Sobrang bilis ng mga pangyayari. Tanging tibok na lang ng aking puso ang naririnig ko. Sobrang lakas, nakakabingi.
Hindi ko alam kung anong mangyayari. Naramdaman ko na lang na hinawakan nya ang kamay ko ng sobrang higpit.
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin sya ng diretso sa mga mata ko.
"Mahal kita. Mahal na mahal kita."
At nawala na ang lahat.
-
He said let's get out of this town.
Drive out of the city, away from the crowds.
"Karylle! Karylle!"
"Nakarating na ba sa inyo ang tungkol sa statement ni Yael?"
"Totoo po ba na hiwalay na kayo?"
"Anong masasabi mo tungkol sa mga sinabi niya?"
"Karylle!"
"Karylle!"
Gulong gulo ako. Kakalabas ko lang galing ng dressing room ko. Nagkakagulo silang lahat. Ang daming camera sa harap ko. Lahat sila hinihintay akong magsalita. Hindi ko alam kung ano yung sinasabi nila na statement ni Yael. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I'm still trying to absorb and comprehend everyting that is happening. Ano nga bang nangyayari?
"Totoo bang si Vice Ganda ang dahilan ng paghihiwalay nyo?"
Mas lalo akong naguluhan nung narinig ko ang pangalan nya. Ano ba talagang nangyayari?
Sinusubukan ko pang malinawan lahat ng tanong na nabubuo sa utak ko ng biglang may humila sa'kin papalayo sa mga taong nagkakagulo sa harap ko.
Si Vice.
Wala pa rin ako sa sarili ko. Lumingon ako at nakita kong sinusubukan pa nilang habulin kami pero mabilis si Vice. Halos kaladkarin na nga nya ko palayo. Ganito ba talaga kabilis ang kabayo? Natawa naman ako sa sarili kong joke.
Hindi ko namalayan na nasa parking lot na pala kami. Binuksan nya yung pintuan ng sasakyan nya. Nagets ko naman agad na gusto nya akong sumakay. Sumunod na lang ako dahil gulong gulo pa rin ako sa mga nangyayari.
Tahimik lang kami habang nagdadrive sya. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Wala pa ring nagsasalita simula nung hinila nya ko palayo sa media. Ako na ang bumasag ng katahimikan.
"Ano yung nangyari kanina? Alam mo ba kung bakit nila ko pinagkakaguluhan?"
Napabuntong hininga naman sya. Tiningnan nya ko saglit pero binalik rin nya ang atensyon nya sa daan. Bakit hindi nya sinagot yung tanong ko?
"Bakit may sinasabi silang statement daw ni Yael? Nabanggit rin nila pangalan mo. Hindi ko maintindihan."
Huminga sya ng malalim. Hindi pa rin sya nagsalita pero maya maya ay nakita kong tinigil nya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung nasan kami pero tahimik. Wala masyadong tao. Sinisilip ko pa rin kung nasaan ba kami ng bigla nyang inabot yung phone nya sa'kin. Kinuha ko naman ito. Tiningnan ko kung anong meron, may video ni Yael na nandun. Pinlay ko naman ito.
"Napapabalita na nagkahiwalay na daw kayo ng girlfriend mo na si Karylle?" tanong ng interviewer.
Tumango naman si Yael. "Totoo."
Tila nagulat naman yung interviewer. "Kelan pa? Anong nangyari? Anong dahilan ng break up nyo?"
"Si Vice Ganda."
Nagulat ako sa narinig ko. Walang kinalaman si Vice sa paghihiwalay namin!
"She cheated on me. With Vice. Nahuli ko sila sa akto."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Roadtrip | Vicerylle
FanfictionSharing stories on the road with you. Vicerylle oneshots.