Pagkatapos naming mag-usap ni Shanaia ay nakipag-skype ako kay daddy. Ipinaalala ko sa kanya ang plano ko. Sa isang buwan pa naman iyon pero lagi kong sinasabihan si daddy.
“Ate Les, labas tayo bukas.”
“Na naman Alexa?” Reklamo ko.
“Bakit ba palagi kang nagrereklamo kapag ako ang nagyaya sa’yo?” Nagdabog siya palabas ng kwarto ko.
Minsan natatawa ako dahil walang pinagkaiba si Alexa sa akin. Sinundan ko siya sa kwarto niya.
“Oo na. Pero saglit lang tayo sa labas bukas.”
Ngumiti ito at tumango.
Kinaumagahan…
“Ihanap mo nga ako ng magandang outfit ate. Diyan ka magaling e. From head to toe, please!” Pakiusap niya sa akin.
Pumili ako ng plain cropped top na kulay light gray. Naghanap rin ako ng tattered skinny jeans at high-heeled na boots. May party kase siyang pupuntahan sa susunod na gabi kaya nagpatulong sa akin. Hindi naman ako mahilig sa fashion pero bahala na si batman.
May napansin akong magandang kwintas, kinuha ko ito at tinignang mabuti ngunit biglang inagaw ng isang babae.
“This necklace suits me.” Sambit pa niya.
“Miss, mas una ko po yang nakita, may pagbibigyan kase ako.” Mahinahon kong sabi sa kanya.
“I do not care about you. Gusto ko itong kwintas at bibilhin ko ito.” Sagot niya sa akin.
Tinanong ko yung nagbabantay sa shop kung meron pa bang ganung kwintas pero ang sabi ay nag-iisa lang iyon.
Tumingin na lang ako ng iba pa baka sakaling may magustuhan ako pero wala na. Yun lang talaga ang nakakuha ng atensyon ko.
Bumalik ako sa counter at nagtanong ulit.
“Miss, kapag ba magpapagawa ako ng ganung design, ilang araw ang aabutin para matapos?” Seryoso kong tanong.
“Aabutin po ng isang buwan ma’am dahil galing pa po yan sa Italy. Pero kase ma’am baka mahirapan po kaming makaorder ng ganyan within a month dahil kakadating lang ng stocks namin last week.”
“Miss, I’ll pay for this.” Sabi nung babai kanina.
“Okay ma’am. It’s P28,000 ma’am.” Sabi nung cashier.
Nag-abot ng credit card ang babai.
“I’m sorry but we only accept cash ma’am.”
“Drea!” Malakas na sigaw. “Bakit nasa’yo na naman ang card ko?”
Natulala ako dahil si Josh pala.
“Babe, I like this one. P28,000 daw. Do you have cash? Hindi sila nag-aaccept ng card.” Reklamo niya.
“Saan naman ako kukuha ng ganyang kalaking pera? Magtino ka nga Drea.” Galit na sambit ni Josh at inagaw niya ang card niya.
“Miss, I’ll get that one.” Sabi ko.
Buti na lang at wala pa lang dalang cash ang babaeng iyon. Nilabas ko kaagad ang pera ko at nagbayad.
“Les, ikaw pala yan.” Sabi ni Josh at ngumiti.
“Oo. Nakipag-agawan kase siya sa necklace kanina kaya hindi ako makaalis-alis.”
“What? Kilala mo babe?” Gulat yung Drea daw.
“I’m so sorry about that Les, I’ll talk to her.” Sabi ni Josh sa akin. Tumango lang ako.
Kinaladkad niya palabas yung babae
“Huwag na huwag mo akong matatawag na babe dahil walang tayo. Hanggang kailan mo ba yan ipapasok sa kokote mo?” Sigaw ni Josh sa kanya.
“Di’ba tayo na? Di’ba mahal mo rin ako?” Naiiyak na tanong ng babae.
“Kapatid lang ang turing ko sa’yo at hanggang dun lang yun.” Sigaw niya ulit.
Nakalayo ako hanggang sa hindi ko na marinig ang usapan nila."Ate Les, tapos ka na? Kanina pa kita hinahanap, dito lang pala kita makikita." Si Alexa lang pala.
"Okay na, nakabili na ako. Uwi na tayo." Sabi ko
"Ayos ka lang?" Tanong niya.
"Oo, bakit mo naman natanong?"
"Nakasalubong ko si Kuya Josh kanina na may kasamang babae. Baka kase affected ka." Dere-deretso niyang sambit.
Hindi na lang ako sumagot.
BINABASA MO ANG
TRAPPED UNDER YOUR SPELL | SB19 FANFIC (JOSH)
Fanfiction"If only I had the chance before to prove them how much I love you, hindi sana tayo naghiwalay. But I am telling you the truth, I'm trapped. I'm trapped under your spell. That whatever I do and wherever I go, I always think na ikaw ang kasama ko. So...