4: Help

11 0 0
                                    

Author's POV

"Hi Freeny baby!" Sigaw ni Nam, kaya nagtinginan ang mga tao sa Cafe.
"Shh, huwag ka ngang maingay diyan." Pagsaway ni Noey kay Nam at tinakpan ang bibig nito.
"Anyways, good morning Boss." Dagdag pa nito, habang takip takip parin ang bunganga ni Nam.
"Good morning Sis." Bati ni Baitoey.
"Good morning Kim." Bati naman ni Heng.

Freen's POV

Nakita ko silang papalapit na sa'kin at binati ako.
"Good morning den, want niyo ba coffee, tea or me?" Pabiro kong tanong.
"Hoy Boss, huwag kang ganyan. Baka ikaw piliin ko." Reklamo ni Noey kaya natawa ako.
"Punta na kami sa Staff Room Freen ah, bibihis lang kami para matulungan ka na namin." Tumango nalang ako sabay ngiti, at pumunta na sila sa Staff Room.

May uniform kase tong Cafe ko since malaki-laki nadin 'tong shop, bago palang ito pero dinarayo ng mga tao, mostly mga students or workers sa malapit na company.

May malaking bookshelf kase 'tong Cafe ko since minsan dito ako gumagawa pati ang mga kaibigan ko ng projects or wala, tambay lang ako dito minsan at nagbabasa-basa.

May mga novels, manga, magazines, etc. sa bookshelf na included, so dinarayo talaga ng mga taong mahilig sa mga ganon. Bawal nga lang iuwe kase malay ko ba kung isasauli pa nila 'yon, mahirap na no.

Becky's POV

Papasok na kami ng Fleur de Cafe, 9 a.m. na. Ang tagal kumilos ni Non, palaging late.

Papasok na kami ng pinagbuksan kami ng glass door ng isang babae.

Ang pamilyar niya... Parang nagkita na kami.

"Good morning po, welcome to Fleur de Cafe. Table for?" Ang warm ng vibe niya, ang sarap sa pakiramdam, parang sunlight beams. Tapos ang ganda ganda niya pa, teka, eto ata yung babae kahapon, yung nakabungguan ko?

"Good morning din, table for 3 po." Dinig kong sabi ni Irin, dahilan upang mabalik ako sa reyalidad.

Ang aga aga Rebecca, nag de-daydreaming ka! Aba syempre! Alangan namang mag daydream sa gabi?

"Dito po tayo." Sabi nito sabay turo sa pwesto malapit sa counter.
"Salamat." Tangi kong nasabi dahil nakatitig ako sa kanyang mga mata.

Apaka ganda shet!

"Earth to Rebecca." Dinig kong sabi ni Irin sabay pitik ng kamay.
"B-bakit?" Pabulol kong tanong na nauutal pa.
"Ate ko, natutulala ka diyan. Gandang ganda kay Freen?" Tanong ni Irin sa'kin. Tumango tango naman ako, kupal talaga.

"Ay teka, Freen? 'Yon ba pangalan niya?" Tanong ko.
"Omsim." Sagot ni Irin, tatanungin ko sana siya about kay Freen pero bigla itong lumakad papunta sa'min.

"Here's your menu, balik nalang po ako kapag naka decide na po kayo ng o-orderin." Sabi nito sabay abot ng menu sa'kin, tumango nalang ako at nginitian siya.

Freen's POV

"Hoy mga bading, nandito yung nililigawan ko." Sabi ni Noey, kaya tinignan namin siya. "Hala sino diyan?" Tanong ni Nam.
"Yung kasama ni Armstrong, si Irin." "Armstrong?" Tanong ko.
"Oo Boss. Ayun oh, yung inabutan mo ng menu." Sabay turo doon sa dalawang babae at isang lalaki sa table malapit sa counter.

Yung magandang babae na binigyan ko ng menu, 'yon ba si Armstrong?

"Si Irin yung isa? Irin name ng nililigawan mo diba?" Tanong ni Baitoey.
"Oo, tropa niya si Armstrong pati si Non." Sabi ni Noey. Tumango-tango lang ako habang nakatingin parin kay Armstrong, hindi ko alam name niya. Gusto ko itanong sa mga tropa ko kaso nahihiya ako, hehe.

Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon