[ Kendrick's POV ]
First Time kong makasagasa .. Halo -halo yung nararamdaman ko ngayon..
May Halong lungkot at Kaba.. Sino ba naman hindi kakabahan?
Halos mamatay-matay na nga ako sa Nerbyos nanlalamig na yung kamay at paa ko ..
Lagot ako pag nalaman to ni Mama.. Dapat siguro mag isip-isip muna ako
Pumunta muna ako sa pinakamalapit na tindahan para bumili ng Kape atsaka bumalik na sa loob ng Ospital
At biglang sumalubong sakin yung Doktor
" Ikaw po ba yung kasama ng Patiente? " Tanong ng doktor sa akin habang dumadasal ako sa isip ko na sana walang masamang nangyari sa babae.
" Bakit po ano pong nangyari? " Tanong ko sa kanya .. JUSKO.. tulungan niyo naman po ako.. mukhang ako ang ma-oospital nito eh kasi mukhang aatakihin ako sa puso.
UMILING-ILING YUNG DOKTOR..
.
.
.
Sa nakikita ko sa teleserye pag umiiling-iling yung Doktor ibig sabihin may masamang nangyari sa patiente or else patay na..
NAMUMUTLA NA AKO..
JUSKO.. T___T
tinanong ko uli yung Doktor at nilakasan ko yung boses ko para pumasok sa dulo ng tenga niya. "ANO PO BANG NANGYARI SA PATIENTE ! ! ! " sumigaw-sigaw na ako.. naku sana walang masamang nangyari..
" Mabuti naman ang lagay ng Patiente. " Kalmadong sabi niya.
" EH BAKIT UMIILING -ILING PA KAYO !! HALOS MA MATAY-MATAY NA AKO DITO SA NERBYOS TAPOS SASABIHIN MO LANG NA MABUTI ANG LAGAY NIYA !!!! " halos sasabog ako sa galit.. napaka abnormal ng Doktor na eto. Nagdududa na ako.. Dokror ba To o Albularyo ??
"Okey na Okey yung Patiente, nagtaka nga kami kung bakit hindi man lang nagtamo ng sugat at bali sa katawan yung patiente at nagulat din kami kung ano yung kumikislap na bagay sa bandang leeg ng patiente.. Sa ngayon inaalam pa namin kung ano yun.. Excuse me"
Kumikislap na bagay? Ano yun?
Christmas lights? siguro nagtangkang magpakamatay yung babae at hindi lubid yung ginamit kundi Christmas lights.. XD ang weird ! Albularyo nga siguro yun hindi yun Doktor.. XD
Pero teka,..Bakit nga ba bigla-biglaan ang pag-alis ng girlfriend ko? At sa San Francisco pa.
Hindi man lang niya sinabi saakin, tapos malalaman ko nalang na aalis sya bukas makalawa?
Halos Two weeks kaming hindi nagkita kasi pinagbabawalan ako ni Mama na umalis ng bahay tapos maski tawag at text man lang na " HI "or " HELLO " wala akong natanggap.
Speaking sa Girlfriend ko..
Bakit parang nakita ko yata siya dito sa ospital.
Anong Ginagawa niya dito? Hindi man lang niya ako napansin, eh dumaan siya sa harapan ko
Sinundan ko siya at tinawag ang pangalan niya.
" Red ! " sigaw ko sa kanya at pag-lingon niya parang gulat na gulat siya, para bang nakita niya si Xian Lim.
" Ah ! Kendrick anong ginagawa mo dito ? " Halos hindi maiguhit yung mukha niya.
" May binisita lang ako." pagkukunwari ko sa kanya kasi pag sinabi ko sa kanya baka sabihin niya sa bruha kong Ina paniguradong grounded na naman ako pag nalaman niya.
" Ah..Kasi ..Ka- - - - -" hindi niya natapos yung sasabihin niya ng may biglang tumawag sa pangalan niya.
" Red ! Honey ! " May lumapit na lalaki sa kanya at parang tuwang tuwa ito. "Anong resulta? Positive ba ? Buntis ka na? Magkaka-baby na tayo? " Sabi nung lalaki at hinawakan niya pa ang tiyan ng girlfriend ko.
