Present day
NAPAKATAHIMIK ng highway at makikita na halos walang mga sasakyan na bumibyahe sa daanan. Pero makikita dito ang isang sasakyan na bumibyahe papuntang Siyudad.
Masayang nagmamaneho ang isang binata na nasa edad 20's habang nakikinig nang paborito niyang music sa radio ng sasakyan. Mahahalata sa pangangatawan niya na naaalagaan ito dahil sa built ng katawan, at pansin din na nag gy-gym ito dahil na rin sa laki ng dalawang braso niya.
"Ngiti naman dyan Hayden, para ka talagang may malaking galit sa mundo." natatawang saad ni Michael sa bunsong kapatid na nasa edad 10 habang siya ay nagmamaneho, pero hindi siya pinansin nito na ikinabuntong hininga naman niya.
Ganito sila lagi ng kaniyang kapatid, simula kasi nang Iwan sila ng magulang nila ay naging bugnutin na ito at laging napapaaway sa klase. Siya tuloy ang napagsasabihan ng ibang magulang kapag pinapatawag siya sa school ng kapatid.
Hindi na niya tuloy alam ang gagawin lalo na at hindi siya sanay na siya ang nag aalaga ng kapatid, kapag kasi umaalis siya papuntang trabaho ay nagpapatawag lang din siya ng babysitter para lang bantayan ang kapatid niya. Pero halos maubos na rin niya ata ang mga babysitter sa probinsya nila dahil kadalasan na itinatawag sa kaniya ng mga nag aalaga ay 'nagwawala ito at hindi na pinapakinggan kung ano ang sasabihin nila'.
Malalim siyang huminga habang nag da drive ng sasakyan nila na RV. Napag isipan niya kasi na mag out muna sa trinatrabahuan niya para may time naman silang gumala ng bunsong kapatid, kaya tinawagan niya agad ang Lolo at lola nila na nasa Siyudad para mag stay muna sa kanila na pumayag naman dahil na mi miss na raw sila ng mga ito.
"Hayden, alam mo pwede ka naman makipag usap sa akin kung may mga problema ka." malumanay niyang ani sa kapatid, pero isang masamang tingin lang ang natanggap niya rito nang tignan niya ito sa mirror view ng sasakyan.
Tahimik lang sila sa sasakyan habang bumibyahe, hindi na rin niya tinangkang kausapin ang bunsong kapatid dahil baka atakihin nanaman ito ng galit.
Isa pa sa hindi niya makalimutan ay may sakit ang kapatid niya na OCD o yung tinatawag na Obsessive Compulsive Disorder. Ito rin ang naging dahilan kung bakit iniwan sila ng magulang nila, dahil iniisip ng mga ito na dagdag gastos lang ang bata kung ipapagamot ito.
Mahigpit ang pagkakahawak ni Michael sa manibela nang maalala nanaman ang tagpo na yun. Gusto niyang sumbatan ang mga ito, pero dahil wala pa siyang kamuwang-muwang noon ay ang alam lang niyang gawin noon ay ang gumilid at tumahimik.
"Walang mga sasakyan na dumadaan dito." mahinang ani ng bunso niyang kapatid habang nakatingin ito sa daanan.
Napansin na rin niya iyon, kaya nagtataka rin siya kung bakit walang dumadaan na mga sasakyan, wala namang nagaganap na EDSA revolution para maging tahimik ang paligid, dapat nga ay mas matao kasi hindi naman holiday.
"Hinto muna tayo sa gasolinahan kung meron man dito, at sana may malapit na rin na convenient store dito para makabili tayo ng pagkain natin." saad niya sa bunsong kapatid na tumango lang sa kaniya at muling tumingin sa bintana ng sasakyan.
Masyado pa kasing malayo ang tirahan ng Lolo at Lola nila, kaya baka gutumin sila sa highway. Kailangan na rin niyang magpa full tank para hindi na sila paulit ulit na mag stop over.
Nang makakita naman siya ng gasolinahan ay agad niya itong inihinto, at buti nalang dahil may isang convenient store na rin sa tabi ng gas station "Hayden, magpa fully tank lang ako bago tayo pumasok sa loob ng store." saad niya habang pinaparada niya ito.
Pero hindi napansin ni Michael na inirapan siya ni Hayden at naglagay ito ng earphone sa tenga.
Nang iparada na niya ang sasakyan nila ay lumabas na siya para mag full tank, pero nagtaka siya nang walang taong mag a-asist sa kaniya kaya napakamot nalang siya sa ulo, kaya wala siyang nagawa kundi ang mag automatic pay para siya na rin ang maglalagay ng sarili niyang gasolina.
BINABASA MO ANG
The Survival Trilogy I: Death Is After You
Fiksi IlmiahSimple lang naman ang gusto natin, ang mabuhay ng payapa habang nabubuhay pa tayo. Kaya hanggat maaari ay ineenjoy na natin ang buhay, pero may time na nagkakaroon ng thrill ang buhay natin. Michael, ang pangalan ng binata na nasa edad na 20's. Halo...