Trapped 7...

310 15 11
                                    


Sinundan ko papuntang kusina si Alexa habang nagdadabog.

“Ano sasabihin mo ba?” Tanong ko sa kanya.

“Oo na. Dito na nga tayo sa kusina para malapit lang ang mga inumin. Baka matuyo lalamunan ko sa pagkwento sa’yo. Ready ka na ba?” Seryoso niyang sambit.

Tumango lang ako.

“Itong mga sasabihin ko ay base lamang sa mga nakita at narinig ko. I don’t know the whole story but, I’ll try to make you understand those parts na wala kang kaalam-alam. Okay ba tayo dun?” Tanong niya sakin at tsaka kumuha ng isang lata ng cola.


“Oo na.” Sagot ko.

“Noong finafinalized na ni mommy yung pag-ampon niya sa’kin, may time na naglunch kami with your dad. Pinag-uusapan nila yung pagpunta mo sa Cali, hindi mo pa ako kilala noon pero napapansin na kita lagi na kasama si mommy noon sa mga dance contest na yan. So ayun nga, nabanggit ni tito si Josh. Hinding-hindi ako magkakamali sa pagkakadinig ko kase whole name yung sinabi e, Josh Cullen Santos, ganun.”

“Oh tapos?” Tanong ko.

“Teka lang. Huminga lang ako e. Hindi naman nag-stop. So yun nga, kilala naman ne’tong si mommy si Josh kase nga daw nagtetrain na siya noon sa company nila. Hindi mo alam yun, di’ba?”

“Hindi ko nga alam yun. Hindi sinabi ni JC sakin e. Tsaka di ko napansin kase lagi naman siyang may time sa akin.” Tugon ko. Pati ako’y napainom na.

“Sabi ko na e. Yun na nga, biglang sambit ni tito na kailangan daw nilang mag-usap ni Josh. Seryosong-seryoso si tito noon. Pumayag naman si mommy na makapunta si tito sa company by schedule and saglit lang sila pwede mag-usap. Ako naman si tsismosa, araw-araw na ako sumasama kay mommy sa company noon pero lobby area lang ako kase walang binabanggit si mommy kung kailan pwede pumunta si tito. Tapos isang araw, tinext ako ng friend ko na nasa mall daw sila. Dahil malapit lang naman, tinext ko sila na makikipagkita ako sa kanila, pero bigla kong nakita na lumabas sa elevator sina mommy at Josh. ‘Is this the day?’ napaganun ako. Nagkunwari akong di ko sila napansin until mommy called my attention….


“Alexa! Alexa, uuwi ka na ba?” Tanong ni mommy.

“No mom, bili lang sana ako ng kape sa labas.” Sagot ko.

“Join us. Hintayin lang natin tito mo. We’ll have coffee with Josh. Anyway, Josh this is my adopted daughter, Alexa. Alexa, this is Josh, trainee namin.” Pinakilala kami ni mommy sa isat-isa.

“Nice to meet you!” Sambit ko at nakipagshakehands sa kanya. Ngumiti lang siya at hindi nagsalita. Pero ramdam ko iyong panlalamig ng kamay niya.

“Okay ka lang?” Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya. “Takot ka ba kay tito? Sa daddy ni Celestial?”

“Hindi naman sa ganun. Takot ako para sa amin ni Les.” Sagot niya na hindi mapakali.

“Alam na ba ‘to ni Celestial?” Tanong ko ulit.

“Wala siyang alam dito. At hindi niya alam na nagtetrain ako dito. Pero please lang, sana huwag makarating sa kanya ito.” Pakiusap niya.

“Ang pakikipag-usap ni tito sa’yo mamaya?”

Ang pagiging trainee ko dahil baka siya yung magpilit sakin na magpahinga na lang ako kapag may pagkakataon na magkita kami. Ayoko yung ganun kase sa kanya lang ako kumukuha ng lakas para maabot ang pangarap ko.”

TRAPPED UNDER YOUR SPELL | SB19 FANFIC (JOSH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon