Chapter 2

2 0 0
                                    

"Fvck! Ano ba kasing pangalan non sa facebook? I can't even stalk him!" naiinis na turan ko sa sarili.

Titig na titig ako sa aking selpon habang nakatingin sa listahan ng mga friends ni Steven sa socials niya. Noong isang araw ko pang inaalam ang pangalan ni Mateo sa social media ngunit wala akong mahagilap na kahit ano. Kung saan saang account na nga ako naka-dayo e!

"Anong ginagawa mo, Luna? Problemado ka yata?" tanong sa akin ni Cat nang makita ang frustrated kong pagbato ng aking unan sa may paanan ng aking kama.

"Naalala mo pa ba iyong mga taekwondo players na napag-tanongan natin noon?"

"Iyong tatlong lalaki? Bakit?" she asked not showing any interest in her voice.

Huminga ako ng malalim bago tumagilid ng higa. "May isa sa kanila na gusto kong i-add sa socials. But i don't even know his full name!"

"Oh? Akala ko ba walang gwapo sa kanila? Now, you're showing interest to one of them?" hindi makapaniwalang tanong ni Cat. Mula sa aking kama ay nakikita ko ang kaniyang pag-ngisi habang naglalagay ng eyeliner.

Gosh! Tinatamad pa naman akong mag-training ngayon. At last week pa ang huling training ko!

Sinilip ko si Cat para sana magtanong ulit. Kita kong inaayos niya ang kaniyang buhok sa kaniyang kama. I can't help but notice the similarities of our hair. Her thin waves fits perfectly with her round face. Hindi ko lang mapigilang punahin ang pagka-dry non. Mean while, my waves are thicker than hers. Mas define lang ang pag-ka-alon ng aking buhok na sumasayaw sa hangin tuwing nakalugay. Just like how the waves in the ocean dance with a rhythm.

Napa-titig na lamang ako sa kisame. Miyerkules ngayon at wala na akong schedule ng hapon. Ala una palang at hindi pa ako kumakain ng tanghalian.

I am so occupied with finding a guy whom i only met a week and a few days ago! Tho, alam kong makakalimutan ko rin naman sya kapag nakita ko ulit si Almiro.

"Mauuna na ako, Luna, tutal ay wala ka naman ng klase. Goodluck na lang sa pag-hahanap sa bagong lalaki na pinag-kakainteresan mo," tumayo na si Cat mula sa kaniyang kama habang isinusukbit ang bag.

Naka-suot siya ng fitted pants at puting pulo. Na-braid na din pala niya ang kaniyang buhok.

"Any advice to me?" tanong ko pa.

Lumingon siya sa akin nang nasa pinto na. "Sana huwag kang mabaliw kaka-isip sa lalaki. Mag-training ka na lang kaya?" she suggested before finally leaving.

Hindi iyon ang advice na gusto kong marinig. That was not even an advice!

Gosh! Nakaka-frustrate talaga. Bakit ba ang hirap hanapin ng socials ng Mateo na 'yon. Sa gwapo niyang iyon ay impossibleng hindi siya famous. Nakakahiya naman kasing mag-tanong kila Steven. Baka mamaya ay ma-creep out pa sila sa akin. Hel! Baka maging talk of the team pa ako.

It took me 3 hours to finally decide on what to do. Paulit-ulit ko pang tinatanong ang aking sarili sa aking isipan kung mag-t-training ba o hindi. Kaya kahit tinatamad bumangon sa aking kama ay nag-palit na ako sa jogging pants at maluwang na black t-shirt. Nag-suot na rin ako ng tsinelas at dumiretso upang maghugas ng paa.

Pagkadating ko sa gym ay kompleto na sila. May ilang mga mukha na bago sa aking paningin. May isang lalaking ngayon ko pa lamang nakita at may mga babaeng ngayon ko lang din nakita. But seeing how these guys interact with each other. Mukhang matagal na silang mag-kakasama.

Lumapit si Ate Mia sa akin na naka-ngiti matapos makipag-tawanan sa lalaking ngayon ko lang nakita.

"Buti naman naisipan mong mag-training ngayon," ani ni Mia.

Game of HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon