JHOANNA'S POV:
Kinabukasan pagka gising ko sobrang sakit ng ulo ko at nagugutom ako. Hays di pala ako kumain kagabie kaya ang bilis kong naglasing.. Tinignan ko ang cellphone ko
6:06 AM
Maaga pa pala kaya pala si Staku paglingon ko tulog na tulog pa... Bumangon na ako at lumabas ng kwarto, pupunta sana ako sa kusina nang makita kong natutulog si Mikha sa sofa..
🐥: Bat dito yan natulog? (Mahina kong sabi)
Nilapitan ko siya kasi parang ako yung nahihirapan sa pagtulog niya. Hays di pa naman to sanay sa ganito, richkid to eh!
🐥: Mikhs
( Niyugyog ko siya at maya² ay nagising siya )
🦊: Jho..
🐥: Ba't dito ka natulog?
(Pilit niyang binubuksan ang mga mata niya bago sumagot)
🦊: Ah. Nag lock kasi ng door si ate maloi kagabie. Di ko nalang kinatok baka kasi gusto niya ring mapag-isa muna!
🐥: Ba't di mo sinabi sakin? Pwede ka namang matulog dun sa room namin ni staku. Kasya naman tayong tatlo dun.
🦊: Hays may kasalanan na nga ako sayo. Ayoko ng distorbohin ka 😔
🐥: Di naman yun nakaka distorbo eh.
(Tinignan niya ako na parang malungkot siya)
🦊: Sorry Jho, nasabi ko kay ate maloi yung secret mo 🥺
🐥: It's okay Mikhs, wala na tayong magagawa pa, nangayari na yun eh...
( Napabuntong hininga ako at nagsalita ulit )
🐥: Pero Mikhs natatakot ako baka sabihin niya sa iba at malaman ng parents ko 🥺 Ayokong mangyari yun Mikhs... Ma disappoint sila sakin...
🦊: Sorry talaga Jho... Don't worry gagawa ako ng paraan para di niya ipagkakalat yun. Promise Jho!
(Napayuko nalang ako dahil sa naisip ko huhu. Lagot talaga ako kay mommy pag nalaman niya to)
Maya² pa ay lumabas si ate Colet sa kwarto nila. Tumingin siya samin at ngumiti. Haaaays! Wag ka ngumiti ng ganyan please! Mas lalo akong nahuhulog sayo! Huhu Lagot ako sa parents ko nito 😔 Lumapit siya sa amin. Si Mikha naman ay bumalik ulit sa pagpikit, inaantok pa ata to!
🐺: Ang aga mo naman gumising Jho. Di ba masakit ulo mo?
🐥: Masakit kunti.
🐺: Ba't ang aga mo gumising?
🐥: Nagugutom ako.
🐺: Hayssssssss di ka ba kumain kagabi?
(Nagpa lingo² lang ako)
🐺: Kaya pala natamaan ka ng alak masyado.
( Nag offer siya ng kamay at pinatayo ako )
🐺: Kumain kana. Sasamahan kita
Nung nasa kusina na kami ay pinaupo niya agad ako at siya na ang nagsandok ng kanin at ulam.
🐺: Buti nalang ay may tira pa sa ulam naman kagabi.
( Tumingin siya sakin )
🐺: Kumakain ka ba nito? Malamig na to eh..
🐥: Okay lang yan. Di pa naman panis!
🐺: Okay, akala ko kasi maarte ka at di ka kumakain ng tira² na ulam!
(Tapos ngumiti siya Hays nang aasar na naman)

YOU ARE READING
MAHAL KO O MAHAL AKO?
FanfictionANO YUNG MAS MASAKIT? LOVING SOMEONE YOU CAN'T HAVE? OR HAVING SOMEONE YOU CAN'T LOVE? Character: ( Base on BINI'S emoji ) 🐺: Colet 🐥: Jhoanna 🐼: Maloi 🦊: Mikha 🐰: Sheena 🐶:Aiah 🐱: Stacey 🐨: Gwen #Jholet #macolet