Buntis? Honey? Anong nangyari?
" Buntis ? Anong ibig nyong sabihin ? "gulat ko namang tanong sa kanila.
Agad namang nagsalita yung girlfriend ko . " Kendrick let me explain "
" Sige ! i-explain mo lahat kasi wala akong naiintindihan ! " biglang tumaas yung boses ko, wala na akong pake-alam sa mga taong nasa paligid namin.
Agad namang nagsalita yung lalaki na kasama niya. " Honey Sino to ?? ! " tinuro niya pa ako " BAKIT KA NIYA PINAGTATAASAN NG BOSES ?! "
Sinuntok ko yung lalaki at hinatak siya sa kwelyo
" SINO KA BA SA BUHAY BNG GIRLFIREND KO HA? ! SINO !? " nawala na talaga sa isip ko na nasa harapan kami ng maraming tao kahit gabing-gabi na wala akong pake-alam.
tinanggal niya yung pagkakahatak ko sa kwelyo niya " GIRLFRIEND?? SI RED BA ANG SINASABI MONG GIRLFRIEND MO ?? EH IKAKASAL NA KAMI !! "
Inawat naman kami ng GirlFriend ko
" Kendrick ano ba !! tama na !! wag mo na nga kaming guluhin !! HINDI KITA MAHAL !! " parang tagos sa dibdib ko yung sinabi niya.. hindi niya ako mahal??
" AFTER ALL THIS TIME, NANIWALA AKO SA MGA KASINUNGALINGAN MO ! " sigaw ko sa kanya,
Gusto kong ipadama sa kanya ang nararamdaman ko ngayon
Halos lahat ng mga tao at nurses nagtinginan na sa amin at nagbubulungan.
" HINDI KO NAMAN HININGI NA MANIWALA SA SA MGA KASINUNGALINGAN KO ! ! " tinuro niya pa ako at sinampal.
Pero kahit na sinampal niya ako nagpatuloy parin ako sa sasabihin ko at sa gusto kong iparating sa kanya,
" KANINA... HABANG SINASABI MO SAAKIN NA NASA BAHAY KA NG LOLA MO KASI BUKAS MAKALAWA NA YUNG FLIGHT NIYO PATUNGONG SAN FRANCISCO, EH NANDITO KA LANG PALA SA OSPITAL NAGPAPA-CHECK UP KASI BUNTIS KA!! TAMA BA AKO ?! "
"PARA MALIWANAGAN KA ! OO ! BUNTIS AKO ! AT WALA KA NANG PAKE-ALAM DOON ! " sigaw niya at may balak pang suntukin ako ng lalaking kasama niya.. pero pinigilan rin niya, " Aalis na kami " tinuro pa ako nung lalaki atsaka umalis.
Hindi ko alam at naiintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon
pinagtitinginan na ako ng mga tao dito..
Naniwala ako sa kanya...Sa mga KASINUNGALINGAN NIYA
Sa lahat ng sinakripisyo ko sa pagmamahal ko sa kanya, eto lang igaganti niya?
Wala naman akong nagawang masama sa kanya.
Siguro dapat ipagpahinga ko nalang to..
Pumasok ako sa room at nakita ko doon na naka dextrose yung babae na nasagasaan ko at may nakita akong sofa sa tabi nang table at dun ako humiga.
Siguro dapat ko munang ipag-palipas ang mga gabing ito..
***********************************************************
[ The Next Day ]
" AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH ! ! ! ! " bigla nalang akong nagising ng makarinig ako ng sigaw na akala ko alarm clock ..
Lumigon ako sa bandang kaliwa.
GISING NA YUNG BABAENG NASAGASAAN KO.. !!
" Nasaan ako ? " sabi niya
*END OF CHAPTER TWO *
BINABASA MO ANG
My Lovely Fairy™ (KimXi) ►Ongoing◄
Romance"Malabo na siguro na magwi-wish pa ako..Nandito ka na kasi sa tabi ko." Xian to Kim