Akira's POV
Hindi ko alam bakit nasa library na naman ako, kusa na atang dinala ako dito ng aking mga paa simula nung pumasok ako
Tulad pa rin ng kahapon ay naghihiwa - hiwalay kaming apat pagdating dito sa RTIS.
Nakagawian na din kasi naming magbabarkada na maghiwahiwalay pagpumasok at magkikitakita nalang pag first period na.
Pumunta ako sa bandang storybooks section at namili ng babasahin. Ang maganda kasi dito sa library na to, organized ang mga libro dito, may mga bawat sections na talagang kung math lang ay puro math ang nandon, hindi kasi katulad sa iba na, nagkalat at naghahalo halo.
Pagkatapos kong makapili ng libro ay pumunta ako sa gawing mahabang gitnang table. May tatlong hilera kasi dito ng long tables na sa tingin ko ay mga nasa benteng tao ang kasya pag ginawa itong hapagkainan, nasa gitna ang mga ito at nasa mga gilid at sulok naman ang mga hile-hilera na solo na study tables. Tutok na tutok kasi sakin ang aircon kapag dito ako pumwesto at dito ang pinakamalapit na upuan na mauupuan ko. Bali nakatalikod ako sa aircon.
Nagbasa lang ako ng nagbasa hanggang sa hindi ko namalayang...
"Hey! It's you again" nakangiting pansin sakin ng napakapamilyar na boses. Inangat ko ang tingin sa kanya at ngumiti. "Pwedeng dito muna ako? May kinuha lang yung kaibigan ko sa science section, first subject hehe" tanong nya pa at tumango lang ako.
"Sige ayos lang wala din naman nakaupo dyan, sa aga ko ba naman dito halos wala pang estudyante sa mga oras na to. Alangan namang palipatin pa kita don, edi mukha kang tanga don diba" turo ko sa kabilang table. Oo. Kakaunti palang pumapasok, 6 am palang kasi usually dumadating ang mga students around 6:30 am kaya naman medyo solo ko tong library. May mga iilan ilan din kasing mga students dito na sa tingin ko ay mga seniors din na katulad namin.
Ngumiti lang sya at nagbasa din ng notebook nya -science.
Pinagtuloy ko lang ang pagbabasa, nakakaaliw dahil romance nanaman ito, hindi ako ganun kahilig magbasa ng storybooks pero pagnatopak, magbabasa ko. Karamihan kasi ng mga binabasa ko ay mga libro na may kinalaman sa pag aaral.
Lumipas ng trentang minuto ay natapos ko ang binabasa na may ngiting kilig sa mga labi, maganda ito at nakakakilig at the same time.
Tungkol ito sa dalawang bida na nagkakilala sa isang cafe, nag-away, nahulog, bakbakan, na kalaunan ay kinasal at nagkaroon na masayang 4 na myembro ng pamilya.
"Mahilig ka pala sa romantic books?" Nag-angat ako ng tingin, nakangiti pa rin. "I'm Marvy" lahad nya ng kamay nya. Nakasinop na din pala ang kaninang binabasa nya at mukang tanging ako nalang ang tinitignan nya. "Song."
"Akira Lee"
Tinanggap ko yun at tumayo na, handang isauli ang librong binasa. Nauna ako maglakad ng tumayo sya sa kinauupuan nyan at sumunod sakin.
"Dito ka pa rin ba bukas?" Tanong ni Marvy sakin. Kasalukuyan kaming naglalakad na papuntang classroom. Tumango lang ako bilang tugon sa sagot nya. Science ang first subject namin kaya muli kong tinignan ang mga dala kong notebooks and books kung tama ang mga nailagay ko.
Nang makaupo ako sa upuan ko ay natanaw ko na din ang pag upo ni Marvy sa gilid ng katapat namin na silya. Katabi nya si Chester sa right side. At nasa likod pa ang dalawa nya pang kaibigan.
...
Nang matapos ang panghapon naming klase dumiretso kami sa canteen para bumili ng maiinom. "Tara sa mall, Arcade tayo!" Aya ni Jayce. Tinapos kong uminom bago ko tumango sa kanya. "Sabayan ng karaoke yaan!" masayang sabi ni Chesca.
YOU ARE READING
"ATTENTION" Girls and Boys
Teen FictionLove or hate? Ako o siya? Mahal ko o mahal ako? Love or friendship? Kaya mo bang pumili? Kaya mo bang i sugal ang lahat para sa taong tingin mo ay mamahalin o mahal ka? Kaya mo bang ipaglaban ang sayo? O susuko ka nalang na dahil iyon ang tingin mo...