Naging maayos naman ang mga sumunod na araw. Palagi na kaming magkachat ni JC at kung free time nila ay pumupunta siya dito sa amin. Hindi na nagtanong ang tita ko, alam ko naming hindi rin siya basta-basta magsasabi kay Daddy. Pero hindi pa rin ako nakatakas kay Alexa.
"Akala mo, nakalimot na ako? So, di ka na sadgirl?" Tawang-tawa si Alexa sa sarili niyang tanong.
"Ganun ba ka-obvious?" Balik na tanong ko sa kanya. "Mag-empake ka na nga." Dagdag ko.
"Nag-usap lang ba talaga kayo ni Josh?" Binigyan niya ako nang sarkastikong ngiti.
"Ano bang iniisip mo?" Tanong ko sa kanya.
"Binigyan ko na nga kayo ng oras para sa isa't-isa pero bakit parang sinayang mo. Mas maganda ba kung kina Josh na lang? Girl, I already want a niece or nephew." Ibinato ko sa kanya ang hawak kong pocket notebook.
"Nag-usap lang kami. Yung utak mo talaga. Baka nahawa ka na sa Philip na yan."
"Diyan ka nagkakamali. Ako kaya nagtuturo sa kanya kung anong pwesto ang maganda, ako nga namimilit e." Saad niya. Babatukan ko na sana siya nang bigla siyang tumakbo papunta sa kwarto niya. "Makapag-empake na nga lang." Bulalas niya.
Hindi naman ako naiinis sa mga lumalabas sa bunganga niya, nabibigla lang talaga ako. Pero okay na rin sa akin yun dahil alam kong gusto lang niyang maging open kami sa isa't-isa. Kung siguro nakilala ko na si Shann Cae, my halfsister, baka sana close na kami ngayon. Hindi pa kase ulit kami nag-uusap ni daddy. Ang huli lang naming pag-uusap ay yung pag-amin niya sa akin na ayun nga, may kapatid ako. Bata pa lamang ako ay namatay na si mommy at hindi nagtagal nakahanap noon si daddy ng ibang mapapangasawa at nagbunga ang pagmamahalan nilang dalawa. Iyon din ang dahilan kaya limaki ako kay Tita Rona, Alexa's adoptive mother.
Mamayang gabi nga pala ang luwas nina Alexa at Philip pa-Ilocos. Sana naman mag-enjoy sila. Buti na lang din sigurado akong hindi pa nila ako bibigyan ng pamangkin. Pwedeng ako muna? Pero, siguro when the time is right.
Ilang araw na lang ay babalik na ako sa US, si daddy nga wala pang update kung aabutan ko pa pagbakasyon niya dito o hindi na. Hindi ko kase pwedeng ipostpone ang uwi ko. Ayokong mawalan ng tiwala ang boss ko sa akin. At isa pa, promoted na ako. Ginawa pang paid leave ang bakasyon ko, tho hindi ko naman kailangan ay yun naman ang nakasanayan doon.
Maglilista sana ako nang mga pwedeng ipasalubong as mga kawork ko pero bakit puro pagkain ang nasa isip ko? So puro pagkain na lang din ba ang iuuwi ko doon?
What if? "Alexa? Can I come in?" Tanong ko habang nasa harap ako ng pintuan ng kwarto niya.
BINABASA MO ANG
TRAPPED UNDER YOUR SPELL | SB19 FANFIC (JOSH)
Fanfiction"If only I had the chance before to prove them how much I love you, hindi sana tayo naghiwalay. But I am telling you the truth, I'm trapped. I'm trapped under your spell. That whatever I do and wherever I go, I always think na ikaw ang kasama ko. So...