Freen's POV
Nandito na kami ngayon sa Mall, at dahil mabait ako ililibre kona sila, kabayaran narin ito sa pagtulong nila sa akin sa shop.
Tuwing Friday kase mostly kami gumagala dahil half day lang ang klase namin. Kapag sabado kase ay nasa shop lang ako, nagbabantay, at tinutulungan nila ako. Kapag linggo naman ay umaalis kami ni Mimi.
"Ang galing mo naman Boss, idol na kita niyan." Sabi ni Noey na manghang-mangha sa husay ko sa arcade games, small things.
"Ay? Hindi mo pa ako idol dati? Tsk tsk tsk, wala na, sad na'ko." Pabiro kong sabi.
"Lupit mo Freeny, crush na ata kita." Sabi naman ni Nam habang nakangisi.
"Ih, stop it." Sabi ko, at nag tawanan sila."Maglaro din kaya kayo, huwag kayo masyadong ma amaze sa galing ko. Ako lang to oh." Sabi ko.
"Hindi ko ma reach confidence mo Kim." Sabi naman ni Heng sabay arte na animo'y may inaabot.
"Punta muna kami doon sa kabila ah, lalaro den kami." Pagpapaalam ni Baitoey sabay hatak kay Noey at Nam.
"Laro muna kayo diyan Heng, Freeny ah. Bye bye!" Sabi ni Nam sabay kindat sa'kin. Ipagpatuloy mo 'yan, para masampal kita.Fast Forward:
"Hoy mga bading, alasingko na pala. Arat kain, hindi ako nabusog sa popcorn." Inaya ko na silang kumain, papalabas na kami ng sinehan dahil nanood kami ng Horror Movie. Horror daw pero hindi naman nakakatakot, natawa nga lang kami sa muka nung monster pati nung ghost.
"Sino ba naman ang mabubusog sa popcorn?" Tanong ni Baitoey.
"Ako!" Sagot ni Noey.
"Joke lang, arat na Boss." Dagdag pa niya, sabay tingin sa'kin na parang nagmamaka awang tuta. Tinignan din ako nila Nam at Baitoey, alam kona ang ibig sabihin ng mga tinginan nilang ganyan *sigh.
"Treat ko na, dalian niyo." Sabi ko.
"Yeheyyy! Let's go!" Sabi nilang tatlo, sabay sabay pa. Nag practice ba kayo? Gusto kong itanong sa kanila kaso huwag nalang.Habang naglilibot kami sa second floor ng Mall, ay may nakita kaming restaurant na hindi kami pamilyar.
"May bagong resto pala dito sa Mall?" Tanong ni Nam.
"Oo nga no, lagi naman akong tambay dito pero hindi ko 'yan napansin." Sabi naman ni Noey.Napagdesisyonan naming pumasok sa resto at doon na lamang kumain para ma-try namin. Nag volunteer si Heng na siya na ang o-order at humanap na lang daw kami ng pwesto para sa lima. Kaya binigay ko ang pera sa kaniya, dahil siya naman ang o-order pero tinanggihan niya yon.
"Huwag na Kim, ako nalang manlilibre." Sabi niya sabay balik ng pera sa'kin. Nagtataka ko siyang tinignan at umiling lang siya sabay ngiti. Tinanggap ko yung pera na ibinalik niya at tumango nalang.
Fast Forward:
Author's POV
Habang kumakain sila ay biglang nagtanong si Nam.
"Mag jowa ba kayo? I mean, since Jr. High ay usap usapan sa buong university na mag jowa kayo but never ko na confirm hanggang sa umalis na nga si Heng." Tanong ni Nam, dahilan upang mabulunan si Freen at Heng.Freen's POV
"Gaga ka Nam, masyado naman 'tong deretsyahan mag tanong. Okay lang ba kayo?" Tanong ni Noey sabay abot ng tissue at tubig sa amin ni Heng.
"Oo, salamat." Sagot ko at tumango tango naman si Noey.
"Next question, please." Sabi ni Heng.
"Walang next question hanggat 'di niyo sinasagot tanong ko." Sabi ni Nam."Muka ba kaming mag jowa?" Tanong ko at tumango naman silang tatlo, kaya natawa si Heng.
"Edi magjowa kami, sabi niyo eh." Sabi ni Heng at natawa ako. Galing talaga neto sumakay sa trip ko eh.
"Seryoso ba? Kayo talaga?" Tanong ni Baitoey. Tinignan ko lang siya ng maybe look, si Heng naman ay puro lang tawa.Yung tatlo naman, confuse na confuse na yung muka, hahahahaha. Huwag na kase magtanong, mga letche.
Fast Forward:
BINABASA MO ANG
Undying Love
Storie d'amorePOV: Time isn't on your side. "Maybe, just maybe. In another universe, time is on our side." -F "Why does it need to be in another universe? Why can't it be here, in this universe?" -B