3: Gala

19 1 0
                                    

Freen's POV

Sabado na, wala naman akong gagawing school works dahil hindi ko naman pinapatagal pa ang mga iyon. Ayokong ma istress at maghabol ng activities no, ano ako? Aso? Well, if aso ako, at least cute ako hehe.

Madaling araw nung umuwe ako sa bahay, dahil nag sleepover ako kila Heng. Umuwe ako agad kase nalimutan ko yung gamot ko, patay nanaman ako neto kay Mi.

Nag iwan naman ako ng note sa bedside table ng kwarto ko doon sa bahay nila Heng (may sarili pa'kong kwarto, naks naman).

Flashback:

"Opo Tita. Next time pong bisita ko ay kasama ko na si Mi. May pinuntahan po kase siya kanina eh." Sabi ko.
"Aasahan ko 'yan, Freen. Kumain kayo at magpakabusog." Sabi ni Tita, mama ni Heng. Tumango ako at si Heng.

"Thanks." Sabi ko kay Heng ng pagsandukan ako nito ng pagkain.
"No problem."

Fast Forward:

"Naaalala mo paba Kim kung saan kwarto mo dito sa bahay?" Tanong ni Heng. Nagpapahangin kami ngayon dito sa bakuran nila, kakatapos lang namin kumain at nagpapatunaw nalang kami.
"Oo naman, sa kanan, dulong kwarto. Nandoon parin ba yung mini-tent?" Tanong ko, favorite naming pagtambayan ni Heng dati yung tent na'yon. Bahay bahayan ba, ganon.

"Ang alam ko, itinago na ni Mama 'yon sa attic. Hanapin ko ba?"
"Huwag na. Hindi narin naman natin 'yon magagamit, 'di na tayo kakasya doon." Sabi ko at natawa naman siya.

"Sige na Kim, magpahinga kana." Sabi nito sabay gulo sa buhok ko.
"Goodnight, sweet dreams." Dagdag pa niya sabay ngiti.
"Goodnight den, Heng." Sabi ko.

Fast Forward:

Habang nakahiga ako at nagpapaantok ay nag notif yung phone ko.
"Si Mimi nag chat."

(Mimi): DM

Mimi:
Freen, kumain kana ba?

Me:
Opo Mi, sarap nga po ng luto ni Tita. Ginawan niya po ako ng special version niya ng caesar salad.

Mimi:
Mukang madami kang kinain ah? Ang mga gamot mo, nainom mo naba?

Me:
Opo Mi. Dami ko nga pong nakain eh. Nainom ko narin po mga gamot ko, after naming Kumain.

Mimi:
Mabuti naman, sige na, magpahinga kana.
Goodnight, Freen.

Me:
Sige po Mi, goodnight din po.

"Ay lagot, hindi ko nadala yung mga gamot ko." Sabi ko sa aking sarili, nagsinungaling pa ako tuloy kay Mi, sorry Mi labyu.

Umuwe nalang kaya ako? Para makainom ako gamot. Pero kapag naman umuwe ako, malalaman ni Mi na nagsisinungaling ako. I mean, oks lang naman na mapagalitan ako kase kasalanan ko naman. Pero kase, nakakahiya, inayos na nila Tita 'tong kwarto para sa'kin ta's bigla ako uuwe. Aagahan ko nalang ang paguwe bukas.

End Of Flashback:

Pumunta ako sa convenience store para bumili ng pagkain, para makainom na'ko ng gamot.

Pagkatapos ko kumain at uminom ng gamot ay bigla akong nahilo, side effects ito ng gamot na ininom ko. Pagtapos ng ilang sandali ay um-okay naman na kaya humiga ako. Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.

Makalipas ang ilang oras ay nagising na'ko. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Tinignan ko yung orasan sa bedside table ko at 8 a.m. na.
"Kailangan ko nga pala i-open yung shop." Sabi ko sa aking sarili.

Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon