COLET'S POV:
Dahil sa nakita ko napaisip ako tuloy ako... What's happening? Ba't bigla nalang silang naging sweet? Kagabi lang nagalit si maloi at naglock ng kwarto tapos ngayon ganito na? Hays baka hindi lang talaga ako sanay na sweet siya sa iba...
Pagdating namin sa BINI house ay bumaba agad kami ng taxi at nakaholding hands parin si Mikha at Maloi, nauna sila samin ni Shee...
Nilapitan ko si Sheena at binulongan
🐺: Napansin mo ba?
🐰: Ang alin?
🐺: Yang dalawa, parang iba yung kilos nila ngayon
🐰: Hmm parang di naman
🐺: Tignan mo , nakaholding hands nga yan!
🐰: Nagseselos ka no?
(Napangiti ako sa sinabi ni Sheena)
🐺: Hindi ah! I find it cute nga eh.. Parang bagay sila!
🐰: Oo nga no?
Sa totoo lang na we-weirdo'han ako sa kilos nila pero hindi naman ata ako nagseselos, naninibago lang ako.. Kung si Jho siguro yung nag ganyan² parang tataas yung BP ko bigla eme hihi
Nung nakapasok na kami ng bini house ay tinutukso sina Mikha at Maloi ng ibang girls kasi nga nakaholding hands sila kaya dali² na binitawan ni maloi ang kamay ni mikha at tumingin sakin. Ngumiti ako sa kanya habang yung ibang girls tinutukso parin sila kaya di na kinaya ni Maloi ang tuksohan at pumasok na ito sa kwarto... Ngayon si Mikhs naman inaasar nila
😺: Eyy ano yun Mikhs? Ba't maypa holding hands kayo?
🦊: Tss bakit? Bawal ba kaming mag holding hands?
😺: Hindi naman pero di naman kayo ganyan dati ah!
🦊: Ganyan na kami dati pa, di niyo lang napansin
🐰: May iba talaga ngayon Mikhs eh. Napansin nga yun ni ate Colet
Tumingin sakin si Mikha at ngumiti
🦊: Talaga napansin mo yun?
🐺: Oo nung nasa taxi tayo.
🦊: So effective pala!
(Mahina niyang sabi parang ako lang ata nakararinig nun kasi magkatabi kami)
🐺: Ang alin?
(Napakamot ito sa noo)
🦊: Ah wala , nevermind nalang!
Pagkatapos nun pumasok narin siya sa kwarto.. Hays ang weird talaga nilang dalawa ngayon! Pumasok rin ako ng kwarto para magbihis pagkatapos nun bumalik ulit ako sa sala... Napansin kong wala pala si Jho dito
🐺: Staks nasan si Jho?
😺: Natutulog ata! Kanina pa yun dumating eh, hinanap nga kayo nun kanina!
Tumango lang ako at kinuha ko yung phone ko.. chinat ko si Jho kahit nasa kwarto lang naman siya hays parang tanga lang!
Chat:
🐺: Pssst. Hi Jho! Nandito na kami! Hinanap mo raw ako kanina sabi ni Staku?
( Nagreply agad siya, so dipa pala tulog? )
🐥: Ang feeling!
🐺: Punta ako diyan, okay lang?
🐥: Wag! Aasarin na naman tayo ni Staku..
🐺: Hays bahala ka diyan! Goodnight Jho.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila kaya napatingin ako dun at ngumiti.. Hays ang ganda niya talaga kahit magulo ang buhok..
Sa isip ko "may boyfriend na yan Colet kainis ka!"
Tumabi sakin si Jho
🐺: Hmm musta yung dinner niyo together with your pogi na boyfriend?
🐥: Okay lang. Bat mo naman natanong?
🐺: Wala lang. Hmm Mamamanhikan na ba siya?
(Tinignan niya ako ng masama)
🐺: Bakit may nasabi ba akong mali?
🐥: Iwan ko sayo!
(Tatayo na sana ito pero pinigilan ko)
🐺: Alam mo ang sungit mo ngayon! Umupo ka nga ulit dito!
(Umupo siya ulit at tumingin sakin)
🐥: Tss ang saya mo kanina no? Nakita ko sa picture na inupload ni Shee.. Hays ang saya mo pala pag wala ako?
(Inakbayan ko siya at pinisil ang pisngi niya)
🐺: Sus alam mo, mas masaya kaya ako pag kasama kita!
(Hinampas niya ang kamay ko pero alam kong deep inside kinilig yan hays)
Sa isip ko na naman " pero may boyfriend siya Colet! Wag kang ano diyan! Kahit may gusto siya sayo wala parin kayong label.. "
(Hays kainis naman tung mind ko bigla² nalang sumasabat)
Maya² biglang lumapit si Staku samin at nakangiti
😺: What is the meaning of this? Parang ang sweet niyo tignan diyan hmm
Hays ganito ba naman kami ka close na nag uusap ni Jho kaya napa react si staku nung makita kami
.
.
.
(Kaya inayos namin ang upo namin)🐥: Ikaw talaga Staku kung ano² napapansin mo!
😺: Hays te Colet nagalit ata si Jho kasi na interrupt yung moment niyo...
🐥: Hoy wag kang ganyan. Ikaw napaka chismosa mo talaga!
😺: Sorry Jho at na interrupt ko kayo...
(Tumawa ito at umalis na)
🐥: Hays! Kainis talaga tung si Staku!
🐺: Baka alam niya rin na gusto mo ako!
(Tinignan niya ako ng masama)
🐥: Alam mo ang feeling mo!
🐺: Bakit? Sabi kaya ni Mikhs gusto mo rin ako , but i know my limitations kasi may boyfriend ka! Alam kong magkaibigan lang talaga tayo at dina lalampas pa dun!
(Napabuntong hininga si Jho pagkatapos tumayo siya, pinigilan ko siya pero tinaboy niya lang ang kamay ko at pumasok na siya ng kwarto)
🐺: Ano na naman bang problema nun? Hay nako, grabi ang mood swings ni Jho!
YOU ARE READING
MAHAL KO O MAHAL AKO?
FanfictionANO YUNG MAS MASAKIT? LOVING SOMEONE YOU CAN'T HAVE? OR HAVING SOMEONE YOU CAN'T LOVE? Character: ( Base on BINI'S emoji ) 🐺: Colet 🐥: Jhoanna 🐼: Maloi 🦊: Mikha 🐰: Sheena 🐶:Aiah 🐱: Stacey 🐨: Gwen #Jholet #macolet