SIX

1.8K 24 12
                                        

JHOANNA'S POV.

1 Month later:

Simula nung nagka aminan kami ni ate colet. Medyo umiwas ako sa kanya. Nakipagchange ako ng room kay Sheena. Ang ka roommate ko ngayon si staku na, since close naman kami at Si Sheena at ate colet na ang roommate. Di ako nagka pagpaalam kay ate colet nun kasi umuwi siya saglit sa province nila at pagbalik niya si Sheena na ang nandun sa room.. Di ko alam anong reaction niya about dun kasi hindi na talaga kami nakapag usap na kami lang dalawa..

Sa totoo lang gusto ko naman talaga siya pero wala sa plan ko na aminin yun sa kanya. Nadala lang ako sa alak nung gabing yun. Gusto kona sanang mag move-on at mag focus nalang kay JL para mabalik yung feelings ko sa kanya pero nung nakita kung nag date sina ate colet at ate maloi, nasaktan parin ako kaya naglasing ako. Di ko naman akalain na hahantong sa aminan...

Ang totoong dahilan kung bakit gusto kung mawala yung feelings ko kay ate colet dahil sa parents ko, alam kung against sila sa same sex relationship. Only child ako at gusto nilang magka pamilya ako. Kaya nung nalaman nila na boyfriend ko si JL sobrang tuwa nila... Wala akung planung aminin yung feelings ko kay ate colet kasi alam kung sa huli masasaktan ko lang siya...

Ayokong ma disappoint ang parents ko sakin. Kaya umiwas na ako sa kanya at mag focus nalang kay JL.... Kasi gustong gusto ng parents ko na si JL ang makatuluyan ko....

At sa bawat araw na lumipas ay unti unti naring bumalik yung feelings ko kay JL pero mas matimbang parin si ate colet.... Ngunit di ko siya pwedeng piliin....


____________________________________

COLET'S POV

Buwan na ang lumipas simula nung aminin ko sa kanya yung nararamdaman ko... Akala ko pagkatapos ng gabing yun ay mas maging close pa kami pero mali ako.... Simula nun umiwas na siya sakin at hindi manlang sinabi kung anong rason... Okay kami nung nagka aminan kami eh. Okay kami nung gabing yun... Pero bigla nalang siyang nagbago at umiwas! Ilang beses kung triny siyang kausapin pero umiiwas talaga siya. Kahit yung mga chat ko sa kanya di niya binasa.... Di na nga kami magka roommate at di man lang niya sinabi kung anong rason bakit nakipagpalit siya kay Sheena...

🐼: Lalim ng iniisip mo ah!

(Nasa labas ako ng bini house ngayon may upuan kasi dito kaya dito muna ako nagpahangin at nakatulala ) Tinignan ko si maloi

🐺: Kanina kapa diyan? Sorry diko napansin.

(Di siya sumagot at nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko)

🐺: May problema ba?

🐼: Wala naman.

🐺: Okay

(Ilang minuto ng katahimikan nagsalita ulit siya)

🐼: Siya na naman ba iniisip mo?

🐺: Sino?

🐼: Si jho!

🐺: Wag na natin siyang pag usapan. Okay?

Maya² may huminto na kotse at alam kung si JL yun. Lumabas si Jhoanna sa kotse at may dalang flowers bigay ata ni JL. Tapos napatingin siya samin ni maloi kaya ako na ang umiwas ng tingin. Ayokong masaktan na naman dahil sa sweetness nila pero kahit di ako nakatingin dinig ko padin yung boses nila (kainis naman to, sana bingi nalang ako)

🐥: Salamat sa paghatid babe. Ingat sa pag uwi.

JL: Okay babe. Iloveyou!

🐥: Iloveyou too!
(Di naman masakit jho parang kagat lang ng dinosaur 🦖)

Tapos umandar na yung car papalayo.... Pumasok na din si Jho sa bahay...

🐼: Okay ka lang?

🐺: Oo naman

MAHAL KO O MAHAL AKO? Where stories live. Discover now