Chapter Three ~ Ano raw? Isa siyang Engkantada ?

347 16 8
                                    

[ Kendrick's POV ]



 "Nasaan ako? " sabi niya at tumingin-tingin pa siya sa paligid na parang hindi niya talaga alam kung nasaan siya.


Tumayo muna ako sa pagkakahiga ko " Miss wag ka munang gumalaw naka dextrose ka. "  sana magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihing ako ang nakasagasa sa kanya.

" Asan yung PAKPAK ko?  at yung mahiwagang kwintas ! ? Asan ?"

Ano daw ? PAKPAK ? MAHIWAGANG  KWINTAS?

Ang weird ng babaeng to ha.. ano siya Ibon ? o kaya anghel na tinanggalan ng pak pak at inihagis dito sa mundo. XD

umiksena naman ako " Miss, anong pinagsasasabi mo ? "

Sinubukan pa niyang tanggalin yung dextrose niya. " Ui teka, wag mong tanggalin ! "

Naka-drugs ba tong babaeng to ? Ewan ko lang ha.

 "Gutom nako. .. Gusto kung kumain ng MALUNGGAY ! hmmm.. ang sarap nun .. hihihi " ngumiti pa siya at tumawa na parang sanggol at hinawakan ang tiyan niya..

Biglang nagvibrate yung cellphone ko.. May tumatawag sakin..

Hindi ko alam kung sino kasi number lang yung nakalagay... Lumabas ako ng pinto at sinagot yung tawag..

" Hello ? sino to ? " Tanong ko dun sa tumatawag.. alangan naman sabihin ko " Hoi bakit ka tumatawag ?! " XD


" ANAK ! ! JUSKO ! ! ASAN KA BA HA ! ? !"  halos matanggal yung eardrums ko sa lakas ng boses ni Mama dahilan para mailayo ko yung cellphone sa tenga ko..

May bagong Number si Mama..?

" KENDRICK ANAK ! ASAN KA BA ? ! HALOS MAMATAY-MATAY NA' AKO DITO S PAG-AALALA SA'YO ! "



" Ha ?? Hello Ma? Hindi kita marinig bye! " pakunwari ko sa totoo lang rinig na rinig ko yung boses niya..

Ibinaba ko na yung phone..Ang ingay ni Mama.

Siguro normal lang sa isang ina na magalala sa kanyang anak pero parang over naman yata.

Kaya nga madalas akong naglalayas eh.

My Lovely Fairy™ (KimXi) ►Ongoing◄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon