Subject namin, which is 9:30 a.m. ay uwian na, dahil tuwing Friday ay may sports event sa school namin, kaya half day lang ang pasok.
Fast Forward:
Naglakad-lakad ako sa ground floor para makita si Heng. At ayun siya, naka sandal sa poste, na parang adik na may inaabangan (de joke). Natatawa ako sa mga naririnig kong bulungan ng mga estudyante. Kesyo ang pogi daw, hot, cute, at iba pa. Mas pogi pa'ko diyan eh, like, look at me. I'm so poganda kaya, tss. 'Di ba? Umagree kayo please, para hindi ako mapahiya.
"Heng dito!" Sigaw ko dahilan para lumingon siya, sabay kaway habang nakangiti.
"Kim ang laki mo na ah, parang dati lang. Pero hindi kana maganda lang, pogi ka pa. Ayos pormahan natin ah?" Sabi niya na, sabay pisil sa pisnge ko habang nakangisi na ikinainis ko, kaya kinurot ko ang tagiliran niya.
"Aray! Parang tanga..." Reklamo niya sabay kamot sa tagiliran niya. Nag peace sign lang ako at nginitian siya.

BINABASA MO ANG
Undying Love
RomansaPOV: Time isn't on your side. "Maybe, just maybe. In another universe, time is on our side." -F "Why does it need to be in another universe? Why can't it be here, in this universe?" -B