BG XLIII

35 5 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

~ Snow ~

"Tara sa medic station," pag-aya ni Bern sa akin dahil natamaan ako sa braso ng hunter na iyon. Pakiramdam ko ay kumakawala ang kapangyarihan ko mula sa sugat pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Tinalian ko na muna ng puting panyo.

Tumunog ang watch namin at nabasa ang mensahe ni Blue: Security breach. Thunder, telepathy.

"Can you hear me now?" Tugon ng kambal ko sa isip naming mga ranker.

"Yes, lover boy. Basta Thunder, sweet lover," pilyo at mapang-asar na sagot ni Somi na narinig naming lahat. Siraulo.

"Bern, get back to the arena. Please call Silver. He'll help me catch them." Tumango na lamang ito saka umalis.

Sinasabi ko na nga ba. Nag-umpisa na sila. Nakakainis. Ang pangit ng timing. Kung kailan na pumayag na ang Hark Knight na maging apprentice ako ay saka naman nila natapos ang proyekto, kinakailangan kong ipagpatuloy ang imbestigasyon sa kanila.

Mabuti na lang at nakakilos kami agad kanina kaya karamihan ng mga elementian ay nasa loob na ng arena.

"Snow, where the hell are you? Get back here," mariing suway ni Elmira gamit ang shared telepathy ni Thunder. Oh no. I'm sorry. Hindi pa pwede.

Sinundan ko ang bakas ng laban namin kanina nung hunter dahil natapos na nila ang kanilang eksperimento na matagal ko nang pinagmamatiyagan. Hindi lamang mga elementian ang nanganganib ang buhay dahil sa mga panang ito, kundi pati ang mga elemental spirits. Ano bang nasa isip nila at gumawa sila ng ganito? Kalapastangan. Darating ang araw na makakagawa ang mga nilalang na iyon ng paraan upang burahin ang lahi ng mga elementians. Hindi ako papayag.

May mga elementian akong nadadaanan na bulagta na sa daan. Sunod-sunod kong ipini-pin ang kanilang mga location sa watch map at ihinahatid kay Gen ang mga iyon. Ang mga itsura nila, nakanganga at dilat ang mga mata habang may maliliit lamang na sugat ng palaso. Holy freak, no. Mangyayari din ba sa akin iyon?

Masyado na ata akong napalayo dahil dinala ako ng bakas nila sa kagubatan paglabas mo ng side gate.

Clap. Clap. Clap. Nakarindi ang mga palakpak ng lalaking ito. Pulos itim ang kasuotan nito, pati ang buhok at ang mga mata pero halata sa kaniyang enerhiya na isa siyang Ignis. Maya-maya ay dinaluhan na siya ng mga kasamahan niya.

"Magaling binibini."

"Sino ka?"

"Matagal mo na kaming pinag-aaralan, hindi ba? Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa din kami kilala?" Panunuya nito sabay ismid.

Sinubukan kong palabasin ang aking kapangyarihan pero naramdaman ko ang biglaang pagbugso ng lamig sa puso ko. Nagpupumiglas ang kapangyarihan sa aking katawan at para bang unti-unti nitong inaatake ang aking sarili. Nanlamig ako sa sarili kong yelo.

Pinilit ko iyong labanan at nakaya kong palamigin ang paligid ko saka sila inatake gamit ang hawak kong espada. Buti dala ko ito. Sinalubong nung lalaki ang mga atake ko habang sunod-sunod na pumapana ang mga kasamahan niya.

"Aah!" Napakahapdi nang pagtama ng kaniyang espanda sa aking tagiliran. Napakabilis niyang kumilos. Napalibutan ng puting apoy ang yelo ko na unti-unting natutunaw.

Itinaas nito ang kanang kamay at sumenyas sa mga kasamahan na tumigil at lumikas na.

"Hindi kayo makakatakas!" Buong pwersa kong pinalamig ang paligid at pinaralisa ang ilan sa abot ng aking kapangyarihan. "Aah!"

