Freen's POV
"Pwede mo bang siyang layuan?" Tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
"Sino?" Pagtataka ko.
"Si Heng." Sagot niya.
"Bakit?"
"Nagseselos ako." Sagot niya na ikinagulat ko, dahil may bakas ng inis sa kanyang boses."Bakit ka naman magseselos? Unang una sa lahat, mag kaibigan lang kami. Isa pa, wala namang... tayo." Sagot ko, halos pabulong na ang pag kakasabi ko sa huling salita.
"Edi tayo nalang, para may karapatan na akong magselos. Ba't kase ang close niyo masyado, hindi ka naman ganyan sa iba mong kaibigan." Sabi niya, na may halong inis.
"Huh? Ta-tayo? Tayo nalang? Hindi ko-" naputol ako sa pagsasalita ng maramdaman kong may malambot na kung ano ang dumikit sa aking labi.
"Oo, tayo. Tayo nalang kase. Layuan mo na 'yang si Heng. Sinasadya mo bang pagselosin ako?" Sabi niya, at napagtanto kong labi niya ang dumikit sa aking labi... Teka, teka, teka! La-labi! Nag kiss kami! Hinalikan niya ako! Hihimatayin ata ako.
"Hi-hindi pwede Bec, hindi ko siya maaaring layuan."
"At bakit? Mahal mo ba siya?" Tanong niya na, dama kong paiyak na siya.
"Oo, ba't hindi?" Sagot ko, at nakita ko ang gulat sa kanyang muka, galit na galit na ang bebe ko huhu."Huwag kang iiyak please, hindi ko kakayanin." Akmang hahawakan ko na ang kamay nito ngunit inilayo niya ito.
"Oh, edi hindi, ayan na bumalik na luha ko. Hindi na'ko iiyak." Natawa ako sa kaniyang sinabi, kaya tinignan niya ako ng masama.
"Hi-hindi ko siya kayang layuan, Becky. Pinsan ko si Heng, mahal na mahal ko iyon. At nagkakasundo kami sa maraming bagay. Kung ituring nga namin ang isa't isa ay parang tunay na magkapatid. I-isa pa, ligawan mo muna ako no, hindi pwedeng tayo agad at hindi rin kita pinagseselos no. Sino kaba?"
"Girlfriend mo, duh." Ang tangi niyang sinabi sabay taray bago nag walk out. Ay talaga naman, naiinis na'ko sayo Rebecca Patricia Armstrong!
Becky's POV
Nakakahiya, pinsan niya pala 'yon. Napaka tanga, Rebecca! Nag a-assume ka kase 'yan tuloy. Also, sabi niya ligawan ko daw siya muna... Ackkk! May pag asa naman pala ako sa babycakes ko eh.
___________________________________________

BINABASA MO ANG
Undying Love
RomancePOV: Time isn't on your side. "Maybe, just maybe. In another universe, time is on our side." -F "Why does it need to be in another universe? Why can't it be here, in this universe?" -B