EIGHT

1.6K 31 4
                                        

COLET'S POV:

Kinabukasan: Pag gising ko tanghali na! Lumabas agad ako ng kwarto kasi nagugutom ako! Nakita ko Jhoanna nakaupo sa sofa at nakatingin siya sakin parang may gusto siyang sabihin pero di ko siya pinansin at pumunta ako sa kusina. Nandun si Maloi

🐺: Good morning!

🐼: Oo buti naman at gising kana! Hays masakit pa ba ulo mo?

🐺: Medyo!

🐼: Pinagluto kita ng sabaw. Kasi hang over kana naman!

🐺: Thank you!

(umupo na ako)

🐺: Tapos kana kumain?

🐼: Dipa, as usual hinihintay kita!

(Ngumiti ako)

🐺: Kain na tayo. Gutom na ako eh!

Pagkatapos naming kumain ay nag offer ako kay maloi na ako na maghuhugas ng plato dahil naawa ako sa kanya, siya pa nagluto at siya pa maghuhugas ng kinainan namin.

🐼: Buti naman at naisipan mong maghugas ngayon?

🐺: Oo kaya sulitin mo na, kasi ngayon lang to! Bukas ayoko na maghugas!

Kinurot niya pisngi ko at pumunta na siya ng sala

Habang nanghuhugas ako may biglang nagsalita sa likod ko

🐥: I'm sorry 🥺

Di ko siya pinansin at nag continue lang akong maghugas na parang walang narinig. Tapos bigla niya akong niyakap sa likod! Kaya nag react ako!

🐺: Ano ba Jhoanna!! Kita mo naghuhugas ako!!
(Medyo galit yung boses ko)

🐥: Sorry na please 🥺

🐺: Kalimutan mo na yun Jhoanna!! No need na tayo mag explain sa isa't isa!!

Di siya sumagot at hinigpitan pa ang pag yakap sakin kaya nag force ako na kunin yung kamay niya na nakayakap sakin! At nung nakawala na ako sa yakap niya ay hinarap ko siya!

🐺: Nakakahiya ka! Baka makita tayo ng ibang girls at ano pa isipin nila! We're just friends Jhoanna!! Ikaw na nagsabi niyan diba?! Kaya wag kang umasta na may something between us!!

Nakayuko lang siya at di umimik

🐺: Dinistorbo mo ako! Ikaw na maghugas diyan!

Tapos nag walk out ako at pumasok ng kwarto, buti nalang wala si sheena dito kaya humiga ako sa kama!

🐺: Di na ako madadala sa mga mixed signals mo Jhoanna!

Tapos diko namalayan naiyak na naman pala ako 😥

🐺: Heart please kalimutan mo naaaa si Jhoannaaaaa! Masakit naaaa masyado😓 Brain gumana ka, wag ka papatalo sa heart mo!

Tapos may biglang kumatok kaya pinunasan ko ang luha ko at binuksan ang pinto!

🐰: Anyari bat si Jhoanna na naghugas dun? Sabi ni ate maloi ikaw daw naghugas ng plato.. Inaway mo ba si Jho? Ba't umiiyak yun habang naghuhugas?

🐺: Di ko naman inaway yun.

🐰: Weh? Nag away kayo no? Halata naman.

🐺: Di nga kami nag away!

🐰: Segi nga! Kung di kayo nag away puntahan mo nga siya dun.

(Hays nakakainis naman tung si Sheena)

🐺: Inaantok ako. Maya ko nalang siya puntahan pag gising ko.

🐰: Hala grabi ka naman.. Tanghali kana nga nagising tapos inaantok ka pa?

🐺: Hays

(Tumawa siya)

🐰: Halatang nag away kayo ni Jho kasi ayaw mong puntahan. Hoy te colet kawawa naman si Jho dun umiiyak habang naghuhugas. As in umiiyak talaga siya!

(Di ako umimik)

🐰: Ano bang pinag awayan niyo? Malala ba? Kasi umiyak talaga si Jho eh. Minsan ko lang yan nakikitang umiiyak.

🐺: Di naman malala!

🐰: Hays ayusin niyo na yan. Naawa ako kay jho te colet! Masiyahin yan eh tapos ngayon nakita kung umiiyak.

🐺: Sakin di ka naawa?

🐰: Sabihin mo muna ang pinag awayan niyo para malaman ko kung sino mas kawawa sa inyu.

🐺: Mahabang kwento Shee! Basta nagkasakitan kami for short!

🐰: Okay! Pero sana maayus niyo yan. Ang close niyo dati tas mag aaway lang kayo.

Di na ako sumagot ang nilagyan ko ng kumot ang mukha ko kasi maiiyak talaga ako sa harapan ni sheena ngayon at ayokong makita niya akung umiiyak.

(Maya² ay umalis na si sheena baka akala niya nakatulog ako)
Tapos tumulo na naman ang luha ko dahil pinaiyak ko si Jho ngayon l huhu yun pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat yung umiyak siya pero anong magagawa ko eh dahil sakin kaya siya umiyak  kaya hindi ko siya madadamayan kasi ako ang dahilan ng pag iyak niya🥺 Ang hirap naman nito gusto ko na talagang kalimutan siya pero paano? Huhu Affected parin ako lalo na ngayon na umiiyak siya 😞

_________

Pumunta ako ng studio ngayon kahit wala naman kaming training kasi gusto kung maka usap yung coach namin.

Coach: Oh ba't nandito ka Colet? Wala naman kayong training ngayon.

🐺: Coach hihingi sana ako ng favor.

Coach: Ano yun?

🐺: Pwede po bang kami nalang ni Sheena ang mag partner sa pag promote?

Coach: Hah? Bakit? May problema kayo ni Jhoanna?

🐺: Ah w-wala naman coach, gusto ko lang maka partner si Sheena k-kasi mas close kami.

Coach: What? Diba mas close kayo ni Jhoanna kasi dati kayo yung laging magkasama?

🐺: Ay di po coach, mas close ko po talaga si Shee. Hihi actually gusto ko ho siyang maka partner para ma promote namin ng maayos ang BINI dahil close kami.

Coach: Oh segi kung yan ang gusto mo pero alam na ba to ni Jho?

🐺: Ahm gusto niya rin pong maka partner si staku, kaya no problem na po.

Coach: okay basta maayus niyo lang ang pag promote walang problema.

🐺: Salamat coach

Pagkatapos naming mag usap ni coach ay bumalik na ako sa bini house. Pagbukas ko ng pinto si Jho agad nakita ko, nakatulala at namumugtong pa ang mga mata.

Di ko siya pinansin at dumiretso ako ng kwarto at nandun si Sheena.

🐰: San ka galing?

🐺: Sa studio

🐰: Bakit? May problema ba?

🐺: Wala naman. Hmmm pero naki usap ako kay coach na tayo ang mag partner sa pag promote ng BINI

(Nagulat siya sa narinig niya)

🐰: Ano? Bakit?

🐺: Trip ko lang

🐰: Hays kasi nag away kayo ni Jho? Yun ba ang dahilan?

(Di ako sumagot)

🐰: Ayusin niyo na kasi yan te colet.

🐺: Hayssss

🐰: Ano ba kasing pinag awayan niyo? Sobrang lala ba?

🐺: Hindi naman

🐰: About sa personal life ba?

(Tumango ako)

🐰: Okay di ko na tatanongin kung ano yun pero sana maayus niyo yan. Ang awkward kasi dahil magka group tayo at nasa iisang bahay lang.

🐺: Don't worry, maayus namin to!

🐰: Sana









MAHAL KO O MAHAL AKO? Where stories live. Discover now