Rihan's P.O.V
"RI-HAAA-NAAAA! WAKE UP NA!!"
Agad akong napabalikwas sa aking kama ng marinig ko ang napakatinis na boses ni Chesca. Napakaganda at napakasarap na ng panaginip ko eh, bakit kailangan guluhin ako, pwede naman sa iba. Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata at nang nakapag-adjust na ito ay sinamaan ko siya ng tingin. Nakasilip kasi sya ngayon sa kwarto ko at akala mo batang nakatingin sakin.
Franchesca Lee, 18 years of age, makulit na maingay at napakaarte pa. Cheerleader ng grupo yan, parang sya lagi nagpapaganda ng mood namin, pero sa ngayon mukhang hindi, dahil nangiistorbo nanaman ng tulog to.
Gulat syang umiwas ng tingin at kinutkot ang kuko na para bang inosenteng bata. " Aki and Kary told me to, napag utusan lang!". Sigaw nya pa! Unti unting humakbang papasok ng kwarto " ANYWAYS! GET UP NA! EAT NA TAYO!" hype na hype nyang usal. Kelan ba tatahimik to? Walang araw atang hindi tumahimik to.
Hindi man bukal sa loob ko ay bumangon na ko, inayos ang higaan at nagpabango ng kwarto, tinanggal lahat ng kalat at nilagay sa basurahan. Dumi ng kwartong to! Sa dumi ng kwartong to, parang ayaw ko na munang tulugan sa sobrang dumi. Dito pa kasi sila nagmovie marathon, manonood daw pero mga natulog at nagkalat lang sa kwarto ko.
Nang matapos ko ang paglilinis ay naghilamos at nagtoothbrush na ako at lumabas na para kumain.
Naabutan ko sila na may kanya kanyang ginagawa.
Si Chesca ay walang humpay sa pagsusuklay at pagpapaganda sa mukha nya, habang nilalaro ang kanyang cellphone. Si Akira naman ay may binubuong rubix cube habang umiinom papuntang upuan. Akira Rose Lee, 19 years old, masiyahin at madaldal din tulad ng pinsan nyang si Chesca. May mga bagong pakulo at gimik na hindi ko na maintindihan.
At si Karen naman ay sya nang naghahain sa lamesa. Lastly, Karen Jayce Reyes, 18 years old, gurang na mahilig sa makeup at fashion. Ang laging kasundo ng dalawang magpinsan.
Saktong nakatapos na si Karen sa paghahanda ng pagkain nang makaupo ako sa tapat ng lamesa. Wala namang bago, normal life, sabay sabay kaming nagdasal at kumain ng umagahan ngayon.
" Bilisan nyo pagkain, ang babagal nyo na ngang gumayak eh, babagalan nyo pa" ani Akira na mabilis ang pagsubo sa kanin dahil nga mukhang nagmamadali na. Wala akong nagawa kundi madaliin na din ang pagkain ng sunog nanaman na nilutong hotdog ni Chesca. Naku! Kung hindi ko lang to kaibigan, lalaitin ko na tong laging sunog nyang pagkain.
Kung hindi kasi sila nanood ng movie sa kwarto ko - na hindi naman talaga nanood dahil natulog lang- ay wala sanang puyat na magaganap. Ako pa ngayon pinagmamadali nila!
"Pait talaga Iska! Wag ka nang magluluto ha?! Please lang." Pagmamakaawang sabi ni Akira na mabilis pa rin ang pagsubo.
"Ano kaya look ng bagong school natin?, hano?" Karen, sabay tingin kay Chesca habang kumakain ng nakataas ang paa sa bangkuan. "Excited na ko!" Masiglang dugtong nya habang sumusubo ng kanin.
Balita ko naman ay maganda naman daw ang bagong school na lilipatan, maayos din at mukhang tumatanggap pa rin ng mga estudyanteng katulad namin. Hindi naman kami late enrollees, sa katunayan nga eh sobrang aga naming nagpaenroll for this year, sa kadahilanan ng mga bwisit kong kaibigan ay na expelled kami sa dati naming pinapasukang eskwelahan. Nakailang reports na din ng mga kunwaring biktima daw namin ng bully ang mga maaarteng estudyante, hindi din namin mapatunayan na wala kaming kasalanan dahil lagi din kaming nahuhuli na mukhang kami nagsimula ng gulo, so, no choice na lumipat ng skwelahan, nakakailang lipat na din kami, minsan nga dko alam kung sasama pa ko sa kanila o hindi na.
YOU ARE READING
"ATTENTION" Girls and Boys
Teen FictionLove or hate? Ako o siya? Mahal ko o mahal ako? Love or friendship? Kaya mo bang pumili? Kaya mo bang i sugal ang lahat para sa taong tingin mo ay mamahalin o mahal ka? Kaya mo bang ipaglaban ang sayo? O susuko ka nalang na dahil iyon ang tingin mo...