5: ???

5 1 0
                                    

Ryley's POV

"Ako harapin mo! Palibhasa sobrang dami mong babae hindi mo na alam kung saan saan sila naroon!" Narinig naming eskandalo ng isang lalaking nakaharap sa gawi namin. Galit na dinuduro yung lalaking nakatilapon sa isang gilid

Sila Lance ba yon? Mga mukha silang tangang nakatulala lang at tila nagulat sa nangyari.

"Is that Lance... and Aki?" Biglang tanong ni Chesca nang mapansin din ang malakas na sigaw ng customer. Nang sundan nya ng tingin ang lalaki ay nagulat sya at biglang napatayo hila hila si Karen. "Oemji!"

Sumunod kami nang makalahatian na ni Chesca ang pagpunta sa gawi nila.

"Ano? Babae mo nanaman? T**g*ina! Ilang beses ka pa kumakasta?" Bulyaw nanaman nito.

Kasta talaga? Ang sama naman neto, sarap ilagay sa garapon ng patis tutal mukha naman syang maalat.

"Anong sabi mo?!"  Mukhang nag igting ang panga nito. Mabilis itong nakatayo at handa nang sumugod.

"No! Galvez!" Pigil ni Chesca sa tinawag niyong Galvez.

Nakahawak si Chesca sa braso at dibdib ni Galvez na animong pibipigilan na galawin ang nanuntok.

Boyfriend nya ba to? Gwapo naman at mukhang meron ngang sila. Kita din ang pag aalala sa mukha ni Galvez.

" Hahahaha! Wala pala to eh! Manunulot ka nalang sa kaibigan pa ni Jayce!" Tawa nito kupal na to. Kelan ba to tatahimik? Kaingay. " Hindi na ko magtataka kung makukuha mo sila agad" tatawa tawang saad nya habang nakatingin kay Karen.

Nakatulala na si Karen at mukhang iiyak na.

"Support ako pre basta iisa isahin mong kastahin yang mga yan tutal malandi leader eh. Ano kumusta Jayce? masarap ka pa rin ba?" Tatawa tawa pa rin nyang saad.

Sta ang kaunaunahang nakilala kong manyak! Ang dumi ng bunganga at ang laswa ng mga sinasabing salita. Napakabastos!

"Eh pot**na mo pala eh!" sumugod si Galvez dun sa manyak at sa unang pagkakataon pinagsusuntok nya ito.

Sya ang sumugod at yung dalawa nya pang kasama. Si Galvez mismo ang pumuntirya dun sa manyak habang nakaharang lang yung dalawang lalaki na tatawa tawa na sa tabi.

"Uy Chesca wala ba kayong gagawin? Awatin nyo na oh"  baling ni Marvy sa kanya.

Napatingin lang si Chesca sa kanya at napangisi. "NAH! i think he deserves it." Kibit balikat nya lang. " madami syang nasabing masasakit na salita. Hindi kami malandi lalo na leader namin." Mahinahong saad nya.

May leader leader kayo? Uso ba yon? Ang jeje ah

Tinignan ko sya nang may mapanuyang tingin.

"Kayo lalaki 'bat hindi nyo awatin?" Ani Akira na nanonood lang nagbubugbugan na mga lakaki.

Wala ba dito yung may ari? Bakit parang walang silang nakikita?

Hello! Andami nang nasisira oh! Ano to filming set?

" Isa pa, hindi naman yan leader namin. Ayaw nya pa namang naririnig yon." Ika Chesca na pinapatahan na si Karen. Si Lance naman ay nakasuporta at may hawak na tissue sa kabilang kamay.

"Itigil nyo na yan"

Automatikong natigil sila Galvez sa ginagawa at napatayo sa gulat. Na para bang hindi nila inaasahan si Rihan na nandito.

"Itigil nyo na masyado na kayong madaming nasira" Mahinang saad nya papalapit sa kinaroroonan nang anim na lalaking  nagaaway.

" Rihan anong ginagawa mo?" Bulong ni Lance nung sandaling magkasalubong sila ni Rihan.

"ATTENTION" Girls and BoysWhere stories live. Discover now