Karen's POV
Dalawang linggo na ang nakakalipas mula noong lumabas kami, puro na kasi kami assignments at activities nitong mga nakaraang araw. Yun ang puro inaatupag namin pagka uwing pagkauwi sa bahay.
" Announcemeeeeent! We will be having our acquaintance party on the third week of July this will be held at the *** hotel." Masayang basa ko sa nakapaskil sa bulletin board dito sa hallway, break time na kasi kaya bumaba kami para bumili ng snacks.
" Please bring swimming outfits?" Taas kilay na basa naman ni Aki sa nakasulat. "Bakit may fashion show ba 'bat need ng swimming outfits?"
Umakyat na ulit kami papasok sa classroom pagkatapos non, nasa secon floor kasi ang room, kaya medyo hassle kung bababa ka pa. Sakto naman na dumating na din si Ma'am Bela, adviser namin, at inannouce ang gaganapin na acquaintance party sa susunod na linggo.
" Ma'am para saan po yung swimwear?" Tanong ni Sabrina. Pangalawa sa mga pinakamaarte dito sa classroom, syempre ako number one! Ako na toeh! De joke lang!
"May swimming kasing magaganap after flauntin your simple dresses or attires pwede na kayong magdive sa pool. Hotel and resort kasi gaganapin kaya nag avail na din sila ng resort." Wika ni Ma'am Bela.
" Ayos yun Ma'am ah, bakit may pa resort? Mukhang bakasyon naman na yon, hindi na acquaintance" tawa ni Tony. Boy tawa ng classroom.
"Nirequest ni Chester, inapprobahan naman, kaya parang after party na ang swimming, nasa inyo na kung uuwi kayo after 7 o'clock" baling ni Ma'am kay Tony. Mukhang mas masaya pa sya sa dadating na acquaintance kesa sa amin.
Si Chester, ngayon lang namin nalaman na anak pala sya ng may ari ng school, alam na pala ito lahat ng students dito talagang nahuli lang kami sa balita. Kaya hindi na talaga ako magtataka kung lahat ng hihilingin nya ay masusunod. Pasalamat nalang siguro kami at hindi sya bully tulad ng mga napapanood at nababasa ko sa mga libro.
" Oy, let's go overtime kila ate Gym" sabi ni Chesca. "Feel na feel ko ngayon eh"
"Sige, pili nalang kayo ng hindi masyadong gamit sa drum" sabi ni Rihan. Hindi kasi sya makakapagtrabaho ng mabuti kung puro gamit na gamit ang drums.
Tumango nalang kami at nakinig na sa susunod na lessons.
...
...
" Ariola, Batanaad, Clorem, Ivan, Reyes Vivian, Solivar, Um, Group 1, Make an acoustic and practice the song you picked"
...
" Tony, Sabrina, Manaloto, Gomal, Manipo, Prague, Group 3. Create a contemporary dance and practice the instrument to play the song you picked.
" Chester, Lance, Gonzales, Akira, Chesca, Lopez, Reyes Karen, Song, Group 4. Play instruments and sing, and practice the song you have picked." Tawag samin ni Sir Art. Music teacher namin sa P.E.
Project namin sa P.E musics, nadistribute nya na lahat ng pangalan ng lahat at kami nalang ang natira.
Magkakasama pala kami sa projects sana magkasundo kami since hindi naman kami lahat magkakasundo. Si Iska kasi at Chester ay laging nagtatalo, si Ryley naman ay parang laging may sama ng loob kay Rihan.
"Tapusin na natin to, dapat may masimulan na tayo ngayong araw" sulpot ni Lance sa harap namin nang makaalis na si Sir Art.
Isa isa nang nagpuntahan yung tatlo pang lalaki sa gawi namin at nagform ng pabilog. Syempre katabi ko si Lance.
YOU ARE READING
"ATTENTION" Girls and Boys
Novela JuvenilLove or hate? Ako o siya? Mahal ko o mahal ako? Love or friendship? Kaya mo bang pumili? Kaya mo bang i sugal ang lahat para sa taong tingin mo ay mamahalin o mahal ka? Kaya mo bang ipaglaban ang sayo? O susuko ka nalang na dahil iyon ang tingin mo...