Napahawak ako sa dibdib na lalong tumitindi ang paglamig. Nanginginig ang mga tuhod ko na siyang sinamantala ng lalaki at saka ibinaon ang isa pang pana sa aking binti.

"Masarap bang matikman ang sarili mong yelo, Snow?"

"Hindi kayo magtatagumpay," nanghihina kong tugon habang matalim ang titig sa kaniya at kinakabisado ang hulma ng kaniyang katawan at mukha.

"May lakas ka pang magsalita. Pwes sulitin mo na dahil ito na ang huling araw na magagawa mo iyan." Hinugot nito ang pana mula sa aking mga binti at hindi ko mapigilang dumaing. Ang katawan ko, hindi ko na ito magalaw. Para akong naparalisa at nagyelo sa loob.

"Natutuwa ako sa nakikita ko. Tama iyan. Lumuhod ka. Lumuhod ka sa harap ng iyong pinuno sa mga susunod na taon!" Sigaw nito bago nakakakilabot na humalakhak.

Maginaw. Ginaw na ginaw na ako.

"Pinuno, nakuha na po lahat ng kagamitan," sabi ng kasamahan nito na hawak-hawak ang mga palaso na iba-iba na ang kulay. Sana mali ang hinala ko na iyon ang bago nilang kagamitan sa pangongolekta ng elemental spirits.

"Akin na ang isa," mabilis na utos nito saka hinablot ang pulang palaso. No. Opposite element ko iyan. Mamamatay ako kung hindi ko makakayanang dalhin ang magkaibang elemento sa katawan.

Buong buhay ko ay hindi ko nadama ang ganitong kawalan ng pag-asa. Pinapanood ko lamang ang mga pangyayari. Hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Hinawakan niya ang panga ko pero para itong napaso kaya binitawan niya din agad. Malalim na lang nitong ibinaon ang pulang pana sa aking balikat.

Nagitla ako nang maramdaman ang mainit na sensasyon na dumaloy sa buo kong katawan.

"Ganiyan nga Snow. Matakot ka para sa buhay mo. Pero mas gugustuhin kong mabuhay ka sa takot." Nais kong lumuha ngunit pati ang mga ito ay pumopormang yelo na bumabalot sa aking mga mata dahilan ng panlalabo ng aking paningin.

"Tama na ang laro Han."

"Nagdedesisyon pa ako dito kung bubuhayin ko pa ang batang ito."

"Nakita na natin kung ano ang kayang gawin ng ating mga sandata, iwan mo na ang batang iyan."

"Masyado kang nagmamadali."

Tanging paghinga ko na lamang ang nararamdaman ko at ang takot ko na hindi na maramdaman pa iyon. Unti-unting nawawala ang ginaw at pumapaibabaw ang sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko lalo na sa dibdib. Nahihirapan na akong huminga at sa pagkakataong ito ay nalalasahan ko na ang dugo. Ang puso ko, parang sinusunog ang puso ko.

"Nakita mo ang epekto Sel?"

"Tayo na. Bago ko pa ialay ang buhay mo sa mga manika ko."

"Shh," sinutsutan nito ang babaeng kasamahan saka ako pinantayan ng tingin. "May kakambal ka hindi ba? Parehas tayo," nagawa niya pang magkwento. Freak. "Tignan natin kung malakas ang pandama ng kambal mo at mahanap ka pa dito. Sana buhay ka pa, sayang naman kung maaga kang mamamatay at mababawasan ang malalakas na nilalang na pwede naming pag-eksperimentuhan," nanunuyang bigkas nito saka nakakakilabot na humalakhak.

Titiyakin ko. Titiyakin kong isang pagkakamali na hinayaan niyo pa akong mabuhay. Sana'y marinig niyo ito Kromelian gods. Bigyan niyo ako ng lakas. Bigyan niyo pa ako ng kaunting lakas upang balikan ang mga gumawa sa akin nito at protektahan ang mga nilalang niyo.

"Snow, nag-uumpisa pa lang kami."

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now